Aleya's POV Itinulak ko palayo sa akin si Enrique nang sumugod ang isang kasamahan ng lalaking nagtangkang pumukpok ng bote sa binata. Hindi lang pala ito nag-iisa dahil may kasama pa pala itong tatlong lalaki. Katulad ng unang lalaki ay may hawak din na mga bote ang tatlo tapos sumugod sa amin para tulungan ang kasamahan nila. Hindi tinamaan si Enrique ng bote dahil mabilis ko siyang naitulak bago pa man ito tamaan sa ulo. Nasalag ko ang kamay ng lalaking may hawak na bote at ubod-lakas kong binaliti papunta sa likuran niya ang kamay niya kasabay ng pagsipa ng malakas sa dibdib ng isa namang kasamahan nito na sumugod din sa akin. Tila naman naduwag ang isang kasamahan nila at biglang napaatras. Mabilis namang nakabawi ang lalaking hawak ko at gamit ang kaliwang kamay ay siniko niya ako

