----------- ***Arabella's POV*** - Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan. Paulit-ulit kong tinitingnan ang sarili ko sa compact mirror na dala ko, sinisiguradong maayos ang bawat hibla ng buhok at hindi kumalat ang lipstick ko. Inayos ko pa ang simpleng puting dress na pinili kong suotin—hindi sobrang bongga, pero sapat para sa isang dinner date. Huminga ako nang malalim, pilit pinipigilan ang labis na kaba na bumabalot sa akin. Pagbaba ko ng taxi, agad kong natanaw si Andrew na nakasandal sa pader malapit sa entrance ng restaurant. Naka-long sleeves siyang navy blue na bahagyang nakalilis ang manggas, at black slacks na bumagay sa pormal na ambiance ng lugar. Walang emosyon ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, ngunit halatang masama ang kanyang mood—na, sa totoo lan

