Chapter 15

2060 Words
L U C A "He already left." Napaawang ang bibig ko nang marinig si Rex na sabihin 'yon. Zig already left. Napaupo ako sa couch matapos malamang umalis na si Zig at iniwan ako rito. He never even told me that he was leaving. Ni-hindi man lang niya ako ginising. I thought, we're going back to Bahaghari together. Pero ano nga bang ine-expect ko after what happened last night? After his confession to me and after what we said to each other, hindi na dapat ako umasang pagkagising ko ay magiging okay pa ang lahat. "Hindi man lang siya nagpaalam..." habang sinasabi ko 'yon ay pakiramdam ko ay gusto kong umiyak. Tumigil na ang malakas na bagyo at kalmado na ang lahat. Pero bakit kasabay ng pag-alis ng bagyo, nasira rin ang pagkakaibigan naming dalawa ni Zig? Umupo si Rex sa tabi ko. "Bago siya umalis, ibinilin ka niya sa akin. He told me to drive you home safe." Napatingin ako kay Rex habang hinahaplos nito ang likuran ko. Bakit nangyari lahat 'to? Bakit kailangang mangyari 'yong kagabi? Bakit kailangang umalis ni Zig at iwan ako rito? Kilala ko siya, hinding-hindi niya ako iiwan sa malayong lugar dahil alam kong mag-aalala siya sa akin. But now? It feels different. Natatakot akong magkatotoo 'yong huling sinabi niya sa akin kagabi. That everything will never be the same again after what happened last night. Hindi ko 'yon kayang tanggapin. "This is my fault..." hindi ko mapigilan ang sarili ko na humikbi hanggang sa tuluyan na akong maiyak habang nakatingin kay Rex. He hugged me immediately. "No, it's not." Niyakap niya ako habang ang mga kamay nito ay nasa likuran ko at patuloy na hinahaplos 'yon. "Nagdesisyon siyang umalis nang hindi ka kasama, Luca. Hindi mo kasalanan 'yon." "But I broke his heart..." agad akong bumitaw mula sa pagkakayakap ko kay Rex. Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko. He also wiped my cheeks with his hands. "Nasaktan ko si Zig, Rex." I never told Rex what happened last night. Hindi ko sinabi sa kanya kung ano ang pinag-usapan namin ni Zig kagabi. Kung paano kami nagsagutan at nagpalitan ng mga salita sa isa't isa. Kung paano ko siya nasaktan dahil sinabi kong hanggang pagiging matalik na kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Pagkatapos kasi akong iwanan mag-isa ni Zig kagabi sa tabi ng ilog, bumalik ako rito and didn't say a word to Rex kahit paulit-ulit itong nagtatanong. I was soaking wet last night because of the heavy rain. I never really had the strength to go to our room, kasi alam kong naroon si Zig at hindi ko alam kung paano siya kakausapin kagabi. Alam ko rin naman na matapos siyang umalis kagabi sa gitna ng ulan, he didn't want to talk to me anymore. And I respected that. Rex let me sleep in another room. And when I woke up, wala na ang bagyo at ngayon...wala na rin dito si Zig. "What do you mean?" may bahid ng pagtataka sa mga mata ni Rex matapos marinig ang sinabi kong 'yon. "What really happened between the two of you last night, Luca?" he asked. Makikita sa mga mata nito ang kagustuhang marinig ang buong kwento. Napayuko ako. Pumatak ang mga luha ko habang inaalala ang mga sinabi ni Rex sa akin kagabi. Hindi ko mapigilan ang sarili kong malungkot at masaktan dahil alam kong as much as I'm hurting right now, he is too...maybe even more hurt than I am. "He confessed to me last night..." I looked at Rex, napalunok ito when he heard what I've said. "And I told him that I can't love him theyl way he loves me. That I can only be his best friend and I know, I hurt him because of that..." hindi ko na napigil ang sarili ko na humagulgol dahil sa labis na emosyon. Nagtakip ako ng aking mukha habang umiiyak. Rex hugged me. He tries to comfort me with his arms. Naramdaman ko ang higpit no'n sa kalagitnaan ng aking pag-iyak. "Shh...it wasn't your fault." He said. Patuloy siya sa paghaplos sa likod ko. "Hindi mo kasalanan na hindi mo nararamdaman ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa 'yo, Luca..." patuloy lang ako sa pag-iyak habang nakasubsob ang kalahating parte ng mukha ko sa dibdib ni Rex. "B-but he said..." pilit kong dinala ang sarili ko upang magsalita at sabihin iyon sa gitna ng aking paghikbi. "H-he said that it will never be the same again...and now, he left me here. I don't want to lose Zig, Rex. He's my best friend..." "I know..." sabi niya habang mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa akin. "But I'm here, Luca. Hindi kita iiwan." Those words from him made me feel warm, as if everything's going to be fine. Tumigil ako sa pag-iyak. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Rex and looked at him. He is smiling. I don't know if he's just forcing it but seeing him smile made me feel a little better. "Thank you..." Tumango ito at simpleng ngumiti bago hawakan ang pisngi ko para punasan ang mga luhang natira roon. "Everything for you, Luca..." Sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko sa pag-alis ni Zig, may isang parte naman sa puso ko na nagpapasalamat dahil nandito pa rin sa tabi ko si Rex. Inayos ko ang aking sarili at ngumiti. Pagdating ng tanghalian, nagsabi ako kay Rex na gusto ko nang umuwi sa Bahaghari. With his car, binaybay namin ang kalsada pauwi. "Eat up. Hindi ka pa nanananghalian." I just looked at the paperbag between us. Rex ordered food, 15 minutes ago. Ngunit hindi ko magawang galawin 'yon. "Aren't you hungry?" nang balingan ko ng tingin ito, he's looking at me with a worried face. Ayoko nang dumagdag sa abalang ginagawa ko sa kanya ngayon at pag-alalahanin pa siya kaya mula sa paperbag, kinuha ko ang rice meal na naroon. Kinuha ko ang mga plastik na kutsara at tinidor bago natigilan at tiningnan si Rex na naka-focus na ngayon sa kalsada. "Pasensya ka na sa mga nangyari..." sambit ko at tumingin ito sa akin. Napayuko ako dahil sa magkahalong hiya at lungkot. "Sorry for the trouble I caused you. Ngayon, naabala ka pa tuloy para ihatid ako sa bahay kahit hindi naman dapat." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya tungkol sa mga nangyari kagabi. Totoo naman, eh. I've caused too much trouble to him, pati na rin kay Zig. Nagpumilit akong pumunta sa Buwan City kahit labag sa loob ni Zig. Naging makasarili ako at hindi iniisip na hindi naman talaga niya gusto pero ginawa niya pa rin para sa akin. At si Rex, nagkagulo silang dalawa ni Zig nang dahil sa akin, nasaktan rin siya nito. Hindi ko maipaliwanag 'yong hiya na nararamdaman ko nang mapagtanto mismo sa sarili ko kung anong ginawa ko. This is all on me. Kasalanan ko lahat. "You don't need to apologise for everything that happened. Lahat ng nangyari ay nangyari na, Luca. To tell you the truth, wala akong pinagsisisihan sa buong linggo na nakasama kita." He smiled. Hindi ko alam kung paano siya nakakangiti nang ganito matapos ang lahat. Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa pagmamaneho. Palihim akong napangiti matapos marinig ang sinabi ni Rex. Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na pagkatapos ng lahat, ang makasama siya sa loob nang isang linggo sa iisang bubong ang isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Kahit papaano ay nabawasan ang guilt na nararamdaman ko habang nakikita siya ngayong nakangiti. "May aaminin ako sa 'yo..." nang sabihin ko iyon ay agad siyang bumaling ng tingin sa akin. "Ano 'yon?" nakangiti ito habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa kalsada. Hindi na ako nagpigil pa dahil matagal ko na rin naman itong gustong sabihin sa kanya. Ngayon na siguro ang tamang pagkakataon para malaman niya 'yon. "Noong makita kita sa bar noong gabing 'yon, crush na agad kita..." hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya matapos sabihin iyon sa kanya. Napangiti ito habang nakabaling ang atensyon sa pagmamaneho. "At noong makita ko ang ID mo, nagkaroon ako ng matibay na rason para makita ka ulit sa pangalawang pagkakataon. That was why I forced Zig to come with me to Buwan. Hindi naman talaga kami nagbabakasyon or anything. We came because I wanted to see you again so bad..." pagku-kwento ko sa kanya ng buong katotohanan. Now, I can't look at him in the eyes because of the embarrassment. Hindi ko alam kung tatawanan niya ba ako or what. Pakiramdam ko kasi ay isang malaking kalokohan 'yong inamin ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang pisngi ko at mula sa pagkakayuko matapos umamin sa kanya, I looked at him. Nakangiti ito. "You don't need to be embarrassed." Medyo natawa ito dahil napansin niya ang pagiging awkward ng mukha ko matapos sabihin iyon sa kanya. He pinched my cheek while looking at the road. "To be honest, when I saw you that night, I knew that we will meet again. I also wanted to see you, just as much as you did. Pakiramdam ko noong makita kita ulit, may parte sa loob ko ang sumaya." Ako naman ngayon ang nakangiti matapos marinig ang sinabi niyang 'yon. Hindi ko maipaliwanag ang kilig at ang kakaibang saya na nararamdaman ko, knowing that he kinda felt the same way too. My mood changed and it feels like Rex's words made me feel a lot more better. Nagkangitian lang kaming dalawa matapos' yon. After that, I ate the food he bought. Nakatulog rin ako nang halfway na kami sa Bahaghari. At pagkagising ko, alas tres na ng hapon and the car isn't moving. Nakahinto na ito sa labas ng gate na sinabi ko sa kanya kanina na magdadala sa akin papasok sa loob kung nasaan ang bahay namin. "Kanina pa ba tayo rito?" pagtatanong ko kay Rex. He is looking at me. Umiling ito agad. "Nope. Kararating lang natin. This is your gate, right?" nakangiting tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. He got the directions right from my phone. "Tara?" anyaya ko rito nang nakangiti habang aktong bubuksan na ang pinto ng kanyang kotse. "Pasok muna tayo sa bahay." Nagulat ako nang tumanggi ito. "I'll be heading back to Buwan now. I just want to make sure you're home safe, Luca." Ngumiti ito sa akin. "Isa pa, aabutin ako ng hatinggabi kung hindi pa ako babalik ngayon." Nahihiya nitong dagdag. I nodded. "I understand..." ngunit hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya. "But will you be okay?" Nakangiti ako nitong sinagot. "I will be fine, I promise." Tinanguan ko ito kahit may isang parte sa loob ko na nag-aalala pa rin sa pagbyahe niya pabalik sa Buwan. "You should, too." Paalala pa nito sa akin. Nginitian ko siya bago buksan ang pintuan ng kotse niya at lumabas. Kinuha ko ang maleta ko sa likuran. Sumilip ako sa bintana para magpaalam rito. "Salamat sa paghatid sa akin rito, Rex." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Mag-iingat ka pabalik sa Buwan...I'll miss you." Hindi ko napigilang sabihin ang mga huling salitang 'yon kay Rex. Lumawak ang mga ngiti nito sa kanyang mukha. Tinanguan ko siya at nahihiyang tumalikod para sana pumasok na sa loob ng gate ngunit hindi pa ako nakakalapit roon ay napahinto na ako nang tawagin ako nito. Humarap ako sa kanya. "Gusto ko lang malaman mo na when I said that I like you, I really do...and gagawin ko ang lahat para maging tayong dalawa." Hindi ako nakapagsalita nang marinig iyon sa kanya. Pakiramdam ko may isang parte sa loob ko ang sumabog dahil sa sobrang kilig. "We'll see each other again..." nginitian ako nito habang nakangiti rin akong nakatitig sa kanya. I waved goodbye to him hanggang paandarin na niya nang tuluyan ang sasakyan niya palayo. Hinintay kong mawala ang sasakyan niya sa paningin ko bago ako pumasok ng gate nang may ngiti pa rin sa mukha. He doesn't have any idea how kilig and happy he made me feel when he said that. Habang papalapit sa harap ng pinto ng bahay namin dala ang luggage ko, hindi ko maiwasang makaramdam pa rin ng lungkot when Zig came into my mind. Kahit iniwan niya ako sa Buwan at kahit ano pang sabihin niya, gusto ko pa rin siyang makausap. I'll never give up on our friendship. - End of Chapter Fifteen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD