Zeke's Welcome to Palawan. Kakalabas pa lang namin sa airport pero si Amber parang lantang gulay na. Ayaw naman niyang magpabuhat kaya hinayaan ko na lang siyang sumandal sa'kin habang naglalakad kami. Nakapulupot ang isang braso niya sa braso ko habang nakadantay na halos ang katawan niya sa akin. Kulang na nga lang talagang buhatin ko itong cute kong girlfriend. Inaalalayan ko na lang siya hanggang makarating kami sa sasakyang nirentahan ko. "Amber, okay ka pa?" I led her to the backseat. She really looked drained. "Yeah..." she muttered. Hinawakan niya ang sentido at marahan iyong hinilot. "Just a little dizzy." Pinahiga ko na siya since kasya naman ang katawan niya. But I doubt na comfortable siya sa gano'ng position. She smiled weakly at me. I didn't know na ganito ang magiging

