01 Isang Pabor

805 Words
***Julian's POV*** Napakatahimik ng unibersidad. Ganito ang gusto ko—walang mga pasaway na undergrad, ako lang at ang katahimikan ng classroom ko. Nakasandal ako habang tinititigan ang tumpok ng mga quiz na hindi pa nache-check-an nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Tumingala ako, at hindi lang basta bumilis ang t***k ng puso ko—nagwala ito. Pero nanatili akong kalmado suot ang blankong ekspresyon. "Sarado na ang unibersidad, Michaela," sabi ko, pero hindi ko naitago ang pait sa boses ko. "Hindi ba dapat nasa kabilang dako ka na ng mundo at nagpapakasarap sa buhay." Nakatayo doon si Michaela, kamukhang-kamukha ng babaeng sumira sa akin dalawampung taon na ang nakalipas. At rin ang babaeng kinama ko sa apartment ko noong nakaraang buwan nung bumisita sya nang sandali sa probinsya Mukha siyang mas mature, mas marangya, pero ang mga mata niya? Ganoon pa rin. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya, sinusundan ang bawat kurba niya sa suot niyang bestida. Kahit ngayon, pagkatapos niya akong iwan para sa ibang lalaki at gawin lang akong kabit niya sa loob ng maraming taon, madumi pa rin ang takbo ng utak ko. I wanted to throw her against the desk just to see if she still tasted like a mistake. "You don't change, do you? Still the same Julian whenever I visit the town," sabi niya habang humahakbang papasok. Tiningnan niya ang paligid ng classroom ko nang may pilit na ngiti. "Still stuck in this small space... in this small town." Sumandal ako paharap at pinagsalikop ang mga kamay ko sa ibabaw ng lamesa. "Anong kailangan mo?" Lumapit siya lalo, sapat na para makita ko ang mga wrinkles gilid ng mga mata niya, pruweba kung gaano na kami katanda pero pinaglalaruan pa rin ang feelings ng isa't isa. "Kumusta ka na? Yung totoo?" "Better before you walked in," pagsisinungaling ko. Binantayan ko ang bawat paggalaw ng leeg niya nang lumunok siya. "Diretsuhin mo na kung anong kaylangan mo. Busy pa 'ko." Michaela sighed, leaning against the edge of my desk. A move she knew damn well will frustrate me. "I’m moving back. Well, I’m sending someone here. My daughter, Samantha." Ang anak ng lalaking ipinalit niya sa akin dalawampung taon na ang nakalipas. Napakunot ang noo ko. "Anong kinalaman ko sa rebelde mong anak?" "Nineteen years old na s'ya, Julian at isa siyang sakit sa ulo sa amin ng papa n'ya. Tatlong private college na ang nag-expel sa kanya sa loob ng dalawang taon. This... this school is the only place left that I think will teach her a lesson, and other universities are refusing to have her." "Uulitin ko," mas mariin ang boses ko, "hindi ko na problema ang anak mo. We only f**k, nothing more." "Gawin mong problema mo!" pakiusap niya, sabay hawak sa braso ko. Umiwas ako bago pa man dumapo ang mga daliri niya. "Sutil siya. Naghahanap palagi ng gulo. Kailangan niya ng taong hindi uubra ang mga ka-dramahan niya. Isang taong hindi niya kayang paikutin." Napatawa ako, hindi makapaniwala. "Gusto mong maging babysitter ako ng anak mo?" "Gusto kong bantayan mo siya. Disiplinahin mo. Kapag na-kick out siya sa program mo, tuluyan na siyang itatakwil ng tatay niya. Sige na... kahit para sa akin na lang." Tinitigan ko siya. Ramdam ko ang pait sa dibdib ko. Humihingi siya ng pabor pagkatapos niya akong ipagpalit at gawing kabit niya? But then, my mind flashed to a different image. Michaela’s daughter. Kung tatanggapin ko 'to, mapupunta sa ilalim ng mga palad ko ang tanging bagay na mahalaga sa kaniya. "Sutil siya, Julian," babala niya, humina ang boses niya. "Hindi siya katulad ko na tinatakbuhan yung mga problema. Si Samantha... palaban siya. Susubukan ka niyang galitin. Sisirain ka niya dahil lang kaya niya." Tumayo ako, lalong naging dominante ang tindig ko sa harap niya. Tinitigan ko siya pababa, iniisip kung anon ang gagawin ko sa kanya dahil lang sa pangangahas niyang magpapakita sa harap ko. "Ipadala mo siya rito," sabi ko. "But don't come crying to me when she finds out I don't play by the rules." Mukhang nakahinga siya nang maluwag—’yun ang unang pagkakamali niya. Lumapit siya lalo, hinawakan ang kuwelyo ng suot ko, tila nanghahamon. "Salamat, Julian. Alam ko namang... maaasahan ka pa rin. You've always been there for me." "Alam mo naman kung ano lang ang kaylangan ko," saad ko sabay hablot sa baywang niya para idikit siya sa akin. Binuhat ko siya at pinatong sa ibabaw ng desk, tinataboy ang mga papel sa lamesa sa gilid habang sinasakop ang espasyo niya. Habang itinataas ko ang bestida niya at hinahawi ang suot niyang panty, kasabay ng pagtanggal niya ng sinturon ko, ang nasa isip ko na ay ang anak na ipapaubaya niya sa akin. At kung gaano kalaki ang magiging kabayaran ng batang ’yun para sa mga kasalanan ng nanay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD