----- ***Arabella's POV*** - "What the hell, Trice?" galit na sabi ni Harold habang mariing itinulak ang babae palayo sa kanya. Kita sa kanyang mukha ang matinding pagkainis, at hindi niya naitago ang bigat ng kanyang buntong-hininga. Samantala, si Trice ay bahagyang nagtaas ng kilay, halatang nagtataka sa naging reaksyon ni Harold. Isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi bago siya tumawa nang bahagya. "Oh, come on, Harold," aniya, may halong pang-aasar sa kanyang tinig. "You never complained before. Lagi ko naman itong ginagawa, and you never pushed me away." Nanatili akong nakatayo sa di kalayuan, hindi makapagsalita. Ramdam ko ang bigat sa aking dibdib, parang may mahigpit na pumipiga rito sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Trice. Laging ginagawa? Hindi niya tinut

