Chapter 4: Akward schedule
What am I doing? The question keeps on lingering in her mind. She's puzzled hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa kagustuhan ng binata.
"Gayle pakicheck naman ng schedule ko please." Dahil sa sinabi ng binata ay mabilis na kinuha ni Crystal ang planner na ibinigay sa kaniya kanina ng sekritarya ng binata. Nakaramdam kasi ito ng pagkahilo kaya't nagleave muna at dahil day-off naman niya ay pinaunlakan niya ang alok ng binata na pumalit dito ngayong araw.
Halos magdugtong ang kilay niya at bumilog ang natural na bilugang mata niya ng mabasa ang mga nakasulat duon. Pabalik-balik ang tingin niya kay Josh at sa planner na hawak-hawak niya.
8 am- have breakfast with Ms. Crystal Gayle Gonzales.
9 am- have a date with Ms. Crystal Gayle Gonzales.
10 am- have fun with Ms. Crystal Gayle Gonzales.
11 am- stroll with Ms. Crystal Gayle Gonzales.
12 nn- have lunch with Ms. Crystal Gayle Gonzales.
1 pm to 6pm- spend more time with Ms. Crystal Gayle Gonzales.
7pm- have dinner with Ms. Crystal Gayle Gonzales.
It was her maiden name. She's confused, bakit yata lahat ng schedule ng binata ay puro siya ang kasama? Something's wrong with it.
"Is there something wrong my love?" Josh asked sweetly with a playful grin plastered on his face, he even wiggled his brows. She couldn't help but to roll her eyes. Ngayon alam na niyang sinadya ito ng binata.
"I think, I got the wrong planner." She tried to act innocently as if she was clueless.
"Talaga? Read it then my love. What should I be doing now?" Tinaasan siya nito ng kilay dahilan para mapabungtong hininga nalang siya bago naiilang na binasa ang nakasulat bilang senyales ng pagsuko.
"Have breakfast with Ms. Crystal Gayle Gonzales." She read out loud awkwardly and rolled her eyes after, ngingisi-ngisi naman ang binata sa kaniya.
"Really? Let's go then." Mabilis na tumayo ang binata at hinila siya palabas ng opisina nito. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng binata pero nasisiguro naman niyang hindi siya nito ipapahamak.
"I love you Gayle, ahhhhhhh mommyyyyy koooo! Tulongggggg." Mabilis siyang natawa ng magsimula ng umandar ang roller coaster na sinasakyan nila, papaano'y napakalakas tumili ng binata na akala mo'y babawian na ng buhay sa ride. Sa tuwing paakyat ang ride ay magpapacute ito sa kaniya at halos mabingi naman siya sa lakas ng sigaw nito sa tuwing biglang babagsak pababa ang ride.
"Gayle bago ako mamatay dito gusto kong malaman mo na mahal na mahal kitaaaaaaaaa. Ahhhhhhhh, ibaba niyoooo naaaa koooooooo!" She tried her best not to laugh when the ride started going upwards stopped a bit and then suddenly went downwards. Josh screamed at the top of his lungs, he even almost died because of panic.
Gayle was laughing so hard all the time, who would have thought na ang tigasing binata ay mapapatiklop ng isang roller coaster?
Nang makababa sila ay mabilis na sumuka ang binata sa isang sulok dahilan para mag-alala siya, banayad niyang hinaplos ang likod nito hanggang sa maging maayos na ang pakiramdam nito. Bigla ay nakaramdam siya ng pagka-guilty sa paghalakhak na ginawa sa binata. Kung kailan kasi nakasakay na sila sa ferris wheel, zipline, roller coaster at kung ano-ano pang matataas na ride ay saka lang ito umamin sa kaniya ang na may fear of heights ito.
"Josh." Nakangusong tawag niya rito. Itinabingi niya pa ang kanyang ulo upang mas madaling masilip ang mukha nito.
"Mukha kang tanga alam mo yun? Alam mong may fear of heights ka, tapos sa amusement park mo pa ko dinala?" Lukot na lukot ang mukhang reklamo niya sa binata na tinawanan lang siya.
"It's fine love alam ko kasing mag-eenjoy ka rito, ayaw kong hadlangan ng takot na yun yung kasiyahan ng taong mahal ko." Nanigas siya sa sinabi nito at napatulala nalang sa binata, iniisip kung bakit parang may laman ang sinabi nito.
