Naglalakad ako pauwi sa aming mansyon dahil nasira ang makina ng sasakyan ko. Medyo madilim na rin sa daan kaya binilisan ko ang paglakad—o sabihin na nating tumakbo ako. Ngunit habang tumatakbo, may nakasalubong akong aso. Dahan-dahan akong naglakad, pero bigla na lamang akong hinabol! Tumakbo ako siyempre at nagtago sa likod ng mga puno. Tapos, biglang tumawag si Tatay, at oo, nahanap ako ng aso at hinabol ulit hanggang sa makarating ako sa mansyon. Buti na lang wala na ang aso at nakita ko si Tatay na nakatingin mula sa bintana ng kanyang opisina. Dali-dali akong pumasok dahil alam kong galit siya at mapapagalitan ako. Pagkapasok ko, tinawag niya ako sa kanyang opisina. Siyempre, pumunta ako, natatakot dahil mapapagalitan nanaman ako.
(Sera's POV)
"Patay, mapapagalitan nanaman ako nito. Buwisit kasi yung aso, hinabol pa ako."
"Hi Tay, good morning este good evening po." Sabi ko na may kasabay na ngiti.
"Umupo ka at mag-usap tayo." Sabi niya habang ako ay natatakot.
(Sera's POV)
"Eto na! Patay... Parang naiihi ako."
"May sasabihin ako sa iyo." Sabi niya habang umiinom.
"A-ano po iyon?" Takot na sinabi ko.
"Mag-aaral ka sa isang university." Seryosong sinabi niya.
(Sera's POV)
"University? Ano kayang university iyon?"
"Anong university, Tay?" Tanong ko.
"Isang university para sa mga agents, pero kailangan may kasama kang mag-eenrol doon at apat lang ang dapat ninyong piliin." Sabi niya habang nagbabasa.
(Sera's POV)
"Sakto, puwede sina Olivia."
"Opo, pero kailan po kami pupunta doon?" Tanong ko.
"Next week, Sunday." Sagot niya.
"Sige po, pupunta na po kami doon." Sabi ko habang tumatalikod.
"Pero, karamihan sa mga kaklase ninyo ay lalaki." Sabi niya habang nakatalikod ako.
"L-lalaki?! Lahat?!" Sabi ko.
"Oo, kaya pumunta kana." Sinabi niya.
(Sera's POV)
"Tang-ina! Mga lalaki pa pala!"
"O-opo Tay, pupunta na po ako doon." Sabi ko na may kaunting ngiti.
Pagkatapos naming mag-usap, pumunta na ako agad sa kwarto pero pumunta muna ako sa banyo dahil kanina pa ako naiihi. Kinabukasan, pumunta ako agad sa eskwelahan. Bago ako umalis, sinabi ni Tatay na papuntahin daw sina Olivia sa bahay after class. Pagkatapos, umalis na rin ako. Pagdating ko, hinanap ko agad sila Olivia. Buti nahanap ko sila sa laboratory room.
"Good morning girls!"
"Good morning Sera, kamusta?" Sabi ni Navi.
"Okay lang naman. Oo nga pala, punta daw kayo sa bahay sabi ni Tatay." Sabi ko sa kanila.
"Kami? Lahat?" Tanong ni Peny.
"Oo daw. Bingi ka ba? Sinabi ngang 'kayo,' ibig sabihin tayong lahat." Sabi ni Flora sabay tawa ni Olivia.
"(Chuckles) Oo, sige mamaya, after class." Sabi ni Olivia.
(Bell rings)
"Mamaya na kayo magchismisan. Pumasok na muna tayo sa klase, baka malate pa tayo." Sabi ni Navi habang kinukuha ang kanyang gamit.
At pumasok na nga kami sa first period of class.
(After last period. Bell rings)
"Girls, let's go. Punta na tayo sa bahay, baka hinihintay na tayo ni Tatay." Sabi ko sa kanila.
"Oo na oo na... wait lang, hindi ko mahanap yung kabilang sapatos ko... ay, ayun pala. Hoy! Sandali!" Sabi ni Flora.
Pagdating namin, pumunta kami agad sa opisina ni Tatay. (Opening the door)
"Hi Dad, andito na po sila." Sabi ko sa kanya.
"Sige, papasukin mo na sila." Sabi ni Tatay.
"Opo." Sagot ko.
"Pasok na daw kayo." Sabi ko kina Olivia.
Pagkapasok nila, naghintay ako saglit. Pagkalabas nila, tinanong ko sila.
"Ano daw?" Tanong ko sa kanila.
"So, tinanong niya kung papayag ba kami na mag-aral doon sa university." Sabi ni Navi.
"Tapos, pumayag kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Of course, why not." Sagot ni Peny.
(Night before Sunday)
(Having a video call with friends)
"Hi girls, good evening." Sinabi ko na may ngiti.
"Good evening din." Sabi ni Olivia.
"Ready na ba kayo for tomorrow?" Tanong ko sa kanila.
"Yes!" Sabi ng lahat.
"BTW, Father said magkita-kita na lang daw tayo sa airport." Sinabi ko sa kanila.
"Okay, sasabihin ko na kay Nanay." Sabi ni Flora.
"Me too." Sinabi rin ni Peny.
"Okay, good night everyone." Sabi ko.
"Goodnight." Sinabi rin nila.
Kinabukasan, gumising ako ng maaga para maghanda para sa flight, at pagkatapos umalis na rin kami ni Tatay. Habang nasa sasakyan kami papunta sa airport, tinanong ko si Tatay.
"Tay, saan pala located ang university na iyan?" Tanong ko.
"Sa New York." Sagot niya.
"Then, saan kami titira?" Tanong ko.
"Doon muna kayo sa bahay natin noon, at nandoon din sina Amber." Sagot niya.
(Sera's POV)
"Amber? Yung dating niyang ex?"
"Opo." Sabi ko sa kanya.
Pagdating namin, nandoon na rin sina Olivia at ang iba, at bumaba na rin kami. Pagkababa namin, sumakay na kami agad sa eroplano.
"Mag-ingat kayo." Sabi ni Tatay.
"Opo." Sabi ko sa kanya.
At umalis na rin kami papunta New York.
"New York, here we come!" Sabi ko sa sarili.
...