MIKAELLA
"Where have you been?" Galit na tanong sa akin ni Stanley. Napaurong naman ang dila ko sa tanong niya.
"Huh? N-nandito lang ako buong maghapon. B-bakit?" Pagsisinungaling ko. Kailangan kong magsinungaling, para sa ikakabuti ko 'to.
"Liar" sigaw niya at nakatikim ako ng isang malakas na sampal sa kanya, napaupo naman ako sa sahig at siya naman ay umakyat na sa taas.
Damang-dama ko ang sakit ng sampal niya sa akin, pero kakayanin ko 'to. Kailangan ko tong panagutan dahil kasalanan ko rin naman na pumayag ako sa kasal na 'to. Namumumuo ang mga tubig sa mga mata ko hanggang sa kusang tumulo na ito.
Bakit ba siya ganyan? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Ginagawa ko naman ang tungkulin ko bilang asawa niya kahit para sa kanya sa papel lang. Obligasyon ko parin naman na alagaan at pagsilbihan siya dahil siya itong nagtatrabaho at kailangan kong bayaran ang utang ni Papa kay Lolo, ang Lolo niya na siyang nagsalba sa kompanya namin na ngayon ay pinagtatrabahuhan niya, siya ang CEO ngayon. Bilang utang ako ang kabayaran na 'yon, wala na akong magawa dahil wala narin naman akong choice. Ayokong iwan si Papa at pumunta narin ng ibang bansa katulad ni Kuya, kahit ganon si Papa mahal ko parin siya dahil tatay ko siya, at anak niya ko.
Kung nasaan man siguro ngayon si Mama sigurado akong umiiyak sa lungkot yon dahil nakikita niya kaming nagkaka-problema at nagkaka-gulo.
Umaga na naman. Mahapdi parin yung pisngi ko at medyo namumula pa. Nag-ayos at bumaba na ako. 6:33 AM na pala, kailangan ko pang lutuan si Stanley ng breakfast niya. Agad akong lumabas at bumaba para maghanda ng pagkain.
Pagbaba ko, nagulat naman ako dahil naabutan ko si Stanley na nakaupo at nagbabasa ng dyaryo at may pagkain na sa mesa. Napatingin naman siya sa akin dahil sa napansin niya ako.
"G-Good morning." nahihiya kong sabi.
"Eat your breakfast." ma-autoridad niyang sabi.
"Ikaw ba nagluto niyan?" Tanong ko habang turo yung mga pagkain sa mesa.
"Manang did that. Now, Eat and after that clean up. We will be going somehwere." sagot niya.
"Saan?" Tanong ko saka umupo sa upuan.
"Don't ask too many question. Just eat." tumango nalang ako saka kumain. Pagkatapos magbasa ni Stanley, tumayo na siya at umaakyat pataas at iniwan ako.
Bakit ba siya ganyan? Parang wala lang sa kanya yung nangyare kagabe. Bakit ba ang manhid niya. Hindi niya nararamdaman na nasasaktan na ako physically at emotionally. Kailan rin ba niya ako mamahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya.
Pagkatapos kong kumain, niligpit ko na ang mga pagkain. Ang iba nilagay ko sa ref, initin nalang yan mamaya, pwede pa yan. Naghugas narin ako ng pinagkainan at umakyat na sa taas para maligo.
Pagkatapos kong maligo, sinuot ko na ang robe ko saka luamabas. Laking gulat ko nang paglabas ko nakita ko siyang nakaupo sa couch at nakatingin sa akin.
"B-bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Having a bath, it takes you 20 minutes and 27 seconds. And with that time, I'm ready but you, you just finish taking your bath." he said huskily at tumayo at lumakad patungo sa akin.
"S-sorry. Naglinis pa kasi ako ng banyo." Pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan, nagbabad lang ako sa tub ng ilang minuto at nag-isip isip.
"Tch. I'll give you ten minutes to prepare, after that go down. I'll wait for you there." sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.
Wala talaga siyang pakealam sa akin kahit kailan.
Pagkatapos kong magbihis, kinalabit ko na ang sling bag ko sa balikat ko saka lumabas. Nagsuot lang ako ng simpleng damit na semi-fitted na longsleeves hanggang tuhod at doll shoes. Naglagay narin ako ng lipstick at konting powder sa mukha ko.
Nang makababa ako nagkatingininan naman kaming dalawa, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Let's go." at nauna na siyang lumabas.
Sumakay na kami sa kotse at umalis na. Buong biyahe tahimik lang kami sa loob ng kotse at wala rin akong alam kung saan kami pupunta.
"Stan, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko pero hindi siya sumagot kaya binalewala ko nalang at sa hindi ko namalayan nakatulog na ako.
STANLEY
I don't know what's my guts right now after what I did to her last night. I felt guilt for slapping her, it's just that after my work and when I arrived in the house she's not there and no signs of her and and also Manong. I called Seth, her friend, but I just waste my time talking to that jerk. I also called the personal nurse of her father but she's not in the hospital. I was worried about her that she might leaving me.
I decided her to come with me in the cementery because its my Mom and Dad 12 years death anniversary, they died on a plane crash when I was twelve. My life was really changed because of what happened to my family.
I have my brother except for Shane, my twin. He's 1 year older than us, he's name is Sebastian. He is also a victim of plane crashed, with Mom and Dad. Mom and Dad died spottedly on a plane crash but some people said that my brother is alive because they didn't saw his body on the crashed plane when they look at it, they only saw Mom and Dad's body. We'd been searching for 12 years for my brother but we lose our chance to find him, so we surrendered. Lolo Gab raised the both of us, my twin and I. We were so devastated of what happened, we didn't expect that it will happened.
Me and my twin lived without parents and lost or dead brother. Fvck this life! It really made me miserable all through this years.
"Hey, silly head, wake up." I waked her up.
"Asan tayo?" She asked. I sighed.
"Get your ass off and find out." and then I open the car's door and get out. I get the bouquets at the back of my car then handed it.
"T-Teka! Ba't tayo nandito?" She asked again. That's why I hate this kind of attitude most of the girls they are so creepy. Their curiousity really hit them always. I hate that.
"Just shut up your mouth." I coldly answered then I saw a disappointment in her eyes. Well, I don't care.
I walk as she follow me until I stop at the front of my Mom and Dad's grave. I kneel down and put the bouquets at the top of their graves and I stood up.
"Mom, Dad, I want you to meet my wife, Ella. Ella, meet Mom and Dad." she looked at me blankly.
"I-Im sorry." she said and bow down. I know what she mean.
She felt sorry for what she discover right now. She really even don't know what really happened to my parents because it's her first time to know.
"Don't be. It's been past 12 years and I already moved on." I said and looked at the scenery and put my both hands on my pockets side by side.
"O-Okay ka lang? Gusto mo huwag nalang nating pag-usapan?" She asked.
"No. It's okay for me." I looked at her. I can see in her eyes the pityness and sadness. We're all going the same paths.
I sat down on the grass as soon as she did also. I really love this place because of its good scenery. You can really feel peace and silence in this place. Like when you see it, your problems would gone for a while.
"I was 12 years old when it was happened, they died on a plane crashed. Both of my parents died, except for my brother, they didn't see any of his body on the plane and I don't know if he's alive or what. My twin and I left in our house, because they will be attending a business trip in Sydney with my brother." I paused for a while. "The day when I found out of what happened to them, I feel like Im going to cry or not. I was just standing without any emotionas while they're talking to us, the investigators. We don't know what are we going to do that day."
"Don't worry. Nandito lang ako. Handa akong makinig sayo." she said. I just smiled at her.
"Thanks." then I escaped a smile.
"I think enough of this story, are you hungry?" I changed the topic. I stood up.
"M-medyo. Uuwi na ba tayo?" She asked.
"No. We will be staying here until sunset, don't worry we'll be going home later."
"T-teka, wala tayong dalang pagkain." she worriedly said.
"I have.. In the car. Help me get those packs." she stood up and follow me.
MIKAELLA
Alam niyo ba 'yong feeling na ipinakilala niya ako sa kanyang parents at bilang asawa niya talaga. Parang gusto kong sumigaw at ngumiti ng sobra kanina.
"S-Stan, pwede bang magtanong?" Napatingin naman siya sa akin.
"What is it?" Tiningnan niya ako.
Kakatapos lang naming kumain ng aming tanghalian. Di ko talaga expect na mangyayari to at isasama niya ako. Akala ko nga wala kaming dalang pagkain eh, yun pala handa na ang lahat.
Para nga lang kaming nagpi-picnic dito sa damuhan eh. Ngayon, nakatayo kami at tinitingnan ang paligid. Ang awkward nga lang kasi ni isa sa amin walang imik.
"P-pwede bang pumunta ako mamaya sa—"
"No!" Agad niyang sagot at nilingon ako.
"Kukunin ko lang kasi yung resulta ng—"
"I said, no!" Sigaw niya kaya natahimik nalang ako.
"S-sorry." mahina kong sabi. Bumuntong hininga nalang siya saka tinalikuran ako.
Namumuo na yung luha sa mata ko kaya agad kong pinunasan ang namumuong luha sa mata ko.
"We need to go home" napatingin naman ako sa kanya.
"Ha? Akala ko mamaya pa?" Tanong ko.
"The rain is coming. Better hurry up and let's go." tumayo naman ako agad at sumunod na sa kanya sa sasakyan.
Habang nasa biyahe kami umuulan ng malakas, mabilis rin yung pagmamaneho niya. Di ko nga lang alam kung saan kami ngayon, nakatulog kasi ako kanina habang bumabyahe kami papunta sa puntod ng Mom at Dad niya.
"Uhmm, Stan, pwede bang mamaya nalang tayo bumiyahe kapag hindi na malakas yong ulan, baka kasi anong mangyare sa atin." sabi ko. Sa sobrang lakas kasi ng ulan para hindi na makita yung daan at mabilis pa yung pagmamaneho niya baka anong mangyare sa amin mamaya.
"No. It's getting dark, we need to go fast as we can."
"Pero, ano kasi malakas yung ulan—"
"Just shut the fvck up, Okay." Sigaw niya at hininto ang sasakyan kaya tumahimik agad ako.
"Get out!" Mahina niyang sabi.
"S-Stan..."
"I said get out of the fcking car." sigaw niya kaya agad akong lumabas ng sasakyan.
"S-Stan, maawa ka naman sa akin, oh." pagmamakaawa ko sa kanya pero isinira niya lang yung pinto ng sasakyan at nagmaneho na at iniwan lang akong basang-basa dito.
May nakita akong waiting shed kaya agad akong pumunta dun. Basang-basa ako at kumikidlat pa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naiwan ko yung cellphone ko sa sasakyan at mala-gubat rin itong lugar dito. Natatakot ako.
Umupo nalang ako saka niyakap ang sarili ko habang giniginaw na ako. Habang umuupo ako patuloy rin na umaagos yung luha ko sa pisngi ko. Natatakot talaga ako kapag umuulan. Takot ako sa kidlat.
Ilang oras na akong umuupo dito sa shed pero hindi parin tumitili yung ulan. Umaagaw-dilim narin at ako lang mag-isa dito. Natatakot na talaga ako.
Maya-maya medyo hindi narin malakas yung ulan, naisipan kong lumakad baka may makita akong bahay man lang na pwede kong matutuluyan.
Habang naglalakad ako, nakaramdam ako na parang may sumusunod sa akin kaya binilisan ko yung paglakad ko.
"Jusko! Tulungan niyo po ako." mahina kong sabi. Lumingon ako at nanlaki ang mata ko nang tumatakbo siya papunta sa akin kaya tumakbo ako papasok sa kagubatan.
Takbo lang ako ng takbo kahit saan, at medyo di ko narin maaninag ang dinadaanan ko dahil medyo madilim dito sa gubat. Iyak rin ako ng iyak habang tumatakbo ako.
"Aray!" Natisod ako sa malaking puno at natusok pa yung paa ko. Napaupo ako saka sakit.
"Aray! Stanley, asan ka na ba?" sabi ko habang umiiyak.
Tumayo ako at pilit na lumakad kahit paika-ika nalang hanggang sa dumuling yung mata ko at hindi ko na alam ang nangyare.