Episode 1

1159 Words
ZYRA'S POV . . . Palabas ako ng Cr ng madatnan ko si auntie Sona na nagluluto ng agahan. "oh, bat nakaligo ka na, hindi ka pa nga nakapaglinis ng bahay at anong oras na" - sabi ni auntie Sona ng makalabas ako ng banyo. "Pasensya na po kayo Auntie matagal kasi akong nakatulog kagabi dahil sa pag gawa ko ng thesis" - sabi ko. "Wala akong paki alam sa thesis na iyan ang saakin ay dapat ginawa mo yung responsibilidad mo dito sa bahay"- sagot ni Auntie Sona "kung pwede po mamayang hapon ko na po gawin ang paglilinis po ng bahay. Maaga naman po ako makakauwi po mamaya dahil mag dedefense lang po kami sa ginagawa naming thesis" - sagot ko naman. "siguradohin mo lang na makapaglinis ka mamaya kung hindi alam mo na ang mangyayari" sagot naman ng auntie ko habang nakatalikod sakin. Palagi niyang sinasabi sakin na iuuwi daw nya ako sa probinsya, at ayaw ko naman iyon nangyari dahil gusto kong makapag tapos ng pag-aaral at alam ko na kapav nakauwi ako ng probinsya ay matigil ako sa pag aaral. Umalis ako ng bahay na walang laman at tiyan buti nalang ay may baon akong biscuit at tubig pantawid gutom. Suportado si tita Gina sa kin sya ang nag bibigay sakin ng allowance at mga kailangan ko sa school. Kaso nga lang ay nasa iisang tahanan kami ng Auntie ko. Simula pa nong navkolehiyo si tita ay dito na sya nakatira. Nakauwi na ako galing paaralan at nadatnan ko si tita na nasa tindahan nya. Oo may sari-sari store si tita na may kalakihan din pero nandito padin sa bahay ni auntie ito ipinatayo. "kumain si ka muna bago ka maglinis, alam kong hindi ka kumain kaninang umaga" - sabi ni tita sakin ng mahinahon nyang salita. Sumilip ako sa loob at. "wag kang mag alala umalis silang lahat, tsaka sinabihan lang ako ng auntie mo tungkol sa nangyari kanina" tita said. yumuko lang ako at umupo para maghubad ng sapatos. "pagpasenyahan mo na ang auntie mo ganun talaga yun, kung nakabukod lang tayo hindi ka sana mag sasuffer ng ganyan"- dagdag pa ni tita. Natapos na akong kumain at naghugas ako ng pinagkainain ko. Kumuha na ako ng gamit sa paglinis at nagsimula na sa paglilinis, kinuha ko yung cp ko para magpatogtog, ganun kasi ako maglinis para ganahan ako. Punas dito punas doon, marami kasing mga bagay sila dito like photo frame at mga pigurin may mga wine din na collection. Pag nakabasag sa isa nito ay di lang isang daan ang salita na lalabas sa bibig ng auntie ko. Malapit na nga akong matapos sa paglilinis ay nakarating na din sila, nag mop na nga ako sa sahig at ito ang huling routine ko sa paglilinis. Tatlong oras nga akong naglilinis ngayon. "agusin mo ang paglilinis yung wala akong makitang alikabog sa mga upuan at iba pang bagay jan.- bungad sakin agad ni auntie pagpasok nya ng bahay. Oo, pati upuan pinupunasan ko, sobrang tinik si auntie pagdating dito. Magliligpit na sana ako sa mga ginamit ko. "oh, nakarating lang ako ay natapos ka na sa paglilinis" sabi nya sakin. "opo, kanina pa po ako naglinis ng bahay, mga tatlong oras na po" - sagot naman sa kanya. "siguradohin mo lang na maayos ang pagkalinis mo niyan. Kinabukasan!!!!! Maagang nagbunganga si auntie dahil lang sa isang pagkakamali. "ano ba yan Zyra, palagi nalang ba akong