Umiwas na ‘ko ng tingin kay Ian na kunyari hindi ko siya napansin. Baka kasi mamaya nito puntahan pa niya ‘ko at di ko mapigilang masura sa mukha niya.
"Amber, alak yang iniinum mo hindi tubig." Pagpapaalala sakin ni Lulu, kaya inilapag ko na sa lamesa yung beer ko. Malay ko bang tila lagukin ko na yung beer, sadyang ‘di ko lang gusto yung nakikita ko.
"Ohmygosh!!" Lulu said na dahilan para tignan namin siya. "A-Amber.." Nauutal niyang tawag. She's looking at our back.
"What??"
"Is that Ian?" Oh s**t! Don't tell me pupunta yung mokong na yun sa table namin?
"Hi ladies kumusta na?" That's Ian voice, greeting casually my friends. Nakatingin silang lahat sa’kin at mukhang tinignan yung reaksyon ng mukha ko.
"Uhm... puwedeng makiupo?" Ian asked nicely. Wala mang sumangyon sa’ming umupo siya kasama namin, umupo na siya at katabi ko pa!
"Long time no see, babe." Sabi niya na ikinainis ko. Talagang tinatawag pa niya ‘ko ng babe ah? Nangiinis ba talaga siya? Gusto niya atang masaktan eh!
Uminum nalang ako ng alak at ‘di siya pinansin. "Bakit ‘di ka nagsasalita? ‘Di mo ba ‘ko namiss?" Tanong niya na naman. Anong trip nito at kung ano anong sinasabi niyang nakakasuka? Gusto niya atang makipaglaro, well okay… pagbibigyan ko siya!
I look at him and give him a fake smile. "Do you want to dance?" I asked. He smirked widely.
"Sure." I give my friends a watch-my-game smile. Ngumiti lang sila na at mukhang na gets naman nila.
Pumunta na kami sa dance floor at sinimulan ng makipag sayaw sa ex ko. I give him my best sexy dance na kinabaliwan niya noong kami kaya si mokong ang laki ng ngiti. "Hindi ka parin nagbabago, you're still pretty, sexy, fun and exciting lady. I can't believe we just end up because of my stupid mistakes." He said pulling me closer to him.
"Don't be harsh on yourself Ian, it's been what?? Mmm... two years?" I put my hands on his shoulder.
"Three years, actually." Pagtatama niya. Three?? Three na ba yun? Malay ko ba.
"I miss you babe." He seriously said. Sige lang mamiss mo lang ako! ‘Di naman ako ang mababaliw sa’ting dalawa. Unti unti niyang inilalapit ang labi niya sa labi ko kasi malamang plano niyang halikan ako. Hindi ako umiwas sa halik na binigay niya sa’kin, ibinalik ko pa nga yun. I used to enjoy his lips before at mukhang gano’n pa din ngayon. Pero mas enjoy talagang halikan ang labi ni Damon, yung labi niyang mamula mula at hinahanap ko simula ng matikman ko.
Oh s**t!! Itinulak ko si Ian na dahilan para ikagulat niya.
Seriously Amber?? You were kissing someone pero si Damon ang nasa isip mo??? Pambihira!
"A-are you, okay?" Pagtataka niya. I cleared my throat.
"Yah, i was just... uh..." I'm finding a word to say. "I need to pee." Iniwan ko na siya sa dance floor at nag madaling pumunta sa girls room.
Gusto kong maghilamos pero ayoko namang matangal yung make up ko. Pambihira talaga Amber, ano bang pumasok sa kokote mo?? Sa lahat naman ng pagkakataong iisipin mo si Damon sa oras pa talagang may kahalikan kang ibang lalake?? I scolded myself.
I shake my head. It’s nothing! Dala lang ‘to ng antok at alak ‘tsaka isa pa magkasama lang kaming kaninang umaga kaya ko siya naisip. Tama! Go to Ian and play around with him, para makita niya ang hinahanap niya!
"Amber?" Nakita ko si Majah at Luisa mula sa reflection ng salamin. I faced them. "You okay?" Maj asked.
"Yah." Am i?
"You're not! Bakit mo tinakbuhan si Ian? Don't tell me hurt ka padin?" Lulu asked.
"What?? No!" Kasi ‘di naman talaga. Inabot nila sa’kin yung bag ko kaya ‘tsaka ko naman agad kinuha yung cellphone at nagbabaka sakaling may text si Damon at ‘di nga ‘ko nagkamali, three messages from him..
*** I'm home. ***
*** Busy? ***
*** Night. ***
s**t! Nakalimutan ko pala siyang itext. What? Seriously Amber? It's just a text!!
"Is everything, okay?" Maj asked.
"Yah!"
"Yah! Paniwalaan mo ‘yang sinasabi mo." Lulu said sarcastically. "Look, tell us what's wrong hindi kami manghuhula!" She added. I sighed heavily.
"I know you see that Ian and I kissing," They nodded. "It freaks me out because i was kissing him but my mind was all about Damon!" Nagkatinginan silang dalawa at halatang nagulat.
"Wow!" Lulu said.
"I know!" I hissed.
"He must be really good kaya naiisip mo siya ng bonga." Sabi ni Maj na nagpatawa sa’min ni Luisa. "What??" Pagtataka niya.
"Natututo ka na, beb." Lulu said playfully.
"Pwede ba, sa tagal ba naman nating magkakasama malamang matututo ako sainyo!" She's right! But then nawala naman agad yung tawa ko dahil bigla kong naalala yung kabaliwang pagiisip ko kay Damon habang may kahalikan akong iba.
Siguro dapat mag laylo muna ako sa pagti-text sakanya hangga't ‘di dumarating ang weekend dahil baka pag nag patuloy yun ‘di ko na magustuhan ang resulta. Kasi ngayon palang ‘di ko na nagugustuhan!