Chapter 7 Milagro Natapos ang aming klase at wala akong maramdaman kundi iritasyon. Dahil buong araw ay katabi ko ang lalakeng iyon. At ang masama pa, iyon na ang permanenteng upuan namin upang mas lalo raw kaming makilala ng aming propesora. Noong matapos na ang klase'y agad akong umalis sa aming kuwarto. Ngunit hindi pa ako nakakalayo'y natigilan ako nang may sumigaw ng aking pangalan. Nang makilanlan kung sino'y tila'y gusto kong batukan ang aking sarili sa pagpansin sa kaniya. At ano'ng kailangan sa 'kin ng lalakeng ito? Isang nagkukumahog na Justice ang sa aki'y lumapit. Napapansin ko pa rin ang dalawang butones ng kaniyang polo na hindi nakabukas, sumisilip ang kaniyang sando at malaking buto sa dibdib. Napailing na lang ako. "Bakit ka bigla-biglang umaalis, Donita?" hinihingal

