Pagkatapos akong ihatid ng mga nagdala sa akin dito ay umalis na ang mga ito at iniwan akong mag-isa kasama ang lalaking nasa harap ko.
Ang katahimikan sa loob ng malawak na silid ay tila isang buhay na nilalang, mabigat, nananakal, at puno ng mga sikretong hindi ko pa kayang alamin. Tanging ang mahinang tunog ng orasan sa dingding ang naririnig lamang, bawat segundo ay tila paalala na wala na ako sa dati kong mundo.
"Sa ilalim ng kanyang nakakalunod na presensya at titig na tila binubutas ang aking kaluluwa, ramdam ko ang bigat ng kanyang kapangyarihan na dala ng bawat bilyong ipinambayad niya. He didn't just buy my freedom, he bought a new era for a game I'm not sure I'll survive."
Umupo siya sa couch at sumenyas sa akin na umupo sa tabi niya. Kahit na takot ay lumapit pa rin ako, pero nanatili ang isang dipang distansya sa pagitan namin. Nang makita kong nakatingin lamang ito sa akin, nahuli ko ang bahagyang pagtaas ng kanyang kilay at isang tahimik na pagtatanong kung bakit doon ako umupo sa dulo.
Ang kanyang presensya ay tila isang madilim na bagyo na nagbabadyang sumabog anumang oras.
Napalunok na lamang ako at mas lumapit pa sa kaniya. Sa bawat pulgada ng aking paglapit, tila mas sumisikip ang aking paghinga. Naamoy ko ang kaniyang mamahaling pabango. Isang eksklusibong amoy na tila pinaghalong sandalwood at dark musk na lalong tumitingkad dahil sa init ng kaniyang balat. Isang amoy na nagpapahiwatig ng kaniyang presensya at nagbibigay ng kakaibang dating.
It was a scent that screamed authority and danger, a fragrance that could easily haunt my dreams and intoxicate my senses.
Nagkatinginan lang kami kaya't ako na ang unang umiwas dahil hindi ko kayang tutukan siya ng matagal. Ang bawat segundo ng aming eye contact ay tila isang kuryenteng dumadaloy sa aking ugat, nagpapahina sa aking mga tuhod at nagpapabilis sa t***k ng aking puso na tila lalabas na sa aking dibdib.
Ngunit bago pa ako tuluyang makalingat, naramdaman ko ang kanyang malamig ngunit madiing daliri na humawak sa aking baba. Banayad niya itong iniharap sa kanya, isang galaw na nagpadala ng matinding kilabot and make my whole body shiver from his touch. Napatingin muli ako sa kanyang mukha, at sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilang mamangha.
Tila siya isang obra maestra na nililok ng mga diyos mismo, o marahil isang nahulog na anghel na nakatakdang mamuno sa dilim. Ang kanyang mga kilay ay makakapal at perpektong hugis, nagbibigay ng matapang na karakter sa kanyang mukha. Ang kanyang mga pilikmata ay mahahaba at maitim, nagsisilbing anino sa kanyang mga mata na may kulay ng ocean blue na tila nagyeyelong abo—malamig, malalim, at misteryoso.
Ang kanyang ilong ay matangos at sakto ang pagkakadibuho, pababa sa kanyang panga na tila hinulma mula sa matigas na granite that make it sharp, masculine, and strong. At ang huli ay ang kanyang mga labi na may kulay ng rosas ngunit selyado ng determinasyon.
Napahinto na lamang ako sa pagtingin sa kanyang mukha at mabilis na umiwas nang marinig ko ang kanyang boses. Napalunok ako ng sarili kong laway, tila natuyo ang aking lalamunan.
"Done staring?" he asked in a low, baritone tone, his eyebrows up with a serious, almost mocking face.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Ang dila ko ay tila naputulan ng boses kaya itinuon ko na lang ang aking paningin sa paligid namin at sa marangyang muwebles, sa malalaking bintana, at sa mga gintong dekorasyon na tila mga rehas ng aking bagong kulungan.
"Ignoring me can lead you to consequences you wouldn't want to experience, mi amore," he whispered, his voice vibrating through the small space between us.
Dahil sa takot at gulat, napatingin ako sa kanya nang wala sa oras. Ngunit isang malaking pagkakamali iyon. Sa sobrang bilis ng aking paglingon at sa lapit ng kanyang mukha, muntik nang magdikit ang aming mga ilong. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking balat. Ang aming mga mata ay muling nagtagpo na isang sagupaan ng apoy at yelo. Sa puntong iyon, tila huminto ang mundo. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang mabilis na tambol ng aking puso at ang marahan niyang paghinga. Tila mayroong magnet na humigilabsabamin kaya , isang tensyon ang nabou sa mga oras naito.
Napapikit na lamang ako nang maramdaman kong unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mukha sa akin. Hinihintay ko ang susunod na mangyayari, ang aking katawan ay naninigas sa pagitan ng takot at hindi maipaliwanag na pananabik. Ngunit bago pa lumapat ang kanyang mga labi, isang malakas na katok sa pinto ang bumasag sa katahimikan.
Tok! Tok! Tok!
Agad kaming nagkatinginan. Kita ko sa kanyang mukha ang matinding pagkadismaya at galit sa istorbo. Ang kanyang mga mata na kanina ay may bahid ng init ay muling naging malamig na parang yelo. Marahas siyang bumitaw sa aking baba at tumayo.
"We're not done yet," maikli ngunit seryoso niyang sabi bago siya lumakad patungo sa pinto.
Umalis ito at iniwan akong mag-isa sa gitna ng malawak na sala. Ang lamig ng silid ay tila dumoble nang mawala ang kanyang presensya. Napahawak ako sa aking dibdib, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Ang bawat sulok ng mansyong ito ay tila may mga matang nakamasid, naghihintay sa bawat pagkakamali ko.
Sino ba talaga siya? At anong plano niya sa akin?
Sa sobrang pagod ng aking isipan at sa tindi ng emosyong pinagdaanan ko sa araw na ito, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa couch. Ngunit bago tuluyang lamunin ng dilim ang aking malay, naramdaman ko ang isang mainit na kumot na dahan-dahang ibinalot sa akin, at isang mahinang bulong na tila nanggaling sa kailaliman ng gabi.
"Sleep well, my little prisoner. Tomorrow, the real game begins."