Sydney Lee "Damn... Damn!!!" I cursed loudly that it echoed in the stairs. Three minutes na lang at nasa 7th floor palang kami, hindi ko naman inaasahan na sobrang daming steps ang hagdan nila dito. "Ma'am kung takbuhin nalang po natin?" tanong ng driver ko na sumama na sa akin papunta dito sa taas. I scoffed. "Sa tingin mo ba hindi to takbo ang ginagawa ko?!" saad ko at binigay nalang ang buong lakas na umakyat ng hagdanan, I panic when I saw that its already 7:28 a.m. I swear pag hindi nagseryoso ang taong yun sa usapan namin ngayon, sisiguraduhin kong bobombahin ko ang base niya! Nang makita ko na ang sign na nasa 10th floor na ako ay hindi na ako nag-aksaya ng kahit segundo man at marahas kong binuksan nang pintuan. Hinihingal ako at sobrang nanginginig ang mga tuhod ko, I am

