CHAPTER TWO

1090 Words
DAHIL sa sobrang pag-iisip ni Mayumi ay hindi niya napansin ang may kalakihang bato kung kaya bigla siyang natapilok mabuti nalang at naging maagap si Luke sa pagsalo sa kanya. Napayakap si Mayumi sa katawan ni Luke. Napangiwi siya sa sakit. Kung hindi ito naging maagap ay baka nawala siya ng balanse at tuluyang nabuwal. Agad siya nitong binaba at pinaupo sa buhanginan. Walang pandidiring inalis ni Luke ang sandals na suot niya at hinilot ang kanyang paa. Kahit nasasaktan siya sa ginagawa nito ay hindi maiwasan ni Mayumi ang pagmasdan si Luke. Napakaamo ng mukha ni Luke. Ang mga mga nito ay tila hinihigop ang kanyang buong pagkatao. Nagtama ang mga mata nila ni Luke ng mag-angat ito ng tingin. Nahuli siya nitong pinagmamasdan ito. Umiwas siya ng tingin. Hiyang-hiya siya sa lalaki. Nakakalokong ngumiti si Luke kay Mayumi. "I suppose it won't hurt." He chuckled at her. Her face got very crimson. She abruptly pulled her right leg from the man's hold. “Subukan mo kayang matapilok at sabihin mo sa akin na hindi masakit?” naiinis niyang sagot upang hindi lang mapahiya. “Ayan ka na naman, highblood ka na naman. Nakakapanget ‘yan,” pang-aasar pa sa kanya ni Luke. Inirapan niya ang lalaki. Inalalayan siya nitong tumayo. “Kaya mo ba?” tanong pa ni Luke sa kanya nang subukan niyang ihakbang ang paa. Sasagot pa sana siya nang bigla siya nitong binuhat. Napatili siya sa ginawa nito. “Ibaba mo ako!” hindi mo mapigilang sigaw ni Mayumi. “Baka mamaga pa yang paa mo kapag ipinilit mong ilakad. Dadalhin na kita sa hotel room mo.” “Pero hindi mo ako kailangang buhatin,” Malakas ang boses na wika niya. “Kapag hindi ka tumigil, tiyak na hindi lang paa ang sasakit sa’yo kundi pati ang buong katawan mo. Hu’wag ng matigas ang ulo,” saway sa kanya ni Luke kaya hindi na lang siya kumibo. Pinagtitinginan tuloy sila ng mga nakakasalubong nila. Mababasa mo sa mga mata nang makakakita sa kanila ang paghanga. Siguro iniisip nilang may relasyon sila ni Luke. Wala pa rin siyang kibo hanggang sa makarating sila sa room niya. Dinala siya nito sa kama at dahan-dahang binaba. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na para silang honeymooners. Hindi na siya tumutol nang kumuha si Luke ng towel at nilagyan iyon ng ice, pagkatapos ay dinantay sa kanyang paa. Hindi pa rin siya makaget-over sa ginawang pagbuhat nito sa kanya. Ang totoo hindi naman ganun kasakit ang pagkakatapilok niya, kaya niya pa ring maglakad kung hahayaan lang siya ni Luke pero tila hindi ito papatalo sa katigasan ng ulo niya, gayong hindi niya naman ito ganun kakilala. “Pwede mo na akong iwan. I can take care of myself,” pagtataboy niya sa lalaki. “Wala naman akong gagawin,” sagot nito kaya pinandilatan niya ng mata ang lalaki. Tila wala itong balak na umalis. Tatarayan niya pa sana ito ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Ang kanyang ama ang nasa kabilang linya at sinasabi nito na hindi siya masasabayang kumain. Nagpatawag raw kasi ng meeting ang may-ari ng hotel. Napabuntong-hininga nalang siya pagkatapos magpaalam sa kanya ng ama. “What?” tila nag-aabang na tanong sa kanya ni Luke. “Hindi tuloy ang dinner namin. May biglaang meeting raw,” sagot niya sa lalaki. “Good.” “What?” “Sabi ko mabuti naman at nang masolo kita,” paglilinaw ni Luke sa kanya. Hindi niya alam kung kikiligin siya sa mga banat nito. Banat ng mga babaero. “Excuse me?” pagtataray niya. “May magagalit ba?” tanong sa kanya ni Luke. Hindi malaman ni Mayumi ang sarili kung bakit siya umiling sa tanong nito. Na bato-balani yata siya sa karisma ng lalaki. “Good,” nakangiting dagdag pa ni Luke nang malaman ang sagot niya. Kulang nalang ay batukan niya ang sarili. Nagiging sunod-sunuran kasi siya sa lalaki. Akala ni Mayumi ay aalis na si Luke iyon pala ay nag-order lang ito ng makakain nila. Hindi na ito nagyaya pang kumain sila sa labas dahil hinanda na lamang nito ang pagkain na inorder nito sa mesa. Hindi niya alam kung ano ba ang habol sa kanya ni Luke. Bigla-bigla ay para itong ulirang nobyo sa kanya. Walang tigil sa pagkwento si Luke. Kung ano-ano ang mga sinasabi nito na wala namna siyang naintindihan. Isa lang ang tumatak sa kanyang isip sa dami ng sinabi ng lalaki. Wala raw itong nobyo. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sumaya ang kanyang puso ng malaman na single ito. Palagay na palagay ang loob ni Luke sa kanya at kahit anong pagtataray niya ay wala iyong epekto sa lalaki. “Tapos ka ng kumain?” tanong sa kanya ng lalaki dahil halos hindi niya ginagalaw ang pagkain. “May iba ka bang gusto? Mag-oorder ako,” nakangiti nitong wika sa kanya. “Busog na ako. Busog na ako sa kadaldalan mo,” kulang na lang ay idagdag niya ang nasa isip. Huminga siya ng malalim. “Bakit mo ba ginagawa ito? Kilala mo ba ako, Luke?” hindi niya mapigilang tanong sa lalaki kaya napatitig ito sa kanya. “Hindi kita kilala Mayumi pero ang puso ko ay komportable na ikaw ang kasama ko ngayon. Hindi ko nga rin alam kung bakit pero sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nagkaganito sa isang babae. Hindi ako mapalagay,” wika pa nito sa kanya. “At sa tingin mo naman ay maniniwala ako?” nakaangat ang kilay niyang tanong. “Hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi maisip na interesado ka sa akin hindi ba?” tanong niya pa. Napansin niyang namula ang mukha ni Luke. “I think so----siguro nga interesado ako sayo, Mayumi. Gusto kitang makilala.” “Ibahin mo ako sa mga babaeng nasa listahan mo Luke. Hindi ako naglalaro ng apoy,” prangka niyang wika sa lalaki kaya natawa ito. “Alam ko naman yun at nirerespeto kita. Hindi ako magta-take advantage sa’yo. Pangako. Ang gusto ko lang ay kilalanin mo sana ako, Mayumi. Pinapangako ko sayo na hindi ka magsisisi na maging kaibigan ako,” seryoso pang wika sa kanya ni Luke. Kahit nag-aalangan ay walang magawa si Mayumi kundi ang tanggapin ang inaalok na pagkakaibigan ni Luke. Mukha naman itong harmless at maalaga. Sa halip na lumabas at mamasyal ay sinamahan siya ni Luke na manood na lamang ang movies sa loob ng kwarto. Okay naman ka-bonding ang lalaki. Ang totoo nga niyan ay kinikilig siya sa tuwing na magtatama ang kanilang mga mata.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD