Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang isang napakagandang silid. Sa itsura pa lang ng mga gamit mula sa malambot na kama hanggang sa eleganteng disenyo ng mga dingding na alam mong pang-mayaman talaga ang lugar na ito. Bawat detalye ay mukhang pinag-isipan at sobrang mahal.
Habang pinagmamasdan ko ang paligid, marahang bumukas ang pinto at bumungad ang isang babae. Base sa kaniyang uniporme at itsura, halatang isa siyang kasambahay na nakatalaga sa mansyong ito.
"Ma’am, ako po si Glenda. Ako po ang naatasang mag-asikaso sa inyo, lalo na po sa paglilinis ng inyong katawan at pag-assist sa inyong pagligo.”
“Naku, Glenda, huwag na. Maraming salamat, pero kaya ko naman nang linisan ang sarili ko. Isa pa, hindi talaga ako sanay na may ibang tao sa loob ng banyo habang naliligo ako at medyo nailalangan ako.”
“Sige po, Ma’am, kung iyan po ang inyong nais. Rerespetuhin ko po ang inyong privacy. Habang naglilinis po kayo, ako na lang ang maghahanda ng inyong kasuotan para nakahanda na pagkatapos niyo."
Matapos kong maligo at magbihis ng aking puting dress na hanggang tuhod, lumabas na kami at sinimulang tahakin ang mahabang pasilyo. Hindi ko mapigilang mapanganga sa bawat hakbang, bawat sulok ay nagsusumigaw ng karangyaan.
Ang mga dingding ay kulay puti na napakalinis tingnan, at may mga disenyo itong ginto na kumikinang kapag natatamaan ng ilaw. Sobrang kinis din ng pintura, na parang bago lang lahat. Sa totoo lang, kung ako lang mag-isa ang lalakad dito, siguradong mawawala ako. Napakaraming pinto at pasikot-sikot na daan, para akong nasa loob ng isang higanteng palasyo na nakakalitong lalakaran.
Habang dahan-dahan kaming bumababa sa hagdan, agad na nakuha ng paningin ko ang lalaking nakita ko kagabi. Nakaupo siya nang napaka-relax sa couch habang may hawak na dyaryo sa isang kamay at tasa ng kape sa kabila. Kahit simpleng pag-inom lang ng kape ang ginagawa niya, bakas pa rin sa kanya ang pagiging seryoso at makapangyarihan.
Napatigil siya sa pagbabasa at dahan-dahang nag-angat ng tingin sa direksyon namin. Nang sandaling magtama ang aming mga mata, tila huminto ang mundo ko kaya agad akong napaiwas ng tingin. Nilabanan ko ang kaba at nagpatuloy sa paglakad hanggang sa makatayo ako mismo sa harap niya.
Nanatili ang kanyang mga mata sa akin, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka na tila ba hinihintay niyang magpaliwanag ako. Dahil sa bigat ng kanyang titig at sa katahimikang namamagitan sa amin, napilitan na akong magsalita para basagin ang awkward na sandali.
Diretso akong tumingin sa kanyang mga mata at itinanong ang mga salitang kanina pa bumabagabag sa akin.
'Anong balak mo sa akin? Bakit mo ako binili sa ganoong halaga?'
Hindi ko na napigilan ang panginginig ng aking boses dahil sa halong takot at pagtataka.
The clink of his porcelain cup against the saucer was the only sound in the suffocating silence. He didn't just look at me, he looked through me, with the eyes of a man who held the world in his palm.
"Tell me, is five hundred billion not enough to buy your life?"
Each word was heavy with authority, paralyzing me where I stood. It wasn't a question, it was a reminder of who owned whom.
My lips parted in a silent gasp, the air caught in my lungs. Five hundred billion. The number was so massive it felt unreal, like a weight crushing the very breath out of me. To the world, that amount could build empires or save nations, but to him, it was simply the price tag he had placed on my soul.
I was worth a fortune, yet in this moment, looking into his cold, calculating eyes, I had never felt more worthless. I was nothing more than a new possession. A toy. A bird in a cage made of pure cold gold.