L U C A Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong bumati sa kanila habang pinoproseso pa ng utak ko ang pagkagulat na makita sila rito, lalo na si Zig. "You're here, too!" nilapitan ako ni Gael na suot ang kanyang yuswal na ngiti. Tinapik niya ang aking balikat matapos akong lapitan. "Good to see you here, Luca." Napangiti na lamang ako sa kanya at binalingan ng tingin ang nobyo nito sa likuran. Hindi man lamang ito lumapit sa aming dalawa. "K-Kayo rin." Nautal pa ako nang kaunti at pilit na nilakihan ang aking pagngiti. "Magbabakasyon din ba kayo rito?" "Iyon ang plano namin ni Zig," matapos sagutin ako ay nilingon niya ito na tila hindi pa rin napo-proseso ang lahat. Alam kong katulad ko, gulat rin siya. "Matatapos na kasi ang bakasyon at sa isang ling

