CHAPTER 3

1102 Words
KIRO HININTAY KO na may baseball bat ang tatama sa aking mukha pero lumipas na ang ilang minuto ay wala man lang akong naramdamang sakit. Nang imulat ko ang aking mga mata ay tanging mukha lang ng Lalaking walang emosyon ang nakatingin sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit sa papunta sa pwesto ko pero kahit gustuhin ko mang lumayo ay hindi ko na maatras ang aking mukha. "Pay for what you've done." Aniya kasabay ng pagngisi. Dinukot nito ang wallet sa bulsa ko at tinitigan ang laman niyon. "Hoy bitawan mo iyang pitaka ko!" Sigaw ko pero parang walang narinig ito. Namilog ang mata ko ng makita ang dinukot nito sa wallet ko. Mas lalong napangisi siya dahil sa kaniyang nakita dahilan para mainis ako. "What's this?" Nakangising saad nito. "Lucky charm?" Sabay mahinang tawa niya na sinabayan ng mga kaibigan nito. Pakiramdam ko ay nahihiya na ako sa laman ng wallet ko. Ano namang problema sa condom?! That's normal! "Ibalik mo sa'kin 'yan Malcolm." Nagtagis ang bagang nito ng banggitin ko ang pangalan niya. Natiklop ang dila ko sa paraan ng pagtitig niya. Hindi ko alam saan ako nakakuha ng lakas ng loob para banggitin ang pangalan niya. Narinig ko lang naman ang pangalan niya nang magbulungan ang kaibigan niya. "Don't call me in my name." Sabay lapit nito at kinulong ako sa mga bisig. Napalunok ako dahil sa kabang nararamdaman. Ilang minuto rin siyang nakatingin ng diretso sa akin bago lumayo kaya nakahinga na ako nang maluwag. Tinanggal niya ang lubid na nakatali sa akin pero bakat doon ang pagkahigpit ng tali at pulang pula ito. "Weren't done yet." Malamig niyang sabi at naglakad na papalayo. Aambahan ko sana siya ng suntok pero kaagad din akong umikot patalikod nang binalikan niya ako ng tingin. Napahinga ako nang malalim dahil muntikan na niyang makita ang ginawa ko. Nang maiwan na akong mag-isa ay nilibot ko muna ang paligid dahil malay mo ay nagsisinungaling pala ang hinayupak na 'yon. Ng Makita kong ligtas na sa paligid ay naglakad na ako pabalik ng klase pero hindi pa man ako nakakalabas ay may tubig ang bumuhos sa akin mula sa itaas. Isang malamig na tubig na may lamang mga dahon. Rinig ko ang malakas na tawanan mula sa labas at ngayon ko lang napagtanto na maraming mga Estudyante ang nakatingin sa akin. Napakuyom ako ng makita si Malcolm na nakatingin sa akin habang nakangisi ang labi at katabi niya ang mga pugo niyang kasama. Pinikit ko ang aking mga mata para pigilan ang sarili na magalit. Naglakad na ako papuntang locker para magpalit ng damit dahil alam kong may extra pa roong P.E uniform ngunit nang buksan ko ang locker ko ay bumungad sa akin ang nagkalat na mga basura sa loob. Mabilis kong tinanggal ang mga kalat pero nadapo ang tingin ko sa lalakinL nakasandal sa locker hindi kalayuan sa pwesto ko. Nagtama ang mga mata naming dalawa dahilan para mas lalong kumulo ang dugo ko. Lumapit ako sa kaniya at mabilis siyang kinuwelyuhan. Maraming mga estudyante ang nakatingin sa amin dahil sa eksenang nangyayari pero wala na akong pakialam kung tinititigan nila kami dahil hindi ko na kaya pang magtimpi sa lalaking ito. "Ano ba'ng problema mo?!" Hindi ko na mapigilan pa ang sigawan siya. Pero tinanggal lamang nito ang kamay ko na nakahawak sa kwelyo niya at tinitigan ako ng walang emosyon. Naglakad na siya papalayo habang nakapamulsa kaya hindi ko na mapigilan pa ang mainis. Mabilis kong tinanggal ang isang sapatos ko at binato iyon kay Malcolm. Napasinghap ang lahat ng estudyante sa ginawa ko. "Huwag mo akong talikuran kapag kinakausap kita! Ano ba'ng nagawa ko para ganituhin mo 'ko?!" Unti-unti siyang humarap sa akin at pinulot ang sapatos ko na itinapon sa kaniya. "Kiro!" Sigaw ni Rico na papalapit sa akin at hinawakan ako sa braso. "Halika na." Aniya at pinilit na hinahatak ang braso ko. Pinipigilan ko si Rico pero hinatak na ako ng tuluyan nito paalis roon. Argh! Napakasama talaga ng Malcolm na 'yon! "Nakakainis talaga siya!" Inis kong bulong dahilan para marinig ni Rico. "Ito gamitin mo na lang ang jacket ko. Kinuha ko galing sa locker ko." Nag-aalalang sabi niya. Tinitigan ko naman siya at tinanggap ang jacket. "Salamat dito," dumiretso na ako ng cr para magpalit ng jacket kahit pala ang sando sa loob ng uniporme ko ay nabasa din. Alam mo iyong pakiramdam na gusto mong sumabog sa inis at pagsusuntukin siya sa mukha? Ganyan ang nararamdaman ko ngayon. Nang makapagpalit na ako ng jacket ay pilit kong pinipihit ang doorknob pero ayaw na mabuksan nito. Naknang teteng naman oh! Ngayon pa ba ako minamalas?! "Hoy Rico buksan mo 'to! " Sinubukan kong kalampugin ang pinto pero walang nakakarinig sa mga kalampog ko. "Rico, hindi na ako nakikipaglokohan sa'yo." Iritable kong sabi. Napansin kong bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Rico. "Ayos ka lang ba? Sinaktan ka na naman ba nila?" Sabay hawak niya sa dalawang balikat ko. Tumaas ang kilay ko dahil sa mga tanong niya. "May dalawang Lalaking pumasok dito kanina at nakita ko na sila rin ang nagbuhos sa'yo ng malamig ng tubig. Sorry hindi ko kaagad napansin." 'Di ko na mapigilan ang mapakuyom sa galit. "Ano ba'ng mga problema nila?! Kung makaasta sila akala ko may ginawa akong masama sa kanila!" Singhal ko habang mabilis ang paghinga. "Kumalma ka lang Kiro, baka pwede namang ipagliban na lang natin ito--" Hindi ko na pinatapos pa si Rico at mabilis na naglakad papunta sa classroom. Wala na akong pake kung isa lang ang suot kong sapatos dahil hindi ko na matiim ang mga ginagawa niya. Pagkapasok ko sa classroom ay naabutan ko si Malcolm na prentang nakaupo habang may headphone sa tenga. Mabilis akong lumapit at tinanggal ang headphone sa tenga nito. "Sumusobra ka na," sabay kwelyo ko sa kaniya kaya napatayo siya mula sa kinauupuan. "hindi na ako nakikipaglokohan sa inyo dahil hindi ako papayag na ganituhin niyo ako!" Ipinakita ko sa kaniya ang ngiti ng lintik na walang ganti. "Hindi pa tayo tapos, Malcolm." Sagot ko at binagsak siya paupo sa kaniyang upuan. May mga estudyante ang napatingin sa amin at nagbubulungan na. Bumalik ako sa upuan at sakto naman ang pagdating ni Rico. Tumabi kaagad ito sa akin at bumulong. "Nahihibang ka na ba Kiro?! Ano na namang ginawa mo at ang sama ng tingin sa'yo ni Malcolm?" Bulong ni Rico sa akin. Hindi ko siya pinsansin dahil wala na ako sa mood pang makipag-usap. Nagsimula na ang klase kahit subukan ko mang makinig ay lumilipad ang isipan ko sa pugong Malcolm na 'yon. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD