BLURB

279 Words
BLURB Sa edad na pito ay ulila na sa magulang si Devi. Sinadya siyang iwan ng kaniyang manginginom na ama sa kalye ng Manila at hindi na muli pang binalikan. Naging palaboy na sa lansangan si Devi, na kapwa mga palaboy sa Manila lamang ang tumutulong sa kaniya. Lahat ng puwedeng gawin upang mabuhay ay ginawa niya, kahit na kumain ng tira-tirang pagkain na nasa basurahan at pati na rin ang magnakaw. Lumipas ang panahon. Nasa edad na sampu na siya, hindi inaasahang pangyayari ang makapagbabago sa buhay niya. Ninakawan niya ang isang matandang lalaki, pero bagkus na pagalitan siya nito ay nagmagandang loob pa ito. Araw-araw na pumupunta ang lalaki sa tinitirhan niyang barong-barong upang hatiran ng pagkain at damit. Pero isang araw, bigla na lamang itong hindi dumating. Wala siyang nagawa kundi ang maghanap na lamang. Pero mukhang ang tadhana ang pilit silang ipinagtatagpo. Natagpuan niya sa madilim na eskinita ang matandang lalaki, sugatan at walang malay. Bagkus na nakawan niya ang walang malay na matanda, tinulungan niya iyon at idinala sa malapit na klinika. Dalawang araw ang lumipas at nagkamalay na ang matanda. Sa kanyang pag bisita sa klinika kung saan naroon ang matanda, nakita niya na marami ang tao sa labas, mga naka-itim at naka americana. Lumabas mula sa loob ng klinika ang matandang lalaki, naka wheelchair iyon habang tulak ng isang lalaki. Sa araw na iyon, nagbago ang magulong buhay ni Devi. Binati siya ng lahat na mga lalaki na para bang isang prinsesa. Doon lamang niya napagtanto na hindi lamang isang matanda ang lalaki, kundi isang kilalang tao sa bansang Italya. Isang leader ng Mafia... na aampon sa kaniya. To be continued...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD