Chapter 2

1420 Words
Chapter 2: Cutting the ties Iniunat ni Crystal ang kaniyang mga kamay bago dahan-dahang iminulat kaniyang mga mata, ngunit halos lumuwa ito nang mabungaran niya ang isang hindi pamilyar na silid dahilan para agad siyang mapaupo. Nakaramdam siya ng matinding pagkahilo kung kayat napahawak siya sa kaniyang ulo, pakiramdam niya kasi'y hinahati ito sa dalawa. "Gayle." Hindi niya pinansin ang malumanay at baritonong tinig na tumawag sa kaniyang pangalan, masyado siyang abala sa sakit na kaniyang nararamdaman. She silently uttered a curse inside her head and mentally noted na hindi na siya uli maglalasing kahit kailan. Napaangat lang siya ng tingin ng maglahad ito sa kaniya ng isang puting tableta at isang basong puno ng tubig. "Gamot sa hangover," kibit-balikat na sambit ng binata, marahil ay nabasa ang pagtataka sa kaniyang mukha. Tinaggap niya ang gamot at walang pag-aalinlangang ininom, ngunit gaya ng inaasahan ay hindi ito agad umepekto. Bahagya siyang napatulala ng hilutin nito ang kaniyang sintido, hindi na niya sinaway pa dahil nakakatulong ito kahit papaano, mag-iinarte pa ba siya? Ilang minuto pa ang lumipas at tuluyan ng naibsan ang sakit ng kaniyang ulo ngunit patuloy parin sa ginagawa ang binata. Hindi niya maiwasang mapatitig sa maamong mukha nito, mula sa makapal nitong kilay, sa itim at hugis almond nitong mga mata, sa matangos nitong ilong, sa mapula at mapintog nitong labi, sa pangahang mukha ng binata, isama pa ang pang-model nitong katawan. Plus the fact that he even got bigger and rounder butt than hers, she's jelous kahit kasi saang anggulo ito tignan ay gwapo pa rin. Samantalang siya'y minsan mukhang naglalakad na patpat, minsan naman ay mukhang sabog. Habang nakatitig sa mukha nito ay unti-unting bumalik sa kaniyang ala-ala ang mga nangyari nang nagdaang gabi, nakaramdam siya ng pagkailang ngunit nangibabaw sa kaniya ang pagkainis at pagtataka. "Bakit di mo tinuloy?" biglaang tanong niya na ikinakunot noo ng lalaki marahil ay naguluhan, "dahil ba sa maliit boobs ko?" Pinaningkitan niya ito ng mata, kita niya ang matinding pagkagulat sa mukha ng binata. Nang marealize ang sinabi ay nanlalaki ang mga matang napatutop siya sa kaniyang bibig, she mentally slapped her sinful mouth. Ang bunganga niyang walang filter na lagi nalang siyang pinapahamak. "Oh God!" Humagalpak ng tawa ang binatang napahawak pa sa kaniyang tiyan matapos makabawi sa pagkagulat. "s**t seryoso ka?----Okay, okay hindi na po." Nagpipigil ng tawang sambit ng lalaki ng tapunan niya ito ng masamang tingin. Kunyari pang izinipper nito ang labi. "Ligayang-ligaya Josh?" Sarkastikong sambit niya sa binata. Nawala ang atensyon niya rito ng marinig niya ang isang pamilyar na ringtone, nakita niya ang kaniyang bag na nakapatong sa malapit na bed side table, mula sa loob n'on ay kinuha niya ang kaniyang cellphone. Halos malunok na niya pati ang dila sa kaba ng mamatay ang tawag, kasabay niyon ay ang paglitaw ng 100 missed calls at 50 messages na mula sa iisang numero lang, ang numero ng kaniyang asawa. Siguradong malilintikan na naman siya rito. Muling lumabas ang pangalan ni Macky, nanginginig ang kamay na sinagot niya ang tawag at nag-aalinlangang itinapat sa kaniyang tenga. "Finally!" Dinig niya ang iritasyon sa tinig nito mula sa kabilang linya. "I've been calling you a lot of times Crystal! Nasaan ang card ko?" nanggagalaiting tanong nito sa kaniya. Isang beses pa siyang napalunok bago sumagot. "L-love," nauutal ngunit malambing na panimula niya, she just hope it will work this time. "Nagkayayaan kasi kami kagabi ng mga co-teachers ko na magbar, nalasing ako tapos dito na ko nakatulog sa hotel." She lied. "I don't care kahit saan ka pa pumunta babae! The thing is my card! Napakagastusera mo talaga, who gave you the permission to use my money?" nanggagalaiting sigaw nito sakaniya dahilan para mapangiwi siya, siguradong sasaktan na naman siya nito pag-uwi niya. Ayaw na ayaw ng asawa niyang ginagalaw niya ang pera nito. Halos lahat ng meron siya bukod sa mga regalo nito sa kaniya ay pinagpaguran niya. Nagtatrabaho siya bilang isang kindergarten teacher sa isang pribadong paaralan. Napabuntong hininga nalang siya sa isiping mas may pake pa ang asawa sa salapi nito kaysa sa kaniya. She's hurt but she just kicked the feeling out of her system. Ilang beses na ba itong paulit-ulut na