*****
“Samahan ka na namin Eunsoo,”
“Hindi na Casey magpapalit lang naman ako ng damit antayin nyo na lang ako sa rink,” sabi ko sa kanila at tuluyan ng pumasok ng restroom.
Nagpalit lang ako black leggings at pinatungan iyon ng maliit na palda at nagsuot ng hapit a na jacket at pinatungan ng loose t-shirt at itinali iyon.
Itiniaas ko na rin ang aking buhok at nilagyan ng lip balm ang aking labi.
Nagulat ako ng paglabas ko ay nakita ko si Mr. Choi sa gilid ng restroom “Anong pong ginagawa niyo dito Mr. Choi?” tanong ko sa kanya at isinabit ang aking bag sa aking balika “Napadaan lang ako at saktong lumabas ka ipinapaalala ko lang na pagkatapos ng practice mo ay sa office ka pumunta at may ipapagawa ako sayo..”
Tumango na lang ako sa kanya at nauna ng umalis.
Ang creepy niya lang dahil kung napadaan lang siya bakit pa siya tumigil siguro dahil nakita iya repleksyon ko na nagsasalamin kanina kaya mas minabuti na niyang mag-antay para ipaalala saakin.
Nakarating na ako sa rink at sakto 6 pm na kaya puno na rin ang buong rink para manood ng practice ewan ko lang kung tatapusin pa nila dahil alam naman nilang laging gabi kami natatapos.
Naupo na ako sa bleacher at isinuot ang skate habang iniintay na matapos ang practice nila Cha at nung kapartner niya. Inilibot ko ang aking paningin para hanapin sila Casey at nasa bandang unahan sila sa kabilang part ng rink na kumakaway saakin. I wave back at nginitian sila.
Kinuha ko rin saglit ang aking cellphone para picturan sila at i-upload sa aking IG.
Agad kong isinilig ang aking cellphone sa aking bag ng tawagin na ako ni coach.
Makikipagkamay pa sana ako kay Cha pero nilampasan na niya ako at agad na naupo sa bleacher ng hindi ako pinapasadahan ng tingin “Eunsoo!” tawag muli sa akin ni coach. Inalis ko ang blade cover at pumunta na sa gitna.
I skate around the rink and went in the center to bow. As the song “My heart will go on” start i bend my back and raise my hand like I am facing a bright sun. Dinamdam ko ang bawat guhit ng masasakit na linya sa kanta at ipinakita ko ang masakit na ngiti ko as I face the audience.
I did the camel spin and bend my back until I look like a thorn. Nagulat ako ng nasa kalaghatian ay nagbago ang kanta at naging hiphop para sa exhibition ko. Dali-dali kong binago ang aking expresyon at ngumiti ng malawak.
Inihanda ko ang aking sarili at kahit papaano ay nasasabayan ko ang mga beat sa tuwing piniperform ko ang mga inihanda kong exhibition at ang mga spin na itinuro sa akin ni coach.
Hiningal ako hanggang sa matapos ang kanta at laking pasasalamat ko ng hindi ako pumalpak sa bawat exhibition ginawa ko.
Nag skate ako hanggang sa makaabot ako sa bleacher at ininom ang tubig na ibinigay saakin ni coach, pinunasan pa niya ang pawis ko ng makaupo ako “Sorry, someone change the song but gladly you didn’t failed and got new injuries”
Pinalobo ko ang aking pisngi at huminga ng malalim. Hindi ko alam kung sino ang may galit saakin para gawin ito.
“Coach may pupuntahan lang po akong kaibigan ko,” itinuro ko ang tayo nila Casey para magpaalam at nagkatinginan pa ang apat.
“Sige na, bago ka umuwi ay magpaalam ka ulit sa akin..”
I shook my head and leave the bleacher. Nadaanan ko pa sila Cha na magkahawak ang kamay “Kunin mo na ang gamit sa dorm may bago ng nakatira doon,” nawala ang ngiti ko sa labi ng sabihin iyon ni Cha.
So binenta na niya ang dorm naming dalawa at hindi manlang inintay ang desisyon ko. “Oo, dadaanan ko..” tipid kong sabi dito at hindi na siya nilingon.
Bagsak ang balikat kong naupo sa tabi ni Margareth at isinandal ang aking ulo sa balikat niya “Hala oy gaga ang ganda kaya ng performance mo, look vinideohan ka namin then itong si Marga umiyak pa..” nagmumukha na akong balik ng dahil sa kanila.
Gusto kong umiyak sa balikat ni Marga pero nauwi sa tawa “Hindi naman yon eh..” pag-angal ko sa kanila at ngumibit lang si Casey at isinilad ang phone sa bulsa ng jacket niya.
“Eh ano pinuputok ng butchi mo dyan? Nagalit coach mo dahil nagbago song tas sayo sinisi?”
Umiling ulit ako tiningnan siya sa mata “Tama ka, siguro mali ang pagkakakilala ko kay Cha..” halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng itulak ni Casey ang ulo ko “Hoy gaga ka dahan-dahan naman Casey, baka mabagok si Eunsoo at makalimutan ang ganda ko..”
“Kelan ka pa nagkaroon ng ganda ang pagkakaalam ko pinanganak kang kamukha ng paa ko.”
Pinanood ko silang magbardaguhan sa harap ko at hindi manlang pinansin ang aking sinabi “They are looking at us.” Sabay turo ni Marga kung saan nakaupo si Cha katabi ni SH na parehas na nakatingin saakin.
“Paano ba kayo naging magkaibigan?”
“Just like you, siya ang unang kumausap saakin nung una I thought it is because of clout, dare and she want me to teach her figure skater wala naman akong problema kung tuturuan ko siya..”
“So matagal na kayong magkaibigan? Ano ang hindi napagkasunduan nyo at bigla na lang nagbago?”
Tumango ako sa kanya at kinukurot ang aking daliri para pigilan ang pagpatak ng luha “I don’t know bigla na lang nag bago…”
“Gusto mo bang prangkahin na natin?” sabat ni Casey
Sinapak naman agad siya ni Chin kaya napadaing ito “Ito naman hindi mabiro, mabait na ako noh..”
“Hayaan na lang natin sa ngayon ay magfofocus muna ako sa sa training at competition..”
Muli kong sinulyapan sila Cha ngunit wala na siya doon ngunit pares ng mga matatalim na tingin ang aking natanggap galing kay SH na walang mabasang emosyon sa kanyang mukha. Ako na ang unang umiwas ng tingin at pinanood na lamang ang performance ni Winter.
Tiningnan ko ang ang oras at 8:30 pm na isa-isa na ding umaalis ang mga nanood pero hindi pa rin natatapos ang practice “Diyan muna kayo magpapaalam lang ako kay coach tapos magkita na lang tayo sa gate..” paalam ko sa kanila at umalis na.
*****