Chapter 21: She passed away happy "Salamat sa inyong dalawa ha? Hindi ko alam ang gagawin kung wala kayo." Nakangiti iyong sinabi ng lola ni Miracle, ngunit hindi iyon sapat para ikubli ang kalungkutan na madaling mababamaag sa mga mata ng ginang. "Ang anak ko talaga, wala na nga ang anak nila hindi pa rin talaga nila bibisitahin." Naiiling na bulalas pa nito na animo'y naging mas problemado. "Binigay nila sa'kin si Mira nang malamang may sakit ito at nakaliit lang ang tyansa na gumaling pa. Ang sabi nila hindi nila kayang makitang nahihirapan ang anak nila, hindi daw nila kaya ang makitang mamatay ito sa mismong harapan nila. Hindi ko tuloy alam kung magagalit ako sa kanila o masasaktan sa sitwasyon nila, wala naman kasing magulang na gustong mawalan ng anak." Malungkot na pagkukewento