nangyayari? Dapat ay sanay na siya. "Don't worry Macky, pauwi na ako." She sounded cold as ice, she's so damn tired of understanding her husband. Bakit lagi nalang siya ang kailangang umintindi? Napatingin siya kay Josh at malungkot na ngumiti. "Movie marathon tayo?" She asked him, tutal ay galit na rin naman na sa kaniya ang asawa bakit di na niya sagarin diba? Pareho lang naman ang kahihinatnan ng galit nito, wala namang magbabago. "Sa relasyon niyo masaya ka ba?" biglang tanong ng lalaki makalipas ang ilang oras ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Saglit siyang natigilan, tila may kung anong nakabara sa kaniyang lalamunan at hindi siya makapagsalita. "Masaya ako noh! Masaya ako kasi----kasi---kasi." Napahinto siya, walang maisip na dahilan. Sino bang niloloko niya? Walang babae ang sasaya sa piling ng isang lalaking gaya ng asawa niya. Her husband is an asshole! Bukod sa nanakit at makwenta ito ay harapan pa ito kung mambabae. Bukod pa nga rito ang hirap na dinadanas niya mula sa matapobreng pamilya nito. "Gayle iba ang masaya sa pinipilit maging masaya," sambit sa kaniya ni Josh na may seryosong ekspresyon ang mukha. "Baby look at me." He lifted her chin up. "I can make you happy if you'd only let me." Bakas ang kalungkutan sa mukha ng binata dahilan para mapaiwas siya ng tingin. She knew it, ipipilit na naman nito ang gusto na makipaghiwalay siya sa asawa. Ngunit paano niya gagawin iyon kung ganoon na lamang ang laki ng utang na loob niya rito? She admits that she's happier with Josh, kung mas maaga lang sana niya itong nakilala. Gustuhin man niyang tanggapin ang pagsinta nito'y mali sapagkat siya'y nakatali na siya sa iba. She maybe unhappy, but she's not a cheater. She met Alvin Josh Corpuz 5 years ago, nang minsan siyang sinama ng asawa sa business meeting nito't iniwang mag-isa dahil nainis ito sa kaniya matapos niyang malukot ang manggas ng tuxedo nito dahil sa pagkakapit niya sa braso nito. Wala siyang dala maski cellphone, naiwan niya iyon sa sasakyan ng asawa. She was left crying miserably in front of the restaurant kung saan siya nito iniwan. Hindi siya pamilyar sa lugar dahil sa labas iyon ng bansa. Hanggang may isang gwapong nilalang ang tumulong sa kaniya, simula n'on ay naging magkaibigan sila and the rest is history. Hanggang ngayon ay hindi niya maintindihan kung bakit nagustuhan siya ng binata, when in fact he could have any woman he wanted. "Josh I'm sorry but I can't cheat, hindi ako ganoong klase ng babae. Oo nga't hindi maayos ang relasyon ko sa aking asawa pero hindi sapat na dahilan yun para lokohin ko siya. Listen, makakahanap ka rin ng babaeng mamahalin ka at malaya mong mahalin. Isang babaeng hindi nakatali sa iba." Nakaramdam siya ng pait sa kaniyang sariling mga salita. Andaming sana ang nais niyang matupad, ngunit hanggang duon nalang dapat iyon. "Pero ikaw ang gusto ko, ayoko sa iba." Kita niya ang sakit sa mga mata nito kaya tila may kung anong kumurot sa kaniyang puso. "That's it, Josh mali ito." Naiiling siyang tumayo mula sa kinauupuan. "Umpisa palang ay hindi na dapat tayo nagkikita. May asawa na ako," madiing sambit niya, kitang-kita niya ang pagkabahala ng binatang nanatiling nakikinig sa sinasabi niya. "I- I t-think we sh-ould s-stop seeing each o-ther," siya mismo ay nahirapang sabihin iyon sa hindi malamang dahilan. "Baby please don't say that alam mong hindi ko kaya." Kitang-kita niya ang sinseridad at pagsusumamo sa mukha nito kaya't naluluhang napatakbo siya palayo. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang pigilan ang damdaming nagsisimula ng umusbong. Kung hindi siya agad makakalayo ay baka tuluyan na siyang bumigay sa binata. Palagi nalang ito ang sumasalo ng problema niya, palagi nalang ito ang sinasandalan niya sa tuwing napupuno na siya at alam niyang mali iyon. Walang makikilang babae na mas higit sakaniya ang binata kung hahayaan niyang palagi silang magkasama. Walang mangyayari sa kaniya kung palagi nalang siyang aasa dito. She has to do this, para rin naman ito sa kanila. Nang makasakay na siya ng tuluyan sa napara niyang taxi ay natanaw niya mula sa bintana ang binatang tumatakbo habang nakayapak, may kung ano itong isinisigaw na hindi niya naman maintindihan. Doon ay hindi na niya mapigilang mapahagulgol, kung sana ay mas nauna niya itong nakilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD