Chapter 14: Be with me "Why are you staring at me na para akong tinubuan ng tatlong ulo?" Kunot-noong tanong sa kaniya ni Josh habang seryoso itong nagtatali ng buhok ng isang manika na singlaki ng isang limang taong gulang bata. Weird, hindi naman ito nakatingin sa kaniya ngunit alam nitong nakatitig siya rito. Pawis na pawis na ito sa pagtitirintas ng buhok ng manika ngunit patuloy pa rin ito sa ginagawa. She admits that what he's doing is taking him way too long ngunit hindi naman kaaya-ayang tignan, magulo ito dahil hindi mahigpit ang pagkakagawa ng binata na animo'y nag-iingat na huwag masaktan ang walang pakiramdam na manika. "Why are you doing that?" Kunot-noong tanong niya sa binata habang abalang ngumunguya ng potato chips. "I'm practicing." Nakatuon pa rin ang atensyon ng bin

