Sydney Lee Abala ang lahat dahil nag-umpisa na rin kaming kumilos para sa misyon namin. Habang nagbabasa ako ng newspaper ay lumapit sa akin si Klara. "Hindi pa ba nakakabalik yung pinadala mo?" tanong niya habang inilalapag ang isang tasa ng kape. Umiling ako at kinuha agad ang kape. "Medyo mahirap ang ibinigay kong misyon sa kanya kaya expected naman talaga na matatagalan yun," "Kung sabagay marami na rin ang nagbago sa blueprint na to at sa actual na lugar mismo," Tumango naman ako. "Malaki rin ang tulong ng blueprint na to kaya may initial na tayong plano pagpasok, ngayon ay ang paglabas na lang dahil alam kong bawat exit ng lugar na yun ay may nakabantay or worst." mahabang litantya ko. Napahilot na lang ako ng sintido. Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang pawis

