Chapter 9

3341 Words
Kiro's POV Tila parang hindi ako makagalaw sa hinihigaan ko at may kung anong bagay ang nakadagan sa aking tiyan. Unti-unti kong iminulat ang aking mata at tinitigan ang bagay na nakadagan dahilan para manlaki ang mata ko. Dali-dali kong sinipa si Malcolm dahilan para mahulog ito sa kama. Mukhang nagulat siya mula sa pagbagsak at tumayo habang kinukusot ang mata. "Baliw ka na ba?! Bakit nandito ka sa kwarto ko?!" Sigaw ko sa kaniya sa inis. Tanging boxer short lang at sando ang suot nito. Napatingin naman siya sa akin na parang wala lang sa kaniya ang lahat. Unti-unting nawala ang galit na nararamdaman ko ng mapansin na tila pagod ito at mukhang kulang sa tulog. "Nanaginip na naman ba ako?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya habang tinititigan ako diretso sa mata. "Yeah," napakagat naman ako sa ibabang labi dahil si papa lang ang nakakaalam ng ganitong pangyayari. Napayuko na lamang ako at ramdam ko ang pagtubig ng aking mata. Simula ng nabully ako noong elementary ay nangyayari na sa akin ang ganito. Kung minsan nga ay dumidiretso ako ng simbahan para humiling na sana ay buhay pa ang mama ko. Bigla akong niyakap ni Malcolm kasabay ng paghagod niya sa likuran ko.  "B--bakit k--ka ganito." Maktol ko kay Malcolm at unti-unti ng bumagsak ang luha sa aking mata. Sa tuwing gusto ko malaman ang storya ni mama ay binabago ni papa ang usapan. Kahit man lang litrato nito ay wala ako. Alam mo iyong pakiramdam ng pagmamahal ng isang ina? Sana man lang ay kahit nakita ko ang mukha niya, kahit iyon lang pero walang natupad sa mga iyon. Sadyang madamot ang tadhana para ibigay sa akin ang aking kahilingan. Kumawala na ako sa pagyakap at pinunasan ang luha.  "Alam mo na ang kahinaan ko, ipagkakalat mo na ba sa lahat at pahihirapan ako?" Bakas sa mata nito ang awa hanggang sa hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "No, Kiro. I'm not that kind of person." Mahinahon na aniya. Mabilis kong tinanggal ang kamay niya ng may libong kuryente ang dumaloy sa aking katawan. "H--huwag kang maging mabait sa'kin." Dumiretso na ako sa ibaba ng kusina dahil hindi ko na kayang tagalan pa ang mga titig niya.  Nagtimpla na lamang ako ng kape at kumain ng tinapay. Naramdaman ko na lang na bumaba na rin siya at nagtimpla ng kape niya. Walang nagsasalita sa aming dalawa pero mas mabuti na rin iyon dahil baka masira lang ang araw ko ngayon kapag pinuna niya ang kinikilos ko. Nagmadali akong umakyat sa kwarto para maligo at nagsuot ng uniporme para maghanda sa pagpasok. Pagkabukas ko ng pinto ay sakto ring paglabas ng kwarto ni Malcolm pero hindi ito nakasuot ng uniporme dahilan para makunot ang noo ko. "Saan ka pupunta?" Napangisi naman siya kaya nagdikit ang kilay ko. "Nagtatanong lang ako kung ayaw mong sagutin ay ayos lang." Maglalakad na sana ako paalis ng hatakin niya ang aking kamay at niyakap ako ng mahigpit. Ito na naman ang kakaibang epekto sa tuwing ginagawa niya ito pero dati naman ay hindi ganito ang nararamdaman ko. Bigla itong kumalas sa pagkayakap at kinurot ang aking pisngi.  "I'm not leaving." Ngiting aniya at mabilis kong pinalo ang kamay niya.  "Tsk, wala akong pakialam kung umalis ka o hindi." Sabay alis ko palabas ng bahay. hindi pa man ako nakakalayo ay napahinto ako ng marinig ang pagsigaw ni Malcolm.  "Goodluck to you wifey!" Sigaw niya dahilan para mapatingin ang maraming tao. Put*! Ano na namang pinagsasabi niya? Sinamaan ko siya ng tingin at tinakpan ang aking mukha. Aish! Kahit kailan talaga pahamak ang lalaking 'to! Inis kong bulong sa sarili at nagmadaling naglakad pasakay ng bus. Inabot ko kaagad ang bayad at naupo. Napahawak ako sa aking dibdib ng para bang ang bilis pa rin nito. Bumalik muli sa isipan ko ang ginawa ni Malcolm kanina pero hindi ko alam kung bakit parang bumagal ang takbo ng oras habang kumakaway ito sa akin. Hinawakan ko ang aking ulo dahil parang masisiraan na ata akong ng bait. "Bakit ba nasa isip kita?! Walang hiya ka talaga Malcolm! Ano'ng ginawa mo sa akin?!" Sigaw ko dito sa bus. Ngayon ko lang narealize na maraming mga tao ang napatingin sa pasigaw ko. Humingi kaagad ako ng tawad sa kanila at parang timang na kinakausap ang sarili.  Napansin ko na nasa Hustone na ako kaya dali-dali akong bumaba ng bus at pumasok sa loob. Pagkarating sa classroom ay umupo na ako sa aking pwesto.  "Uy." Sabay kalabit ni Rico sa akin. "Ano?!" Badtrip ako ngayon dahil sa Malcolm na 'yon. "Bakit ka sumisigaw?" Napaikot ako ng tingin ng mapansin na nakatingin sa akin ang mga kaklase ko. Napayuko na lang ako sa inis at nagmukmok sa upuan ko. "Ayos ka lang ba? At bakit pinapahanap mo ang address ni Malcolm-- wait, huwag mong sabihin na hinanap mo si Malcolm kaya wala ka sa klase kahapon?" Gulat na tanong niya. Napatango naman ako at narinig ko ang pagsinghap niya. "Magtapat ka nga, Kiro. Lumalambot na ba ang puso mo sa lalaking gumulo sa buhay mo?" Napatayo ako at masama siyang tinitigan. "No! Hindi ako tanga para magpauto sa kaniya. Alam kong may pinaplano lang siya para pahirapan ako kaya iyon ang aalamin ko."  Bumalik na sa upuan si Rico ng dumating na ang prof kaya nakinig na ako sa klase. Napatingin ako sa upuan ni Malcolm at nakakapagtaka dahil hindi ito pumasok. Hanggang sa natapos ang klase ay walang grupo ng mga pugo ang lumabas. Napaunat ako habang bakas sa labi ang saya. "Mauuna na akong umuwi." Paalam ko kay Rico. Narinig kong tinawag ako nito pero hindi na ako lumingon pa dahil gusto ko ng umuwi. Habang naglalakad ay napahinto ako at nakunot ang noo ng makita si Yumiko sa labas ng gate habang may kausap itong lalaki. Ng unti-unti akong nakalapit sa pwesto nila ay nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ang taong kausap nito. "Carson?" Napatingin naman sa akin si Carson at tila nagulat ang reaksiyon nito.  "Magkakilala kayo?" Tanong ni Yumiko at natawa naman ako kasabay ng pagkamot sa batok. "Yes," sagot ko sa kaniya. "Teka bakit magkakilala kayong dalawa?" Kunot noong tanong ko ng biglang yumakap sa braso ni Carson si Yumiko.  "Siya ang kuya ko na kinukwento ko sa'yo. And kuya Carson siya naman si Kiro, ang nagpahiram sa'yo ng librong matagal mo ng hinahanap." Masayang aniya. Nilahad naman ni Carson ang kamay niya. "I didn't expect this." Mangha na sabi nito. Tatanggapin ko sana ang kamay niya ng may pumigil sa kamay ko.  "No touching." Madiin na sambit ni Vincent. Nakunot ang noo ni Yumiko at Carson sa biglaang pagsulpot ni Vincent. Mabilis kong tinanggal ang kamay nito sa akin. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Kasabay ng pagnliliit ng aking mata. Bakit lagi na lang sumusulpot kung saan-saan ang mga alaga ni Malcolm? Nakakairita na! Nilapit nito ang kaniyang mukha at bumulong sa akin.  "Malilintikan ako kay Malcolm kapag nakita ka niyang lumalandi sa iba alam mo naman 'yon may topak ang utak." Kasabay ng paghawak nito sa kaniyang tiyan habang humahalakhak sa saya. Sinamaan ko siya ng tingin at binalik ang tingin kay Carson at Yumiko. "Masaya akong nakilala ka. Kailangan na namin umalis hanggang sa susunod na lang." Pagpapaalam ko kay Yumiko at Carson. Napatango naman silang dalawa kaya hinatak ko na si Vincent paalis doon hanggang sa nakarating na kaming dalawa sa sakayan ng bus. "Hindi mo na kailangan pang ihatid ako sa pag-uwi." Aangal pa sana siya ng mabilis akong pumasok at pinasara ang pinto kay manong. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Vincent at pinagpupukpok ang pinto pero sinabi ko na lang kay manong na magsimula ng magmaneho. Napangisi ako ng makita ang taranta sa mukha ni Vincent.  Ano na naman bang pumasok sa kokote niyang si Malcolm at pinasundo pa ako kay Vincent? Ano tingin niya sa'kin? Lumpo?! Napamura na lang ako sa inis hanggang sa nakarating na ako sa bahay at nakapatay ang lahat ng ilaw. Saan naman nagpunta ang pugong 'yon? Nagkibit balikat na lamang ako at tinignan ang ref. Kaunti na lang ang laman nito kaya kailangan kong mag-grocery bukas. Kinain ko na lamang ang tupperwear na may laman. Hindi naman masama ang lasa kaya naubos ko lahat ng iyon.  Ng matapos na akong kumain ay sakto naman ng pagdating ni Malcolm na nakasuot ng pormal attire. "Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko?" Sambit nito habang halos magdikit na ang kilay dahil sa galit.  "Kailan pa naging tatay kita?" Kasabay ng panliliit ng aking mata. Nakita ko ang paggalaw ng panga niya na parang may mali sa sinabi ko. Totoo naman, bakit kung makaasta siya akala mo tatay ko. Tsk. "No! But your dad said I should watch over you." Napangisi na lang ako at ng lalagpasan sana siya ay bigla nitong hinablot ang aking braso. "Why don't you answering me--" "Dahil hindi mo kailangang bantayan ako 24 hours, Malcolm. And that's my rule, walang pakialamanan ng buhay ng may buhay!" Hindi ko na mapigilan pa ang sigawan siya sa galit. Unti-unti niyang binitawan ang aking kamay at umakyat na ako sa itaas.  Aish! Kung hindi ko lang sana siya pinatulan sa simula pa lang ay hindi mangyayari sa akin ito. Napatakip na lang ako sa aking mukha gamit ang unan at sumigaw ng napakalakas para mawala ang galit na nararamdaman ko. Ng medyo nakahinga na ako ng maluwag ay napaupo na lamang ako sa aking kama habang nakatulala. Kamusta na kaya si papa at lola? Ilang araw na simula ng hindi sila tumatawag o nagtetext man lang sa akin.  Nabalik ako sa huwisyo ng tumunog ang phone ko at napansing may nagtext. Kumunot ang aking noo ng mapansin na unknown number ang nakalagay. Pero binasa ko pa rin kung kanino galing. Habang binabasa ko ang text ay kung hindi ako nagkakamalai ay kay Carson ang text na 'to. Siya lang naman ang nakakaalam tungkol sa kinababaliwan kong arcade at pagbabasa ng mga manga. Pero ang pinagtataka ko lang ay paano niya nalamang ang number ko kahit na hindi ko naman binigay sa kaniya? Posible kayang si Yumiko ang nagbigay sa kaniya ng number ko? Nagkibit balikat na lang ako at nagreply sa text nito.  Ng matapos na akong magreply ay dumiretso na ako sa cr para maligo. Mahigit ilang minuto rin bago ko tinapos ang pagligo at nagsuot ng pantulog. Pagbukas ko ng cellphone ay bumungad kaagad sa akin ang reply ni Carson at inanyayahan ako nito na magkita kami bukas para ibalik sa akin iyong libro. Pumayag naman ako tutal ay wala ako masyadong gagawin bukas.  Kinaumagahan ay napansin kong wala si Malcolm sa bahay pero nag-iwan ito ng sticky notes. 'We need to buy groceries later, so wait me' Ngayon ko lang napagtanto na wala na palang laman ang refrigerator at ngayong araw ay kailangan kong mamimili ng pagkain. Mabilis kong dinampot ang cellphone para sana sabihan si Carson pero ng tignan ko ang phone ko ay nawala ang lahat ng messages kahit ang number ni Carson ay nawala rin. Damn you Malcolm! Siguradong pinakialaman niya ang cellphone ko kaya nabura lahat ng contacts kay Carson. Mabuti na lang ay may number ako ni Yumiko kaya dito ko na lang sinabi ang lahat para siya na lang ang magsasabi kay Carson. Nagsimula na akong kumain ng almusal na gawa ni Malcolm. Ng matapos na ay umakyat ako sa kwarto at nagsuot ng uniporma para sa pagpasok. Habang nasa bus ay biglang tumunog ang phone ko ay napansin na tumatawag si papa kaya kaagad ko itong sinagot. "Papa bakit ngayon lang kayo tumawag?" Nagtatampong sagot ko. Narinig ko sa kabilang linya ang pagtawa ni papa. [Huwag kang mag-aalala anak ayos lang kami ni lola mo dito, kaya hindi ako makatawag sa'yo kaagad ay dahil nawawalan ng signal dito sa tita mo.] Aniya. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nito . [Kamusta kayo ni Malcolm diyan? Baka pag-uwi ko riyan ay wala na akong bahay na uuwian.] Napanguso naman ako. "Papa ayos lang kami dito at tsaka bakit ba pinapabantayan mo ako kay Malcolm? Hindi na ako bata!" Pagmamakatol ko sa kaniya. [Hindi sa gusto kong magulo ang buhay mo, Kiro. Ayaw ko lang na makita kang mag-isa sa bahay kaya sinabihan ko si Malcolm na bantayan ka para sa akin. Kaya sumunod ka na lang sa kaniya, maliwanag? Kapag nalaman ko kay Malcolm na may ginagawa kang katarantaduhan ay malilintikan ka sa akin bata ka.]  "Opo, mag-ingat kayo diyan ni lola."  Ng mapansin kong malapit na ako sa Hustone ay nagpaalam na ako kay papa at pinatay ang tawag. Mabilis akong bumaba ng bus at nagmadaling pumasok sa loob dahil ilang minuto na lang pala ay malelate na ako. Aish! Bakit ba kasi na late ako ng gising?  Pagkarating ko sa klase ay nabigo akong makapasok dahil may iba akong kaklase na nasa labas na rin ng room. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at mukhang nagulat naman sila sa akin. "Bakit nasa labas kayo?" Kunot noong tanong ko. "Ikaw kasi kung hindi dahil sa'yo ay makakapasok pa kami sa klase." Angal ng kaklase ko na sinang-ayunan naman ng dalawa pa nitong kasama.  "Hindi ko alam ang mga pinagsasabi niyo--" "Sinabi lang namin na pinuntahan ka dito ni Carson noong wala pa ang first subject. Ayon nagalit siya tapos pinalabas kami ng room. Huwag daw kaming papasok hanggang sa matapos ang lahat ng subject." Malungkot na sabi ng katabi nito at bakas sa mata nito ang takot. "Kapag hindi namin sinunod si Malcolm ay baka kami na ang ibully niyon." Sagot naman ng isa.  "Ano?! Si Malcolm ang may pakana nito?" Nagkatinginan pa silang tatlo at sabay-sabay na tumango. Napakuyom ako sa inis. Akala ko talaga ay kaya nasa labas sila ay dahil sa late sila ngayon, hindi pala. Tumabi na lamang ako sa kanilang tatlo tutal anamn ay late na ako sa unang subject. "Ano ng balak mo kay Malcolm? Hindi ba binubully ka rin niya?" Tanong ni Jay na nasa gitna. Hindi ko ito sinagot dahil badtrip lang ako kay Malcolm. Akala ko ba ay hindi iyon papasok pero paano niya nalaman na nagpunta si Carson dito? "Nariyan ba si Malcolm?" Napailing naman silang tatlo. "Sila Vincent at ang iba ang nagpilit sa amin na tumayo dito sa labas ng room dahil iyon daw ang utos ni Malcolm." Sagot ni Jerry.  Ng matapos na ang unang subject ay pinapasok ko na silang tatlo. Aapela sana si Vincent pati ang kasama niya ng samaan ko sila ng tingin. Mabilis naman silang bumalik sa upuan at hindi umangal.  "Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Rico. Sinabi ko naman sa kaniya kung bakit ako na'late at mukhang naiintindihan niya ang sitwasyon ko. Tinap nito ang aking balikat para mapayuko ako sa lamusa. "Malalagpasan mo rin ang lahat ng ito, Kiro." Kasabay ng pagtawa niya.  Kanina ko pa napapansin na walang Malcolm ang sumulpot ngayong araw. Minsan nga ay napapatingin ako sa upuan niya na bakante at walang nakaupo.  "Girls I have a good news!" Tili ng treasurer ng klase namin na si April. "Siguraduhin mo lang na good news 'yan."  "Malcolm is working at the cafeteria and malapit lang sa school natin." Masayang aniya. Napahinto ako sa pagsusulat ng marinig ang pinag-uusapan nila. Nagtatrabaho si Malcolm? Kunot noong bulong ko sa sarili. "Omygash! We need to go there later."  Ng tumunog na ang bell ay mabilis pa sa hangin na nagtakbuhan ang mga babae. Nanliit ang aking mata. Hindi naman halata sa kanila na excited puntahan si Malcolm? Tsk, akala mo naman artista. Niligpit ko na ang mga gamit ko at sakto naman na pagdating ni Yumiko.  "May bagong sikat na cafeteria raw malapit dito sa school, doon na lang kaya tayo kumain?" Pag-aanyaya ni Yumiko na sinang-ayunan naman ni Rico. "Pwede rin. Baka may masarap silang pagkain," masayang saad ni Rico. "Ano tara na?" Sabay akbay sa akin ni Rico. Sumunod lang ako sa kanilang dalawa dahil wala akong gana maglunch break ngayong oras. Ilang minutong paglalakad ay natanaw na namin ang cafeteria na sinasabi ni Yumiko. Mukha ngang sikat ang bagong bukas nsa cafeteria dahil sa napakaraming mga estudyante. Mabuti na lang tuwing lunchbreak ay pwedeng kumain sa labas ng campus basta malapit lang dito. "Grabe ang daming tao pala dito" Bulong ni Yumiko. "Bakit kasi ito pa ang naisip mo?" Bulong ni Rico kay Yumiko kaya nakunot ang noo ko sa kanilang dalawa. Parehas silang ngumiti at nagpeace sign. "May hindi ba kayo sinasabi sa akin?" Napabuntong hininga naman silang dalawa at hinawakan ako sa magkabilang kamay. "Anong ginagawa niyo?!" Sapilitan nila akong hinatak papunta sa loob ng cafe at pilit ko mang pumipiglas ako ay napakalakas nilang dalawa kaya nahirapan akong makatakas. Ano ba kasing binabalak nilang dalawa? "Sorry Kiro pero si Yumiko ang may pakana nito." Turo ni Rico kay Yumiko na tinanggihan naman kaagad ni Yumiko. "Ano'ng ako, baka si kuya Carson." Aniya. Unti-unti naman akong nagpahatak sa kanila. Si Carson? Siya ang may pakana nito?  