(Mory’s POV) “Anj, bukas nga pala kailangan kong pumunta sa Cebu. I hate to say this pero kailangang mag stay ako don ng 2 to 3 days for a conference, tsaka bibisitahin ko rin ang pinapacheck na lupa ni Dad don. Gusto mo bang sumama?” Kumakain sila ng dinner noon at kaninang hapon lang siya nainform ng secretary ng Daddy niya tungkol sa lupang pinapabisita raw ng Daddy niya. It was unexpected and urgent, kaya dapat na niya iyon agad na puntahan para kung sakaling maganda ang lokasyon ng lupa ay masabi na agad niya sa Daddy niya. He was thinking of telling his parents about Angie’s pregnancy, pero malapit na rin namam daw umuwi ang parents niya kaya personal na lang niyang sasabihin sa mga ito na magkakaapo na ang mga ito. And he’s so excited to let them know that he will be a father soo

