chapter 4: bagong misyon

1607 Words
Nag pakita ng hiya ang lalake sa harap ni eros, halos hindi nito maibuka ang bibig dahil sa nangyari "ma..maraming salamat sa inyo" pasasalamat nito kay eros at agatha. "Kung hindi mo sana ako pinigilan inumin yung wine, patay na siguro ako ngayon" ani pa ng lalake, napayuko na lamang ito at napakamot sa batok. Ngumiti na lamang si eros sa sinabi ng lalake, wala din naman ito masagot dahil kasalanan niya ang lahat. Pagkatapos makita ang bote na nahulog ng babae ay ipinatawag nila ang pulis. natigil ang celebrasyon at pinauwi ang mga tao para sa ikabubuti nila. Dahil sa mga aktibong kamera ay navideohan ang lahat ng pangyayari, halos lahat ng mga fans ng lalake ay nakita ang nangyari. Dahil doon ay umuwi nalang rin sila agatha at eros, matagumpay na naman ang misyon niya kaya masaya ito, walang imik ang dalawa sa loob ng kotse, si eros ay naka tingin sa bintana at si agatha naman ay nag seselpon. Huminto ang kotse nila sa gitna ng kalsada "ma'am naubusan po ata tayo ng gas" pag papaalam ng driver kay agatha. "Tatawag nalang po ako ng tulong." Ani pa nito. Bumaba sa kotse si agatha at eros, saglit nilang pinanood ang tanawin malapit sa tulay habang pina pagas pa ang kotse nila. Huminga ng nalalim si agatha at dinadamdam ang sariwang hangin. Napatingin si eros sa kaniya at iniisip nito na kasalanan niya ang kaguluhan naganap sa bulwagan "Sorry" salita nito sa harap ni agatha, napahawak ito sa batok dahil ramdam niya ang pagkahiya. Nagtaka si agatha kung bakit nag so-sorry si eros sa kaniya, nag katitigan sila ni eros at tinaas nito ang kilay niya. " para saan? " Tanong niya kay eros. Lumingon si eros sa tanawin habang nakatingin parin sa kaniya si agatha "Dahil sa gulo nangyari, kasalanan ko kasi ang nangyaring gulo " sagot niya sa babae, hindi maintindihan ni agatha kung ano ang ibig nitong sabihin. Kaunting ngumiti si agatha kay eros "Not your fault, actually hinangaan kita kanina. Hindi ko alam kung may mahika kaba o ano, pano mo nalaman na lason ang binigay ng babae kay lance?" Salita naman ni agatha sa kaniya, tumingin din ito sa tinitingnan ni eros, gusto man ipaliwanag ni eros sa kaniya ang totoo ngunit alam nitong hindi ito maniniwala. Napahawak ulit siya sa batok niya "Hula lang, haha" sagot niya kay agatha. Malamig at tahimik ang gaming yun, napaka sariwa ng hangin at maganda ang tanawin. Matagal na nag usap ang dalawa, tanging yun lamang ang oras para sa kanila, parang hindi nila rinig ang mga pag paharurut ng sasakyan at tanging boses lamang nilang dalawa ang naririnig. "Ma'am ayos napo ang lahat" sagabal na sabi ng driver, pumasok naman agad ang dalawa sa kotse at bumalik sa dati. Hindi na sila nag salita hanggang makarating sila sa bahay ni agatha. "Ayy pano ba ito" napakamot sa batok ng driver ng sasakyan habang nasa harap ito ng pintuan ng kotse "nakatulog na ata si ma'am agatha." Ani pa niya, lumingon ito sa kaliwa at kanan, at nag iisip kung ano nga ba ang gagawin niya. Habang nag lalakad si eros, napa tigil ito sa sinabi ng driver, huminto ito at lumingon sa kaniya "Edi gisingin mo." Sabat nito sabay sinimulan ulit ang paglalakad. "Ah... ma'am? Ma'am agatha nandito napo tayo." Mahinhin na paggising ng driver kay agatha, tinapik niya ng mahina si agatha ngunit hindi parin ito nagising. Si eros ay napahinto ulit sa pag lalakad at bumaling ulit ang tingin nito kay agatha, tumungo ito sa harapan ng kotse at sinipa ito ng malakas. "Hoy, nandito na tayo. Gumising kana riyan" malakas na sabi ni eros kay agatha ngunit kahit ganon man kalakas ay hindi parin ito nagising. Nagulat ang driver sa ginawa niya at parang hindi ito takot sa kinikilos nito "aba" dagdag pa nito sabay napahawak sa noo niya "Hoy eros, ikaw na bahala diyan. Body guard ka naman niyan e" nag salita ang driver kay eros na ikinainis nito. Nainip si eros at walang magawa kundi buhatin nalang si agatha, dahan dahan niyang inabot ang kamay ni agatha, hinila niya ito at inilagay sa braso niya, hinawakan nito ng mahigpit ang bewang ni agatha, napabuntong hininga na lamang ito. Ibinagsak ni eros si agatha sa kama nito "ang payat payat mo tignan pero ang bigat bigat mo, ano ba kinakain mo" pagrereklamo nito kay agatha, habang ang babae ay walang kaalam alam dahil sa mahimbing ang tulog nito. "Congrats" Napatalon sa gulat si eros ng biglang may bumulong sa kaniya "pops! Nakakagulat ka naman" napakunot ito ng noo sa lalake "Sus, nakakunot na naman yang noo mo." Sumagot ito sa kaniya sabay nang pagkurot nito sa pisngi ni eros. "Ano ba." Salita ni eros sabay hampas sa kamay ng lalake "Oh ito, papel, sirain mo ulit para wala