Nakita ko si Carson na nakaupo malapit sa wallglass nitong cafe at sapilitan inupo ako ni Yumiko sa kaharap nito. "Maiwan na namin kayong dalawa." Sambit ni Rico at tumakbo silang dalawa ni Yumiko papalayo. Tatayo sana ako para habulin sila ng pigilan ako ni Carson. "Wait!" Hinawakan nito ang aking kamay hanggang sa naging awkward na ang paligid dahil may mga nakatingin sa amin. Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. "Sorry, hindi ko nasabi sa'yo ang tungkol dito." Kasabay ng pagkamot nito sa batok.  "A--ayos l--lang." Nauutal kong sabi.  Umupo na kaming dalawa at napansin kong may kinuha ito sa kaniyang bag.  "Salamat sa pagpapahiram." Nagulat ako dahil nakapaper bag pa ito kaya tinanggap ko naman iyon. Ng tignan ko ang laman ay ang mga libro na pinahiram ko sa kaniya. Nahihiyang may nilapag ito sa lamesa dahilan para makunot ang noo ko. "Kapalit ng pagpapahiram mo ng libro." Nanlaki ang aking mata ng makita kung ano ang bagay na nasa lamesa. Halos mapatalon ako sa tuwa ng makitang ito iyong bagong libro na nilabas ng paborito kong manga writer at isa sa mga mahirap makuha dahil napakamahal. "Sigurado ka bang para sa'kin 'to?" Hindi makapaniwalang sagot ko. Kasi naman parang napakalaking bagay naman nito kapalit ng pagpapahiram ko ng libro. Ibinalik ko sa kaniya ang libro kahit pa gustong-gusto ko makakuha niyon. "Hindi mo naman kailangang bigyan ako nito dahil napakamahal nito Carso--" "Please? Tanggapin mo na." Pagmamakaawa niya. Napakamot na lang ako sa hiya at tinanggap ang libro. "Ikaw ba si Carson Gordon?" Napatingin kami sa babae ng bigla itong sumulpot sa gilid namin. Tumango naman siy at kinikilig na nagpapicture iyong babae. Nagulat ako ng mas lalong dumami ang mga tao dahil lang sa nandito si Carson. "Siya iyong sikat na model ngayon sa magazines." Kinikilig na bulungan sa paligid. Sikat si Carson? 'di makapaniwalang bulong ko sa sarili. Pinaalis na ni Carson ang mga ito dahil kailangan na niyang kumain.  "Ganito ka pala kasikat?" Kasabay ng pagtawa ko kay Carson. Nahihiyang tumango naman siya. Akala ko ay natural na estudyante lang siya ng Hustone pero nagkamali ako. Isang modelo ng magazines pala ang isang ito. "Yes, and I hope na hindi ka mailang sa akin. We're friends right?" Napatango-tango naman ako. "Sure no problem." Ito ang first time ko na magkaroon ng kaibigan na same vibes at trip. Tinawag na nito ang waiter pero parang nanlamig ang buo kong katawan ng matanaw ang isang bulto na nag-aapoy ang mata habang nakakuyom ang mga kamay. Bakit parang biglang natakot ako sa paraan ng mga titig niya? Bakit biglang parang gusto kong umatras dahil anumang oras ay sasakmalin ako nito sa sobrang galit. Tumaas ang balahibo ko ng unti-unting naglakad ito papalapit sa pwesto namin ni Carson kaya napalunok na lang ako sa takot. Bakit ang sama ng tingin niya?! Wala naman akong ginawang masama! To be continued... A/N: Huwag kasing pagselosin Kiro HA-HA-HA sino ba namang hindi magagalit na may kasama kang ibang lalaki? Tapos ang saya-saya mo pa. Tsk. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD