TREVOR Masakit ang ulo ko ng umuwi ako ng bahay dahil sa puyat. Magdamag akong na sa puntod ni Evo at hinayaan na makapag isip. Hindi ko pwedeng itigil ang buhay ko. Kung may dapat man akong gawin ngayon siguro dapat itama ko lahat ng pagkakamali ko lalo na kay Lei. Alam kong marami akong pagkukulang sa kaniya at marami akong sakit na idinulot dito pero kailangan namin ang isa't isa ngayon. Hindi ko alam pero na isip ko kung buhay pa si Evo, isa lang ang gusto at parati niyang hiling sa akin. Naalagaan ko si Lei, ingatan ko ang mama niya and I want to do it for my son. "Manang si Lei?" Bungad ko kay manang ng makita ko itong nagdidilig ng halaman. "Ah sir, di ba po kayo ang asawa? Bakit sa akin niyo hinahanap si mam Lei?" Biglang sumama ang timpla ko sa naging sagot nito sa akin. Nag

