You may listen to: If you're not the one LEI "Kamusta na po kayo?" Nakangiti kong bati kay mom at ibinaba ko iyong mga dala kong prutas para sa kaniya. Buti at nagkamalay din siya pagkatapos ng aksidente, wala masyadong naging damage, nagkataon lang na bumunggo sa pader ang sasakyan niya ng mawalan iyon ng preno. "Ayos lang ako. Salamat at dumalaw ka." Napangiti ako sa sinabi niya at kinuha iyong saging at binalatan para iaabot sa kaniya pero imbis na kuhanin iyon ay nagulat ako ng kamay ko ang hawakan niya. "Lei, ok na ba kayo ni Trevor?" "P-Po?" Hindi ko alam kung anong klaseng pagiging ok ba ang tanong niya at hindi ko rin alam kung talaga bang ok na kami ni Trevor. He's always there at my side pero hindi pa rin namin nalilinaw kung ano na ba kami o ano. Basta hindi ko pa masab

