Chapter 16: A night of love *Warning, s****l content ahead* "Hey, are you really sure na ayos ka lang?" Nagtatakang tanong ni Josh kay Crystal, papaano'y napapansin nitong kanina pa nakatulala ang dalaga. Kasama nga niya ito, pero mukhang nasa kung ibang bagay naman ang isip nito. "A penny for your thoughts?" Patuloy na pangungulit niya rito ngunit nananatili pa ring nakatulala sa kawalan si Crystal, "ako yung kasama mo pero iba yung iniisip mo." Kunyaring nagtatampong saad ng binata. "Oy Gayle." Sinundot-sundot niya ang pisngi ng dalagang wala pa ring kibo, "kung lalangoy siguro ako sa iniisip mo malulunod na ako ang lalim eh." Nagpakawala si Josh ng isang malalim na buntong hininga, duon lang napatingin sa kaniya ang dalaga na bakas ang kalungkutan at pagkabahala sa mukha. "I'm sorr