mag bunganga sayo" Hindi lang ako umimik at pinipigilan ko na nga lang ang sarili ko. Hanggang sa sobrang sakit na nga yung po inagsasabi sakin. "sige po auntie, aalis nalang po ako dito sa mapapahay ninyo alam ko naman noong una palang ay hindi ako welcome dito" hindi ko na napigilan yung sarili ko at nasagot ko nga sya ng ganun. "basto talaga tong bata na to, sige umalis ka na dito ngayong araw na to" - sabi nya sakin habang papunt ako ng kwarto upang mag impake. Si Lord nalang bahala sakin kung saan nya ako dadalhin sa ngayon pupunta muna ako kila Briella habang maghahanap ako ng apartment. May ipon naman ako kunti dahil nag tatrabaho ako sa isang fastfood dahil bakasyon na nga namin. May tatlong buwan nga ako para makag trabaho. Nandito na nga ako sa bahay nila Briella at welcome naman ako dito. "Uyy be, anong nangyari sayo. Naglayas ka ba? Pasok ka muna" - Tanong sakin ng kaibigan ko. "be, mahabang kwento. Umalis kasi ako sa bahay dahil hindi ko na matiis si auntie, sobrang sakit na nya magsalita" - sagot ko naman sa kanya. "eh, ano naman sabi ng tita mo Gina mo? Wala ba syang nagawa? - sunod sunod nyang tanong sakin. "syempre wala talaga syang magagawa bahay nila auntie yun eh," - sabi ko kay sa kaibigan ko. "wait, tatawagin ko si mama sabihin ko na nandto ka" Tumango lang ako at agad naman niya tinawag sila tita Riza at Tito Nilo. "oh, iha nandito ka pala at dala dala mo pa yung mga gamit mo. Anong nangyari? - tanong sakin ni Tita Riza. "yun nga ma, umalis sya doon sa auntje nya dahil lang sa isang bagay o kamilian ni Zyra at ang dami na daw sinabing masasakit na salita, hindi lang daw ito ngayon nangyari. okay lang ba na dito muna sya matutulog ngayon gabi" - depensa ni Briella sa mama nya para payagan ako na dito muna matulog. "opo tita okay lang po ba, kakapalan ko na po yung mukha ko, bukas na bukas din ay maghahanap din po ako ng apartment na tutuloyan ko po" sabi ko sa kanila ni tita riza. "ayy oo naman iha, welcome na welcome ka dito, alam naman namin na isa ka sa pinaka malapit na kaibigan ng anak namkn simula noong Grade 9 pa kayo kaya anytime pwede ka dito sa bahay namin" - sabi naman ni tito Nilo sakin ng hindi nagdadalawang isip na payagan ako na dito muna mag palipas ng gabi. Sobrang mabait sila tita at tito sakin kaso minsan lang ako makakapunta dito dahil ayaw akong payagan ni auntie na gagala. "sige na, doon ka nalang matulog sa kwarto ni Briella, anak samahan mo na si Zyra dalhin ang gamit nya sa kwarto mo"- sambit ni tita naa nakangiti. "maraming salamat tito at tito"- sabi ko sa kanila ng sobrang saya. Kinaumagahan nga ay naligo na ako dahil sasamahan ako nila Briella at iba ko pang mga kaibigan. Lima kaming magkakaibigan simula noong Grades school kaso minsan nga lang kami makapag bonding dahil busy sa kanya kanyang buhay. "oh, mag almusal muna kayo bago kayo umalis. - iniyaya kami ni lola Nita na kumain ng almusal. Lola ito ni Briella. " sige po lola, thank you po sa pagluto"- sagot ni Briella. Halika dito Zyra maupo kana." yaya naman nito sakin. " salamat po lola Nita"- pasalamat ko sa lola ni Briella. "walang ano man iha" - sagot nya sakin ng nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD