Sabay kaming bumaba ni Damon mula sa kwarto niya at pinuntahan sa Sala ang pamilya niya. Ginagamot ni Daniella yung pagkakasuntok sa mukha ni Damon sa boyfriend niya.
"Aalis na po kami." Damon said to his Mom.
"Hindi ba muna kayo kakain dito?" Mrs. Lawrence asked.
"Hindi na po." Nag simula na siyang maglakad palabas ng hindi manlang kinausap yung best friend niya at kapatid niya.
"Uuwi na po kami." Sabi ko sa Mama nila.
"Kailan ka babalik ulit?" She asked nicely. Oh! Nakakabigla naman yung tanong na yun dahil ineexpect pa niyang bumalik ako.
"Hindi ko pa po alam." Ngumiti nalang ulit ako sa kapatid ni Damon. "Congrats sa baby."
"Salamat." Matipid niyang sagot. Nagsimula na ‘kong maglakad palabas ng bahay nang makapag paalam na ‘ko sakanila. Nakita ko si Damon na seryosong nakasandal sa kotse niya.
"Ihahatid mo na ba ‘ko pa uwi?" Tanong ko.
"No! Isasama sana kita sa Unit ko kung ayos lang sa’yo."
"Oo naman." Pinag buksan niya ‘ko ng pintuan ng kotse, ‘tsaka ako sumakay. Pagkasakay naman niya sa driver seat sinimulan na niyang paganahin ang kotse at nagmaneho papunta sa Unit niya.
So kung may Condo Unit siya ibig sabihin hindi siya nakatira do’n sa malaki nilang bahay? "Dati mo bang kwarto yung kanina?"
"Yup."
"Naglalaro ka ng Baseball dati?"
He chuckled. "Nakita mo pa yun?"
"Oo, nakasabit ba naman sa kwarto mo eh. Naglalaro ka pa?"
He shakes his head. "Hindi na."
"Mmm... alam mo ang dami kong nalaman tungkol sayo ngayong araw, ‘di ka ba natatakot kasi textmate mo lang ako?"
He finally laughed. "Hindi naman, ‘wag kang magalala."
"So, paliligayahin mo parin ang mga gabi ko?" I joke.
"Kahit hindi gabi paliligayahin kita." He winks playfully. Oh! He's back, ang seryosong Damon kanina wala na ngayon. Nagbalik na si Playboy Damon.
Narating namin ang Unit niya ng wala pang kalahating oras mula sa bahay nila. Gano’n lang siya kalapit. Buti nalang dahil feeling ko mapapagod ako nito kakabyahe.
Sa pag sakay namin sa elevator, may nakasabay kaming isang babae na todo makahawi ng buhok at tila nagpapacute kay Damon. Sarap niyang sabunutan, alam ng maykasama eh. Imposible namang ‘di niya ‘ko mapansin kasi mas maganda ako sakanya. Ito namang si Damon, ngumingiti pa sa bruha. Haaay!
"Bye, Damon." Sabi nung babaeng maharot pa sa’kin pagkabukas ng elevator.
Ngiti lang ang binigay ni Damon sakanya. ‘Tsaka naglakad na palabas ng elevator yung babae.
"Seryoso Damon? Ngumingiti ka sa gano’ng kapangit na babae?" Irita kong tanong. Tumawa lang siya sa sinabi ko. "May nakakatawa?"
"Are you jealous?" He asked laughing.
"Me??" Tinuro ko yung sarili ko. "Jealous with that ugly girl? Oh c'mon! Kung gusto mong makipaglandian sakanya wala akong pakialam."
"Yah, you're jealous." Mas lumakas yung tawa niya. Langyang ‘to, paiinitin pa ata ulo ko. Inisip pa talaga niyang nagseselos ako? Kakaloka siya!
"Hindi naman tayo kaya hindi ako nagseselos!"
"Okay, okay!" He stills not convinced. I rolled my eyes. Finally nag bukas na din ang elevator kaya nauna na ‘kong lumabas, pero dahil ‘di ko naman alam kung saan ako pupunta kahit gustuhin ko mang iwanan siya hinintay ko padin siya.
Pagpasok namin sa Unit niya walang masyadong makikitang gamit, wala nga siyang t.v, drawers, o yung mga sinasabit sa wall, kumbaga parang plain lang yung Unit niya. Ang tanging meron lang sa sala niya, couch, music player and small glass of table in front of his couch.
"Bagong lipat ka lang ba? Kasi wala ka pang masyadong gamit." Tanong ko. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa likod ko.
"Hindi, sadyang ganito lang style na gusto ko." Hinalikan niya ‘ko sa balikat kaya feeling ko uminit na naman. "Are you hungry?" He asked.
"Yup."
"Food or s*x?"
I chuckled. "Food and sex."
"Okay, sa food muna tayo bago ang sex." He said making me laughed.
"Are you going to cook?" I asked.
"No, i don't know how to cook. Sa labas ako kumakain palagi or minsan nag papadeliver."
"Do you want me to cook?"
"Yes please, masarap ka kasing magluto eh."
"Playboy ka nga, marunong kang mangbola eh."
He laughed softly then he kissed my cheek. "Kinilig ka naman?" Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at humarap sakanya ‘tsaka hinalikan ko siya sa labi ng mabilis.
"Para lang sa kaalaman mo hindi pa ‘ko kinilig, kasi ang korni nun."
"Hindi pa?" He asked amusingly. I nodded, confidently. "Kung gano’n, pakikiligin kita."
"Goodluck, sexy voice." I challenge.