12: He Got Me

994 Words
Naudlot nga lang iyon nang biglang bumukas ang pinto kaya pareho silang napatingin roon. Si Joshua ang nakita nila. Tinanggal ang hidden camera na nakatago sa isang furniture. Pabagsak na hinagis ang tablet sa sofa. "Sayo na yan. Break na tayo." Sinabi nito kay Sue. At Bumaling kay Marcus. "Tandaan mo ang araw na to, Dakilang Mang-a-agaw." Saka padabog na sinarado ang pinto. Sumilay ang ngiti kay Marcus. Pero hindi nya naiwasan nang tuhuran siya ni Sue. Yes, she undoubtedly kicked his precious pole. "Sorry din. Hindi ko din mapigilang saktan yan!" Kinuha muna ni Sue ang tablet at camera bago siya nito iniwan at nagkulong sa kuwarto. Ganoon pa man. Effective ang plano niya. Break na sila. Naka-score pa siya. Ngayon alam na niya. Pakipot lang talaga si Sue, gusto rin siya nito. Halata naman! *** "O madam? Kamusta?" pagsagot ni Sue sa phone call. Matagal-tagal na din niyang hindi nakikita ito. Noong isang araw ay pinaalam na niyang pwede na ulit siyang bumalik sa sideline nito sa bar. Malamang na ang pagtawag nito ngayon ay nangangahulugang mayroon na namang gumagambala sa paligid. Mga lintik na halimaw. Hiling niya na sana isa sa mga araw na ito ay maka-engkwentro niya ulit ang kakaibang halimaw na may mga gintong kuko. "Maayos naman ang mga clubs. At dahil iyon sa'yo at sa husay mo, girl! Ikaw? Ano namang pinagkakaabalahan mo ngayon?" Sa tono ni Madam ay nasa good mood ito. Kaya naman napagkakamalang bata-bata pa, pero ang totoo ay nasa 30s na siya. Palaayos lang talaga ito at may hubog ang katawan. Siguro ganoon talaga, kahit tiwalag na sa clan ay maintain pa rin ang magandang figure. "Ibig sabihin ba nito ay kukumustahin mo lang pala ako?" may pagkadismaya sa tono niya. "Syempre naman!" depensa ni Madam sa kabilang linya. "Aba malay ko ba kung na-tsugi ka na pala? Ikaw naman, normal lang naman ang magkamustahan no!" "Okay lang naman ako. Alam mo namang kayang kaya ko ang sarili ko." "Dapat lang! Nga pala, mero ka pa bang nakakausap na ka-clan natin? NOON?" Ang tinutukoy nito ay ang mismong Red Clan nila. "Wala na. Ikaw lang naman ang nakakausap ko. Bakit? May problema ba?" "Ah.. Wala naman. Basta kung mayroon kang makilala o makita na gaya natin, tiwalag man o hindi , ipaalam mo kagad sa'kin." "Bakit? Anong kailangan mo sa kanila?" usisa niya. Hindi ordinaryo ang pinapagawa nito. Lalo't maiilap ang ibang mga babaeng kilala niya na kaanib sa clan. "Sasabihin ko din sa'yo, pero saka na kung may madadala ka sakin na taga-clan natin." Matapos niyon ay nagpaalam na kaagad si Madam. Hindi naman siya nangako. Pero kung meron man, na parang napaka-imposible na may makilala pa nga siyang taga-Red, kailangan niya ding malaman ang intensyon nito. Kinuha ni Sue ang tablet, iyong ibinigay na ni Joshua sa kanya noong isang araw. Naudlot nga lang ang panonood niya dahil tumawag si Madam. Inayos niya ang pag-upo sa kama. Naka-dekwatro niyang pinosisyon ang mga binti. Bahagyang ipinatong ang isang paa sa side table. Sa gawing gilid at dulo na kama niya siya nakaupo. Hindi niya pinansin ang basong naroon. Mamaya na lang niya iyon ilalabas sa kusina. Sakto ang paglabas ni Marcus. Bagong ligo ito. Kita niya yun sa tablet screen. Oo, si Marcus nga ang pinanonood nya. Live. Nakaharap ang lalaki sa kanya. Nakatapis lang ang pang ibaba nito. Samantalang hindi naman niya ma-i-alis ang mga tingin sa maskuladong dibdib at mga braso nito. Kumuha pa iyon ng isang towel para punasan ang basang buhok. Napalunok siya ng masilayan ang hubog ng lalaki. Hindi niya maitatanggi ang kakisigan ni Marcus. Idagdag pa ang guwapong mukha nito. Papalapit sa kanya. Nakatitig... Nanlaki ang mga mata niya. Para kasing nakikipagtitigan ito sa screen. Pero ilang saglit lang ay nagfocus na ang screen sa balikat nito. Mukhang may kinuha lang. Maya-maya'y full screen na naman niyang nakikita ang kabuuan ni Marcus. Kumuha pala ito ng undies. At hindi nga niya naihanda ang sarili nang nahubad na pala ang tapis nito sa ibaba. Kaya naman nakita niya ang matayog na p*********i nito. Pero hindi sinasadyang natabig ng paa niya ang ilang libro na nasa side table. Dahilan kaya nasagi din ang baso na nandoon din sa mesa. At dahil tiled flooring ang kwarto, dinig na dinig ang pagkabasag niyon. Saka namang pagbukas din ng pinto ng kuwarto niya. Bumungad nga kaagad si Marcus na nakatapis lang. Ulit. "Dyan ka lang, ako ng bahala." utos ng lalaki. Sakto at mayroong walis itong nakita sa likod ng pinto niya. Actually, pangalawa na ito na may nabasag na naman siya sa magkasunod na araw. Yung una ay vase sa sala. Natabig naman iyon ng kamay niya. Dahil tutok na tutok siya sa nahahagip ng screen sa bahagyang bulto ni Marcus na naliligo, wala sa tuon na nakabig niya pala ang vase nang kinakapa ang cell phone sa cabinet table kung saan naroon din ang vase. But that time, siya na ang nagligpit. Hindi nga lang nakaligtas sa mga tainga ni Marcus ang insidente niyon. Heto nga mayroon na naman siyang nabasag. Nakatalikod si Marcus sa kanya. Umupo pa nga ang lalaki dahil may inaayos pa na kung ano. Napansin niyang hindi yata maayos ang pagkakatapis ng tuwalya nito. Dahil nakikita na niya ang kaunting guhit ng pwetan nito. Kaya naman hindi na talaga siya nakaimik. Nang tumayo na si Marcus, at humarap sa kanya, ayun nga at kusang natanggal ang tapis nito. Kaya naman napapikit siya kagad. Ipinaling ang ulo sa ibang direksyon, makaiwas lang. "Sige na, umalis ka na nga. Magbihis ka na dun," protesta niya sa lalaki. "Ang selan? Mukha namang wala na kong matatago. Nakita mo naman na to, tiyak. " Bhagyang binuka ni Sue ang isang mata. Wala pa ring tapis. Kaya pinikit niya ulit. "Ano bang sinasabi mu?" iritable niyang sagot. "Kunwari ka pa. Bistado na kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD