Chapter 8: I'm all yours
Mararamdaman ang matinding tensyon sa buong isla lalo na sa may entablado kung saan magkakahawak-kamay ang mga contestants habang hinihintay ang pagtawag sa top 3. Natapos na kasi ang pagrampa nila ng nakabikini at maging Ang Q and A portion na puro kalokohan lang naman ang tanong.
"The first one that got into our top 3 is..." pabitin na anunsiyo ng MC na nakatuon ang atensyon sa hawak na babasahin, "contestant number 1, Ms. Chantelle Queen Canovas." The woman walk with elegance, kaya hindi niya maiwasang mapanguso.
Crystal admits that Chantelle has this sultry type of beauty she wish she have, Chantelle’s swimwear choice is incredible. She's wearing a white bandage bikini that hugs and emphasizes her curves perfectly, making her look more seductive than she already is and it made Crystal feel insecure and small, siya kasi ay wala ni katiting na fashion sense sa katawan, ang importante sa kaniya ay makapagdamit lang.
"The second one is..." muli na namang pambibitin na anunsiyo ng MC dahilan para mapabalik ang wisyo niya sa kompetisyon. "Candidate number 9, Ms. Veronica Quitos." The woman with auburn hair stepped in front. Hindi niya maiwasang panghinaan ng loob, parehong magaling rumampa at maganda ang dalawa. She's already losing hope na matawag.
"And last but not the least..." muling pambibitin ng MC dahilan para mapaungot ang mga manunood na kanina pa naghihintay at nakaabang sa announcement. "Candidate number 10, Ms. Crystal Gayle Gonzales." She stunned, nakapasok siya?
She took a step forward, hindi makapaniwala lalo na ng iaanounce na siya ang winner. Chantelle won the first place and the girl named Veronica won the second place. She smiled proudly habang iniaabot sa kaniya ang isang boquet ng bulaklak, sash and to her shock they even put a huge crown made out of pearls and different type of dried starfish and seashells in her head. Kamangha-mangha at pulido ang pagkakagawa n'on. The two woman beside her was given a boquet of flowers, sash and a tiara made from the same materials as hers.
She smiled proudly and happily, she felt like a mermaid queen. Iyon ang unang patimpalak na nasalihan at naipanalo niya. Inilibot niya ang paningin sa paligid ngunit nang hindi mahanap ng mga mata niya si Josh ay nakaramdam siya ng pagkainis. Pakiramdam niya'y nasayang lang ang lahat effort niya kani-kanina lang.
Matapos makakuha ng mangilan-ngilang litrato at magkamayan ay kinuha na niya na ang kaniyang cover-up at muling isinuot bago nakasimangot na bumaba ng entablado.
Her brows were almost knitted ng hilahin siya ng mga kaibigan ng binata. "Where are you taking me?" bakas ang iritasyon sa boses na tanong niya. She knows that she's being quite rude, but she can't help it. Badtrip na badtrip na kasi siya.
"Ibabalik ka na namin sa isla," sambit ni Pierre, he shrugged his shoulders and continued dragging her kaya nagpatianod nalang siya. Nagtataka man dahil masyado pang maaga ay hindi na siya umalma pa, wala na rin naman kasi talaga siya sa mood para sa island hopping.
"Nasaan si Josh?" Kunot-noong tanong niya nang hindi niya nakita ang binata sa yateng sasakyan nila pabalik sa islang tinutuluyan.
"Nauna na, ang sama nga ng mukha eh," this time it was Vino who answered her.
"Nagseselos ang gago." Naiiling na dagdag naman ni Kino.
"Masyado kasing patay na patay sayo yun," mapang-asar na gatong naman ni Cole.
Nang makarating na sila ng isla ay inalalayan siya ng mga kaibigan nito pababa, lumalakad na siya pabalik sa rest house nang maramdamang walang mga nakasunod sa kaniya. Dahan-dahan siyang lumingon pabalik sa pinanggalingan at napanganga.
Nanlalaki ang mga matang tumakbo siya pabalik sa dalampasigan para habulin ang yateng ngayon ay papalayo na. "Teka! Saan kayo pupunta!?" She shouted at the top of her lungs.
Instead of answering her question Pierre grinned at her mischievously and mouthed 'enjoy'
"Gilasan mo pareng Josh! Isagad mo, para kambal agad!" pilyong sigaw ng mga kaibigan nito bago tuluyang makalayo at mawala sa paningin niya, she frozed in her spot nang maramdaman niya ang presensya ng binata sa likuran niya.
She felt something cold and metallic in her neck dahilan para matuon ang atensyon niya doon, nakita niya ang isang kwintas na isinuot pala sa kaniya ng binata.
It was made of gold na mayroong pendant na half clam shell with a white and beautiful pearl. Hindi niya naiwasang magtaka. "Bakit kalahati lang?" She immediately turned around na mabilis din niyang pinagsisihan.
Halos maduling siya sa lapit ng mukha ng binata sa kaniya, halos gahibla na nga lang ang pagitan ng kanilang labi sa isa't-isa nagpang-abot na ang tungki ng ilong nila ng binata dahil nakayuko pala ito. Ramdam na ramdam niya ang bawat pagbuga ng mainit at mabangong hininga nito sa tapat mismo ng labi niya.
Josh smiled at her warmly making her heart melt, umayos ng tayo ang binata at ipinakita ang suot nito na animo'y isa iyong medalya at proud na proud pa ito. It was a necklace almost identical to hers, ang kaibahan lang ay walang perlas ang sa binata ngunit nasisiguro niyang iisa ang sukat ng pendant nila.
"Because you are my other half." Nakangiting sambit ng binata at pinagsiklop ang pendant nila dahilan para mabuo ito. She smiled genuinely, biglang nabura ang pagkainis niya rito, hindi talaga nabibigo ang binata na bulabugin ang internal organs niya sa kilig.
Hinila siya ng binata sa kung saan and her mouth went wide open when she saw a picnic blanket, a basket full of food and bottle of wine beside the seashore. But what made her eyes sparkle because happiness was the three boxes of her favorite pizza. There's no doubt that Josh really knows the simplest things that could bring her happiness.
"Pizza!" She almost jump out of glee at parang batang nagtatakbo papunta sa mga pagkain, halos magkanda-dapa-dapa pa nga siya.
"Bakit ka umalis dun kanina? hindi mo tuloy napanood kung paano nila ako kinoronahan." Nakasimangot na tanong niya sa binata habang patuloy sa pagkagat sa hawak na dalawang magkapatong na slice ng pizza.
Inayos ng binata ang koronang suot-suot ni Crystal dahil malapit na itong mahulog sa kalikutan niya. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil mas lalo iyong nagpaganda sa dalaga.
"Naiinis ako eh." Josh replied with a sigh. "Yung mga lalaki dun kung makatingin kasi sayo akala mo gusto ka ng hilahin pababa ng stage at hubaran," bakas ang pagkairita sa mukha ng binatang biglaang namula ang tainga.
"Gusto na nga kitang hilahin pababa ng stage kanina at ibalot sa kumot kaso---" Napatigil sa pagsasalita ang binata ng magkasunod na isinubo sa kaniya ng dalaga ang apat na kutsarang red velvet cake.
"At least hindi ako nakikipaglampungan sa kanila at kinalimutang may kasama ako." The table has turned upside down, ang dalaga naman ngayon ang kababakasan ng pamumula dulot ng pagkainis.
"Ang sabihin mo umalis ka dun kasi ayaw mong makita na natalo ko yung kalandian mo no? Hindi mo matanggap na mas maganda ako sa pinalit mo?" Nakahalukipkip at mataray na pang-uusisa nito sa kaniya.
Nang marinig ang tila kinikilig na halakhak ng binata ay biglang natauhan si Crystal, she sounded like a jelous girlfriend!
Magpalalusot na sana siya ng maunahan siyang magsalita ng binata na kababakasan ng kasiyahan ang mukha.
"How I'd love seeing you jealous like a mad girlfriend all day, but I don't want you to be so pissed towards me so I want you to know that there's nothing between me and my cousin Chantelle. You should have told me na nagseselos ka sa kaniya so that I can make love with you in front of her." Tila umakyat lahat ng dugo niya sa mukha ng marinig ang sinabi ng binata.
"Crystal listen, ikaw lang ang gusto kong mapang-asawa, ikaw lang ang gusto kong makasama sa pagtanda at higit sa lahat ikaw lang ang babaeng gusto kong anakan ng bente---" Hindi na niya napigilan ang mataray na pagsabat sa binata.
"Hindi ako inahing baboy gago!" singhal niya sa binata na tinawanan lang nito. She can't imagine taking care of 20 little version of them, paniguradong sasakit ang ulo niya at papangit pa siya sa stress.
"I was just kidding, isang dosena lang talaga nasa plano ko." Akmang babatukan niya ang binata ng mapahinto siya sa sinabi nito.
"But seriously? Chill ka lang mi amore. I'm all yours."