“Hanggang kailan dito ang mommy at Daddy mo?” “Maybe a week or two. Don’t worry about them Anj, matatanggap rin tayo ni Mom.” ‘Tayo’ daw. Pero wala namang sila. At mabuti na lang talaga na hindi pa niya nasasabi kay Mory ang totoong damdamin niya dahil lalo siyang magiging kaduda-duda. “Hayaan mo na kasi akong bumalik sa trabaho Mory.” Halos magmakaawa niyang sabi. Pag nagtrabaho na siya ay mas maiiwasan na niya ang Mommy ni Mory. “Anj, napag-usapan na natin yan. I won’t allow you to go back to work yet. At kahit takasan mo ako, I’ll find a way to stop you from working. Kaya wag mo nang subukan Anj, please… for our baby.” Napabuntong-hininga na lang siya ng malalim sa sinabi ni Mory. Napakatigas talaga ng paninindigan nito pagdating sa kanila ng baby nila. “Sige na. Matutulog na