kana talagang pag asa makapunta sa langit" pananakot ng lalake kay eros sabay abot sa bagong papel nito kung saan nag lalaman ng mga misyon na gagawin niya. "Salamat." Malamig na sagot ni eros Tumuwid ng tayo ng lalake at tumingin ito kay agatha habang mahimbing na natutulog "Mas hihirap ng hihirap ang gagawin mo, pero dahil suwerte ka sa mga pulubi dumali ito kahit papano" ani nito " ang babae naito ang makakatulong saiyo sa susunod na misyon mo" dagdag pa ng lalake at inilagay ang mga kamay nito sa bulsa niya. Natahimik silang dalawa habang tinititigan lamang si agatha. "Ano ba ang susunod na misyon ko?" Seryoso na tanong ni eros sa lalake. "May mata ka basahin mo nalang sa papel na iyan" sumagot ito kay eros. Lumingon si eros sa kaniya ngunit nag laho na ito. "Bwesit na matanda." Bulong nito. Lumabas si eros at pumuntang harden para tingnan kung ano ang susunod nitong misyon. Lumaki ang mata nito sa gulat ng makita niya na mas malala pa sa lahat ang bagong misyon niya. Hinampas nito ang noo niya, lumuhod ito at sinuntok ang damo hanggang dumugo ang mga kamay niya. "Hindi nato makatarungan" bulong nito sa sarili niya, at sinisisi ang lahat sa sarili niya dahil sa mga kabaliwan na ginawa niya. " Bakit ba kasi may ganito pang trabaho, hindi ba pwedeng tao na lamang ang kusang mag mahal sa gusto nila? Bakit kupa kailangang panain ang isa para sa isa? Hindi ba pwedeng sila nalang ang gumawa ng paraan upang maging sila? " Tanong ni eros sa kaniyang sarili, kaunting napaluha ito at bumalik sa pagbabasa sa papel. "Isang inosente at kaawa awang bata ang biktima, inaabuso ito ng pamilya niya ngunit mas pinili parin nitong maging mabait at magalang sa lahat ng tao. Pangarap niya ang mag karoon ng magandang pamilya kung saan wala sino man ang masasaktan, ngunit sinira ko iyon...." paglalahad ni eros, napuno siya ng galit at puot sa sarili niya. Nanginginig siya sa inis habang nag sasalita " pinana ko ang matandang may kapansanan at nag kagusto ito sa batang babae, ngunit dahil wala kamalay malay ang batang babae ay binaliwala niya ito. Isang araw ay umuwi ang babae galing eskwela at nakasalubong nito ang matanda, nginitian ito ng batang babae at walang kaalam alam sa gagawin ng matanda." Ang inosente at magalang na batang babae ay nirape ng ilang buwan, hindi ito sinaktan ng matanda ngunit pinag nanasaan niya ito, pumalag ang batang babae na ikinagalit ng matanda, ikinulong niya ito sa drum. Walang nakakaalam kung nasaan ang batang babae, hindi man lang ito hinanap ng sarili nitong pamilya dahil ang tingin lamang nila sa kaniya ay pabigat at walang kwenta. Hindi nakatulog si eros ng gabi naiyon at iniisip ang mga paraan kung papano makakatulong si agatha upang maligtas ang bata, iniisip niya ang pwedeng maging paraan upang maligtas ang batang babae, ngunit ang problema ay may kalayuan ang lugar kung saan mangyayari ang trahedya, aabutin ng ilang araw upang makarating doon. Ilang araw na lamang ang natitira upang mapigilan ang matanda sa binabalak nito. "Aba, tulala ka ata ngayon eros." Puna ni lando kay eros kabang nag t-toothpick ito at nakaupo ng nakaangat ang isa nitong tuhod. "Ano nagalit ba ulit sa iyo si ma'am agatha?" Tanong niya rito, habang katabi nito si eros at nakaupo sa waiting shed, Walang imik si eros at tulala parin ito. "Hoyy" pinitik ni linda ang noo ni eros na agad naman siya napa aray "kanina kapa tulala riyan, ang laki ata ng problema mo." Dagdag pa nito, napahawak nalang ito sa bewang niya at hindi matiis na makita na tulala lamang si eros. "Tumahimik nga kayo, nag iisip ako" sagot ni eros, habang napahawak ito sa noo niya. "Ano ba iniisip mo?" Tanong ni lando "Oo nga, ano?" Tanong din naman ni linda "Sabihin muna kasi..." pamimilit ng dalawang magkapatid, habang palapit ng palapit ang mukha nila sa mukha ni eros. Tumayo si eros dahil hindi na niya matiis ang dalawa "may misyo-" natigil ang pagsasalita niya ng biglang may dumikit na plastic sa bibig niya. "AHAHAHAHA" tawanan ng dalawang magkapatid "pati ata plastic gusto malaman kung ano sasabihin mo e" sabat ni linda Inalis ni eros ang plastic na dumikit sa kaniya at itinapon, umalis nalang ito at lumayo sa dalawa. "Hoy san ka na naman pupunta" tanong ni linda Lumingon si eros sa kaniya at nilabas nito ang dila niya at tila iniinis si linda "sa puso mo" mapang asar na sagot nito, sabay takbo habang nakatingin parin kila linda. Ngunit hindi nito nakita na may poste sa harap niya, nauntog siya rito at napaupo na lamang at hinahawakan ang ulo sa sakit. Rinig niya ang malakas na tawa ng dalawa na ikinainis niya. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD