Chapter 34 – Let’s Do It

1053 Words

Isang gabi, hindi makatulog si Angie. May kini-crave kasi siyang pagkain ngunit wala naman niyon sa bahay ni Mory. Alas onse na ng gabi pero hindi pa rin siya dalawin ng antok dahil naglalaway siya habang iniisip na gusto niyang kumain ng isaw. Ilang minuto pa ay hindi na siya nakatiis at kahit nahihiya siya ay kinatok niya ang pinto ng kwarto ni Mory. “Anj?” Halatang naabala niya ang pagtulog ni Mory dahil papikit-pikit pa ang mga mata nito habang kinukusot nito iyon ng isang kamay. Bukod doon ay tila minadaling isuot ni Mory ang roba nito kaya kita pa rin ang mamasel na dibdib nito. Tumagilid na lang siya para di niya makita ang katawan ni Mory saka siya nagsalita. “P-pasensiya na kung naistorbo kita. Ano kasi… Gusto ko sanang kumain ng isaw…” pakiramdam niya ay maiiyak na siya dah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD