Chapter 6

1407 Words
Chapter 6: Defying fate "Surprise!" They screamed in unison. Napangiti silang lahat nang umiyak ang dalaga, marahil ay sa tuwa. It was an achievement for all of them. "Oy babes bakit ka umiiyak?" Mabilis na niyakap ito ng kasintahang si Kino. Napatingin si Crystal sa taong nasa likuran niya ng maramdaman niya ang pagpulupot ng braso nito sa bewang niya. Hinayaan nalang niya ito at ibinalik na ang atensyon sa harap. She feels comfortable between Josh arms, may paglalambig at pagmamahal kasi ang mainit na yakap nito. "Thank you for making me always happy Kino, let's make it official. Sinasagot na kita," nakangiting sambit ng dalaga. Halos lahat sila na nandoon ay nagtaka lalo na nang naiyak na kakatawa si Kino sa harapan nilang lahat. Wala silang ideya sa nangyayari hanggang sa nagsalita na si Kino. "Damn nakakahiya, akala ko sinagot mo na ako last month." Naiiling sa sambit nito, "Kaya nga gumawa ako ng surprise kasi akala ko first monthsary natin." Kakamot-kamot sa ulong dagdag pa nito na hindi makapaniwala sa sariling katangahan. All of his friends slapped their forehead in disbelief, silang mga babae naman ay napanganga nalang sa narinig. "Ang tanga talaga ng kaibigan ko! Buti nalang gwapo. Nevertheless it still calls for a celebration," biglang sigaw ng isa sa mga kaibigan nito kasabay ng pagtugtog ng malamyos na musika. She felt bitter ng makitang pumunta na sa gitna ang magkakaibigan kasama ang mga kapares nito. Draco, Cole, Hanz, and Kinoah were dancing with their woman, while Vino is dancing with his 'friend' na alam naman ng mga kaibigan niya na there's something more to that, halata iyon sa paraan ng pagtingin ng binata sa dalaga. Everyone danced normally except for Pierre na nakahawak ang magkabilang kamay sa bewang ng dalawang babaeng kasama. She was dumbfounded at plano nalang na tumungo sana sa kusina para tumakas nang walang pasabi siyang hinila ni Josh at idinala sa gitna dahilan para maghiyawan ang mga kaibigan nito. Inilagay nang binata ang kaliwang kamay sa kanyang bewang at pinagsiklop ang magkabila nilang kamay. She doesn't want to embarrass him in front of his friends so she decided to just go with the flow, she placed her right hand in his shoulders and enjoyed the moment. Namg mga sandaling iyon ay isinantabi niya muna ang mga bagay na gumugulo sa isip niya. Josh is undeniably way taller than her, so she had to lift her gaze to see his face, bigla ay nagtagpo ang kanilang mga matang kapwa nangungusap. Bago pa siya mahulog sa kagwapuhan nito ay inilibot niya nalang ang paningin sa paligid. They prepared a candle lit dinner set for the two couples, it's romantically beautiful lalo pa at naka pwesto ito sa tabing dagat kung saan malaya mong mapagmamasdan ang papalubog na haring araw. Dahan-dahan at palihim na nagsialisan ang magkakaibigan kasama ang mga kapares nila para bigyan ng oras na magkasama si Kino at ang kasintahan nito. Tulad ng mga ito ay lumayo din sila ni Josh, huminto sila sa tabing dagat kung saan may naglalakihang mga bato. Inalalayan siya nito sa pag-akyat sa isang katamtaman ang laki na bilugang bato na mayroong kataasan, pagkatapos magkatabi silang naupo doon. Binalot sila ng nakabibinging katahimikan, tanging bawat hampas lang ng alon sa dalampasigan ang maririnig sa pwesto nila. Kapwa kasi silang nakatingala kalangitan at tahimik na pinapanood ang paglubog ng araw, masyado kasi silang namamangha sa angkin nitong kagandahan. Naghahalo ang kulay na nagbabagang pula at kahel sa malawak na kalangitan, hindi nila mawari kung bakit sa simpleng pagtitig rito ay nakakaramdam sila ng kapayapaan. Crystal suddenly wondered, why does good things always have to come into an end? "Wanna know a story?" Josh asked her out of the blue, she remained silent but she's already preparing her ears to listen. Kahit naman hindi siya sumagot ay alam na ng binatang makikinig ito sa kaniya, their heart and mind has its own way to understand one another. "There's this boy who fell in love with a charming and kind girl, but he knows that they can't be together." He started, she suddenly got hurt and wondered kung bakit may mga taong pinagtatagpo ngunit sa