"Wala talagang mas tatalo sa karisma mo! Look at you... Hanep ang alindog mo, bruha ka! Marami na namang maloloko sayo! "
As usual, puring-puri na naman ang overall look niya ng floor manager ng bigating bar. Dito ang bagong sideline ni Sue, s***h hunting ground. Yes, She's such like a hunter. Specifically, a former Red Clan member. Layunin ng grupong Red Clan na tugisin at patayin ang mga halimaw. Anong klaseng halimaw? Sabihin na nating iyong nakakatakot at nakakapinsala sa iba tuwing bilog ang buwan. Aswang... Taong Lobo... Or pwedeng mababangis na taong nag-aasal hayop.
Pagkatok iyon ng assistant ni Madam. She made an arrangement na kailangan bukod ang dressing room niya at solo lang niya ang buong kwarto. Si Madam lang din ang taong nakakakita sa mukha niya. Mabuti naman at madaling kausap ito. Dahil gaya niya, isang tiwalag rin ito sa Red Clan na mas piniling humakot na lang ng pera kaysa ang makipagsagupaan sa mga halimaw na hindi napapansin ng mga karaniwang tao.
At siya? Isang libangan na lang ang gamitin kung minsan ang pagiging Red Clan niya. She's setting herself free from that group. Dahil lahat naman ng pinagkatiwalaan niya, ay ginamit lang siya at ang kakayahan niya.
She made herself ready. Sinuot ang kumikinang-kinang na maskara ni Ruby. Its a combination of red and white sequences. Pinares niya ang bright red lipstick na palagi niyang dala. Sinipat ang buong sarili sa salamin. Oops.. May kulang... Tumalikod siya at kinuha ang nakabilog na pisi. Hindi ito basta pisi lang. Ito ang partner in crime niya lagi tuwing hunting time.
Sinukbit at tinago ang pisi sa gilid ng mini skirt niya. Muling sinipat ang buong hitsura sa salamin. Perfect! You're such a slayer, Ruby...
Her name was called. Lumabas na siya. Nakangiti siyang sinalubong ni Madam bago makaakyat sa stage.
"Basta kung meron ka mang makita, huwag dito," hindi iyon isang reminder kundi utos. Palaging utos na laging pinaiintindi sa kanya. Ang tinutukoy nito ay kung sakaling may makita siyang halimaw sa anyo nitong tao, huwag niyang lantarang guluhin ang show.
"Ako pa ba? Usual, I'll make it clear and clean."
Nasa gitna na siya ng stage. Himas-himas ang malamig niyang kapartner, ang pole. Yeah, she's a pole dancer. Ito naman lagi ang raket niya once every week. At iba-ibang bars and night party ang pinapasukan niya. Basta may basbas ni Madam, go siya. Sayang din naman ang kikitain.
Bawat lalaki ay kitang-kita niya ang mga reaksyon. Karamihan, pagnanasa... Meron pang bumabanggit sa pangalan niya. Merong hinuhubaran na siya sa sobrang pagtitig. Kailangan niyang pakiramdaman ng mabuti... Sa mga ganitong lugar naglalagi ang mga halimaw, naghahanap ng mabibiktima.
Doon s pinakadulong table, napukol ang atensyon niya. High prospect. Both men were actually staring at her with lust and hunger... Kahit na nasa dulo ang mga ito ay amoy na amoy niya ang mga dugo nito. Purong mga halimaw ang dumadaloy sa mga litid. Masangsang, amoy patay na hayop.
She started to walk down from the stage. Malumanay ang pag-indak ng balakang niya papunta sa dalawang lalaki roon. Nakabuo na siya ng linya niya kung papaano maaakit ang dalawang iyon mamaya. Well, kung dalawa kagad ang tutuhugin niya dapat niyang mas landian. Aayain niya ang mg ito na makipag-threesome. Habang lumalapit siya ay mas lumalakas ang amoy ng mga ito. Sa tindi niyon parang gusto na niyang pagsasasaksakin ang mga lalamunan nito. Hanggang sa nagulat siya ng may biglang humila sa kamay niya ng hindi niya inaasahan. Napakandong pa siya sa kandungan ng kung sinong lalaking ito!
Ikinagulat niya ng matitigan kung sino iyon. "Klas?"
Si Klas nga ba 'to? Sobrang masculine nito... Saka... Bakit parang?
Bigla siyang tumayo. Dahil naramdaman niya ang hardness consistency ng p*********i nitong nasa ilalim lang ng kaniyang mga hita.
Gulat na gulat si Sue. Lalo nang mas matitigan niya ito, he's face and smile was so alluring. Hindi niya mapigilang mapahanga dito. Lalo't parang nagpasex change na pala ang loko?! Si Klastina na kilala niya ay isa na bang ganap na lalaki?
Inabot nito ang mga kamay niya. Pero napahinto si Sue sa kinaroroonan ng mga prospect niya sana ngayong gabi. Wala na ang mga iyon doon. Hinagilap niya kung saan. Napansin na lang niya na nasa pintuan na ang dalawa at nakaangil sa kanya. Nagtaka siya. Kaagad niyang kinapa ang gilid ng mini skirt. Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon ng mga iyon, lumitaw ng kaunti ang pisi. Nagmamadali ng kumaripas ang dalawang halimaw sakay ng mga motor nila.
Malas! Akala pa naman niya magiging exciting ang gabing ito, lalot dalawa sana ang mapaglalaruan niya. Thanks to this hunting wrecker Klas!
Dito na lang niya babawiin ang kalandian. Umupo siya ulit paharap sa kandungan nito. Kaunti niyang niliyad ang katawan at binulungan ang mga tenga nito.
"Ginulat mo ko, Is your c**k real?" At matamis na ngiti ang pinakawalan niya sa tomboy.
"Of course it is, honey. Wanna see it? " nakakalokong sagot pa nito.
"Oh sige mamaya, sa bahay."
At matapos niyon ay tumayo na siya sa kandungan nito. Paindayog na bumalik sa pole. Mula sa stage ay si Klas pa din ang tinititigan niya. Hindi siya makapaniwala sa transformation nito. Kaya pala halos limang buwan itong hindi umuuwi sa bahay. Nagpasex change na at nagpalaki ng katawan! She didn't expect something like this will happen to her friend. But still, merong iba dito. Ang mga mata nito at ang bibig nito... Those were very attractive. Nagpa-plastic surgery din ba sya?
***
He was really in heat. Kaya nga hindi na niya napigilan ang sarili at hinatak na niya si Ruby papuntang kandungan niya. Si Ruby na lalong nagpapa-init sa pakiramdam niya. He needed to behave. Nakakangiti siya sa babae, but deep inside his monster nature is crumbling.
Kanina pa siya narito sa bar. Unang bar sa malayong probinsya ng Verialis. Lahat napanood niya ang mga nagperform. Pero iba ang dating nitong si Ruby. She really affects every man in here. Lalong lalo na ng dalawang lalaki sa pinakadulo. Sumasakit ang ilong at ulo niya sa tapang ng mga dugo. Still he strongly controlled it. Kaya pa naman niyanh tiisin. Yayariin niya na lang ang mga ito mamaya.
Mukha kasing nakahanap ng hapunan ang dalawang siraulo ng makita si Ruby. But not tonight... Mas kailangan niya si Ruby ngayong gabi. And Ruby knows how hard he was.
Pero ano ang binaggit nito kanina? Klas? Nevermind that.
Marcus, BADLY want her NOW. He is in NEED to have something like her bago pa siya tuluyang lamunin na naman ng buwan at gawing halimaw ng sakit niya. Nilingon niya ang dalawang halimaw sa likuran. Nakakapagtakang wala na ang mga hunghang. Mabuti naman kung ganoon. Hindi na pala niya kailangan makipag-agawan. Masosolo niya si Ruby.