------- ***Arabella's POV*** - 6 years later... - Anim na taon na akong naninirahan dito sa isang maliit na isla sa Kabisayaan. Tahimik, malayo sa gulo, at higit sa lahat, ligtas. Dito ko pinili mamuhay mula nang umalis ako. Sa tingin ko kasi mas lalong hindi ako matutunton dito. Mas lalo akong mawala sa radar ni Harold dito. Hindi niya aakalain na nandito ako. Kumuha ako ng plane ticket, nagpa- booked pa ng flight, sumakay sa eroplano pero nagawa kong makalabas bago pa lumipad ito. Planado ko ang lahat sa tulong ng isang flight attendant na kilala ko. Kakilala ko lang nito kaya walang nakakaalam na magkakilala kami ng flight attendant na yon. Ilang bangka ang sinakyan ko, palipat-lipat, palihim, hanggang sa dinala ako ng alon dito sa islang ito. Simula noon, wala nang Arabella.

