Ilang minuto ang lumipas.
Pagkatapos naming mag-usap, isang mapait na ngiti ang namutawi sa aming mga labi dahil sa sitwasyong kinasasadlakan namin. Naisip nalang namin na marahil ito na ang aming malupit na kapalaran.
“By the way, I'm Kisha Vilondo, but you can call me Kish,” sabi niya sabay lahad ng kanyang kamay.
Maganda siya at maputi; bakas sa kanyang tindig at kutis na nagmula siya sa isang marangyang pamilya. Pero sa kasamaang palad, napunta rin siya dito sa imperyernong ito katulad ko.
Inilahad ko rin ang aking kamay.
“Just call me Celeste,” tugon ko at ngumiti sa kanya, na sinuklian niya rin ng tipid na ngiti.
Ngunit biglang naputol ang aming sandali nang may marahas na humablot sa kanya at kinaladkad siya patungong stage. Wala akong nagawa kundi panoorin siyang ilayo. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang nag-uunahang luha at ang matinding takot.
Lumipas ang ilang minuto at muling lumabas ang lalaking nakaitim. Mabilis siyang lumapit sa akin kaya napaurong ako sa takot, ngunit walang sabi-sabi niya akong hinablot at hinila patungo sa gitna ng stage.
Paglabas ko, bumungad sa akin ang mga lalakeng nakaupo sa paligid na tila nanonood lamang ng kanilang paboritong laro. Damang-dama ko ang kanilang mapanghusgang mga mata na sumusuri sa akin mula ulo hanggang paa, mga matang puno ng pagnanasa at panganib na nakakahilakbot titigan.
Inilibot ko ang aking paningin at napahinto ako sa itaas na bahagi ng silid. Naramdaman ko na mayroong matalas na nakamasid sa akin mula roon, dahilan upang kilabutan ako at manginig ang aking buong katawan.
Agad kong iniwas ang aking paningin at itinuon na lamang ang atensyon sa naglalakasang boses sa harap ko.
“This girl is new and fresh,” panimula ng lalaking may hawak ng mic, habang nakatutok ang spotlight sa akin.
“So, the bid starts at 50 million!” sunod na anunsyo nito.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Para bang isa lamang akong hamak na gamit na ibinebenta sa palengke at kahit sino ay may karapatang bumili sa akin.
Napaatras ako sa sobrang panginig, ngunit napahinto rin dahil may mga guwardiyang nakabantay sa aking likuran.
Napaiyak na lamang ako sa gitna ng stage. Isang tahimik na paghagulgol kung saan tanging ang pagtulo ng mga luha ko ang makikita, walang boses na lumalabas dahil sa sobrang pait ng aking nararamdaman.
Nagpatuloy ang sigawan sa harap at isa-isang nagtaas ng kamay ang mga lalakeng nasa madilim na bahagi ng silid. May nag-alok ng 100 million, hanggang sa mas lalo pa itong tumaas at uminit.
Ngunit biglang natahimik ang lahat nang may narinig kaming isang napakalalim at baritonong boses na nanggaling sa itaas.
“10 billion...”
Awtomatikong napatingin ang lahat, kabilang ako, sa madilim na bahagi ng itaas na palapag. Itinuon ko ang aking paningin sa isang malaking glass wall. Doon ay may anino ng isang matangkad na lalaking nakatayo. Hindi klaro ang kanyang mukha dahil sa kadiliman, ngunit ang kanyang presensya ay tila sumasakop sa buong silid.
Habang tinititigan ko ang aninong iyon, pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo. Ramdam na ramdam ko ang kanyang dark aura na tila isang malamig na hanging humahaplos sa aking balat.
Ang bawat hibla ng aking balahibo ay tumayo sa sobrang kilabot; para siyang isang maninila na nakatingin sa kanyang biktima. Napahinto ako sa paghinga dahil sa sobrang lamig at bigat ng kanyang tingin, kaya dali-dali akong umiwas.
Bakas pa rin ang tensyon sa aking dibdib dahil ramdam ko pa rin ang titig niya na tila binubutas ang aking pagkatao. Higit akong nabalisa at hindi na mapakali. Sinubukan ko na lang itoon ang aking sarili sa kaguluhan sa paligid.
May gusto pa sanang magtaas ng kamay para humabol sa presyo, ngunit tila napipi ang lahat nang muling magsalita ang misteryosong tao sa itaas.
“500 billion...”
Maraming napa singhap ang umalingawngaw sa loob ng auction room. Walang sinuman ang nakapagsalita dahil sa astronomical na halagang binitawan nito. Nang matapos ang transaksyon, muli akong hinawakan ng dalawang lalake at sapilitang ibinaba ng stage. Tinahak namin ang isang pribadong daan patungo sa silid kung saan nakatayo ang lalake kanina.
Lalong bumilis ang t***k ng aking dibdib at parang lalabas na ito sa aking katawan dahil sa sobrang kaba. Pagdating namin sa isang marangyang pinto, dahan-dahan itong bumukas. Ang bawat segundo ng pagbukas nito ay tila habambuhay sa bagal.
Doon ay tumambad sa akin ang isang napakatangkad at makisig na lalake. Ang kanyang anyo ay puno ng kapangyarihan at awtoridad.
Nakatingin siya nang diretso sa aking mga mata, tila ba sinisuri ang bawat anggulo ng aking mukha at pagkatao. Sa bawat segundong lumilipas na nakatitig siya sa akin, lalong lumalamig ang paligid at lalong nagiging mapanganib ang hangin sa pagitan naming dalawa. Tila ba ngayon pa lamang magsisimula ang tunay na laro.