"Why love?" ngayo'y nakangiti ng tanong nito. She couldn't stop herself, she subconsciously stared at his eyes and what she saw scared her. She saw genuine happiness, love and adoration in his eyes. She'd break this man after the deal for sure at parang hindi niya ata kayang makita iyon.
"Alam kong gwapo ako love, you can stare at me all you want. But you have to eat first." Nang-uuyam na sambit nito sa kaniya dahilan para mapabalik siya sa realidad.
"Yung kamay ko kasi, I can't eat properly." Kunyaring naiinis na reklamo niya, but deep inside her she's starting to love the feeling of their fingers interwined together, it's as if her hand was made to hold his hand forever.
"Let me feed you then." Nakangiting itinaas nito ang kutsarang naglalaman ng pagkain at itinapat sa bibig niya.
"Josh! I can feed my---" hindi na niya naituloy ang balak sanang sabihin ng magsalita rin ang binata.
"Stop talking and eat. Or else I'll stuff your mouth with something bigger than this spoon." He grinned at her mischievously, tila umakyat lahat ng dugo sa mukha niya sa sinabi ng binata. Josh and his sinful mouth.
Matapos kumain ay saglit muna silang nagpahinga bago sinubukan ang iba pang mga booth na nandoon sa amusement park.
"Pag nanalo ako premyo ko kiss ha?" Taas baba ang kilay na sambit sa kaniya ng binata na agad naman niyang tinanguan. Kasalukuyan silang nakatayo sa harap ng isang booth kung saan kailangan mong makapagpaputok ng tatlong lobo para makakuha ng premyo. Matapos iabot ang bayad ay binigyan sila ng tigtatatlong dart ng nagbabantay bago ito gumilid.
Sa unang hagis ng binata ay sablay, gano'n din ang pangalawa, sa pangatlo naman ay bumaon ito sa gilid ng lobo. He's a bit frustrated that was so close.
"Ako naman." Nakangiting pumwesto si Crystal at inunat ang braso bilang paghahanda. Malinis at walang palya, tatlong lobo ang napaputok niya.
Nagmamalaking napangisi siya sa binata na ngayo'y nakatulala na sa kaniya. Inabot niya ang isang malaking panda bear na siyang papremyo, her eyes sparkled with glee. It's cute.
"Kuya isa pa." Napatingin siya kay Josh na may determinadong tingin sa mukha. Pumuwesto siya sa gilid at pinanood kung paano lumihis lahat ng binabatong dart ng binata sa lobo. She cheered for him, but eventually kinailangan din niyang pahintuin ang binata ng halos mag-iisang oras na sila duon at wala pa ring progreso. Ayaw na nitong tumigil at tila may panggigigil na ang bawat bato, kinailangan niya pang hilahin ito palayo roon.
Masama ang tingin ng binata sa booth habang abot tenga naman ang ngiti ng tindero duon na paniguradong malaki na ang kita.
"One more Gayle. Please let me play some more," tila batang nagmamakaawa sa ina na ibili ng laruang pakiusap ng binata sa kaniya.
She stopped and put both of her hands in her hips. "Sige." Josh eyes glistened he was about to go back when she uttered something that made him stop. "Pero iiwan na kita rito."
"On the second thought that game is a bit boring, scam naman kasi si kuya hindi pantay yung mga lobo kaya mahirap tamaan, try kaya natin yung carousel?" She shook her head in disbelief, he's a bit childish sometimes.
"Gayle." She looked at him, they were sitting at a clam shaped seat in the carousel facing each other.
"Are you happy?" She was stunned at his sudden question, it was so out of the blue, why did he ask? She suddenly thought.
She looked at him straight in the eye and flustered a genuine smile, she couldn't see herself but she knew exactly her eyes smiled along with her lips. She made sure rhat even though she didn't uttered a word, Josh could see the answer to his question.
Matapos n'on ay binalot sila ng nakakabibinging katahimikan, until Josh leaned forward and kissed the tip of her small pointed nose.
"I love you." He whispered, she clearly heard what he said but she choosed to just avert her gaze and remain silent. She can't stand seeing him in pain, but she can't also stand the thought of him suffering even more because she gave him false hope. She admits to herself that she enjoyed the day. She's happy, but she knows to herself that it has to end soon. Ang masakit nga lang ay ang katotohanang siya ang kailangang tumapos ng kasiyahang iyon.