huli'y sa iba pala nakatadhana. Kung bakit kailangang may mga taong tinadhanang magkakilala para lang saktan at durugin ang isa't-isa. "He wanted to shove his feelings so bad, alam niya kasing wala siyang pag-asa. Pero gusto pa rin niyang lumaban kahit mahirap. Kasi naisip niyang mas mahirap na mawala sa kaniya yung taong mahal niya ng hindi sumusubok." Crystal closed her eyes, she can feel his sadness and pain as if it was also hers. Hindi niya alam kung paano basta ganoon ang nararamdaman niya. "Kahit na malaki yung nakataya, kahit na mali pa at kahit na maliit lang yung tyansa niya. He took risk...." He paused as if there's something that's stopping him to tell what's next. "Defying fate isn't easy, it is his fate to meet and love her. The man is fated to love the woman that he can't have. But that didn't stopped him, lumaban siya sa isang gerang umpisa palang ay talo na siya." She averted her gaze, she can't stand seeing how pained he was. Hindi niya maintindihan kung saan siya nalulungkot, sa kwento nito o sa lungkot na nakikita niya sa mga mata nito. O baka naman pareho? "Then the man did the right thing." She said what's been running in her head and smiled. "There's no such thing as fate, destiny, soulmate or whatever." She added, she can even taste and hear the bitterness in her own voice. Growing up she always reminds herself that fairytales isn't real, na malayo doon ang mukha ng totoong buhay. "There's only decision and consequences. We are always given a lot of options. At ang bawat desisyong ginagawa natin ngayon..." She stopped and looked at him straight in the eye. "Ay ang magdidikta ng mangyayari sa hinaharap natin." She looked away hindi kasi niya kayang pantayan ang intensidad ng titig nito, para siyang matutunaw sa kinauupuan niya. "Kung pinili niyang ipaglaban yung taong mahal niya, saludo ako sa kaniya. Kasi alam mo hindi naman lahat ng tao kasing tapang niya. Hindi lahat ng tao kayang piliin yung taong nagpapasaya sa kaniya." Sa sulok ng mata niya ay nakita niya ang pagngiti ng binata at sa di niya malamang dahilan ay napangiti na rin siya, there's something in his smile na kahit sinong makakita ay mahahawa. Totoo naman kasi, lahat ng bagay ay hindi maaring nakatadhana na o nagkataon lang. Lahat ng bagay ay bunga ng mga desisyong pinili natin, lahat ng nangyayari sa atin ay tayo mismo ang may gawa at hindi ang tinatawag na tadhana. "Tara na nga sa loob malapit ng dumilim baka mahamugan ka pa," sambit nito sa kaniya kasunod n'on ay ang pag-alalay nito sa kaniya sa pagbaba. Ilang oras na ang lumipas simula nang mag-usap sila ni Josh sa dalampasigan pero nanatili pa ring gising ang utak niya. It's just that his words keep lingering on her head. Paulit-ulit at tila ayaw siyang lubayan. She looked at her phone and saw that it's already midnight and yet here she is dilat na dilat pa rin ang mga matang nakatitig lang naman sa kisame. She's too preoccupied to sleep. She sat at the edge of the bed at sinabunutan ang sarili. Makailang ulit na rin siyang napabuntong hininga bago nagdesisyong kuhain ang kulay beige na silk robe na nakita niya sa silid. Sinuot niya iyon at ang tsinelas niya bago buksan ang pinto ng balcony at tumambay doon. Nasa ikalawang palapag ng rest house ang silid na tinutuluyan niya, ang balcony nito ay nagdudugtong sa limang kwarto na nakatapat sa karagatan. Sumasayaw sa hangin ang maalon at mahaba niyang buhok, nakangiti niyang dinamdam ang lamig ng hanging tumatama sa kaniyang balat. She can't stop herself to be amazed, napakaganda kasi ng sikat ng liwanag ng buwan at makikinang na bituin na tumatama sa karagatan. Tila nakatitig siya sa isang napakaganda at napakaperpektong likhang sining. Ngunit ang pagkamanghang nararamdaman niya ay mabilis na napalitan ng paghanga at kaunting pagkabahala ng maalala ang determinasyon sa tinig ng binata at ang huling sinabi nito matapos nitong maihatid siya sa pintuan ng kaniyang silid. "If we're not destined to be together, then I'll make a way para baluktutin iyon. I'd defy our fate whatever it cost." She clenched her fist and sighed, paano kaya niya mapapasuko si Josh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD