Zeke's "Ang aga-aga, Piattos na naman kinakain mo, Amber, ah." Kinusot ko ang mata ko. Ala-sais pa lang ng umaga pero maaga akong nagising nang maramdaman kong wala si Amber sa tabi ko. Lagi na kaming magkatabing matulog simula no'ng nalaman ko na mahal niya rin ako. Ayoko sana ng ganoong setting because I was scared to lose my control and do something inappropriate but she still insisted it. She said that she trust me a lot and that was enough para pigilan ang sarili ko. Sobra ang respeto ko sa kanya na kahit may pagkakataon na 'ko, kahit na pati siya bumibigay na, nagagawa pa rin naming tumigil. "But onion and sour cream tastes good." Patuloy pa rin ito sa pagkain. I sighed in defeat at umupo na sa tabi niya. Pinatayo ko siya para lang paupuin sa lap ko paharap sa akin. Kahit kailan

