Kinabukasan ay muling umalis si Mory. Habang kumakain si Angie ng pananghalian ay lumapit sa kanya ang katulong na kasalukuyang nag-aasikaso sa kanya. “Ma’am Angie, talaga bang tinatawag mo si Sir sa tunay na pangalan niya?” noong una ay tila nag-atubili pa ito ngunit agad rin itong nagtanong sa kanya. Natigil naman siya sa pagnguya niya dahil sa tanong nito. “Oo, bakit?” takang usisa niya. “Talaga?? Ayaw na ayaw daw kasi niyang tinatawag siya sa tunay na pangalan niya sabi ni Aling Loring.” Tukoy nito sa mayordoma. Saka lang niya naisip na ito pala ang bagong katulong doon. Marahil ay ilang buwan pa lang itong katulong doon dahil hindi niya ito nakikita noon. “Huh? Hindi naman siguro. Lagi ko nga siyang tinatawag na Mauricio.” Bigla namang nanlaki ang mga mata ng katulong sa sin

