Zeke's Huminto kami ni Amber sa isang pinto. Hindi iyon naka-lock at medyo nakaawang pa. Dahan-dahan akong sumilip at napaatras ng bahagya sa nakita sa loob. Tumingin ako kay Amber at tinakpan ang mga mata niya. "Behave, Amber, okay?" Tumango lang siya. Alam ko namang gusto niyang magtanong kung bakit pero mas pinili niyang manahimik na lang. Ayoko lang makita ni Amber ang nakita ko. Sa akin na lang 'yon. Dahan-dahan kaming pumasok habang takip pa rin ang mata niya at nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakaupo na ulit ng maayos si Vincent na parang walang nangyari. Tumingin ito sa akin at ngumiti. Tumango lang ako bago ibinaba ang kamay ko kay Amber. I held her hand, not really minding kung may tao man. Lumapit kami sa bed ni Monicka. "She's Monicka, one of my close friends." Pakil

