Episode 3: Hacienda Del Valencia

1086 Words
Agad nagkubli si Clyde, sabay bunot sa kaniyang baril at nakipagbarilan na rin siya. Hanggang sa nagpapalitan na ng mga putok ang dalawang grupo. "Partner, ayos ka lang? tanong ni Clyde sa kaniyang kasama. "Partner, may tama ako," tugon ni Doyzkie na nakahawak sa kaniyang balikat. "What?!" Gulat naman siya at dali-daling tinitingnan ang balikat ng kasama. Agad siyang tumawag ng back-up at nagpadala rin ito ng ambulansya at maya-maya pa ay mayroong dalawang naka-civilian na NBI ang lumapit sa kanila. "Mr. Robinson, okay ka lang ba?" "Yes! Pero ang kasama ko may tama." Nang tumingin si Clyde sa likuran ng naka-civilian na NBI ay nakita niya ang dalawang kalaban at babarilin na sana sila. Agad niyang kinabig ang dalawang kasamahan at sabay paputok niya. Tatlong sunod-sunod na putok ang pinakawalan ni Clyde at natamaan niya ang dalawang lalaki, ang isa ay napatay niya at ang isa ay may sugat paa. Pagapang ang lalaki at akmang dadamputin ang kanyang baril. Pero mas mabilis nakalapit si Clyde sa kanya at agad niya itong tinutukan. "Pasalamat ka at hindi kita napuruhan!" pahayag ni Clyde rito. Ang iba pa nilang kasama ay hinahabol ang kalaban na nagtangkang tumakas. Ang dalawang naiwan ay nag-cover kay Clyde at sa kaniyang partner. Dumating ang ambulansya at agad isinugod sa hospital si Doyzkie, ngunit hindi naman grabe ang kaniyang natamo at hindi siya iniwan ni Clyde. Nahuli naman ang dalawang bandido at nakakulong na ang mga ito, subalit ang iba ay tuluyang nakatakas. Kumilos na rin si General Robinson, at pinatugis niya ang mga ito. Pinaiimbestigahan na rin niya kung sino ang nasa likod nito, hindi siya papayag na maagrabyado ang anak niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo, partner?" tanong ni Clyde, at kasalukuyang nasa pribadong kuwarto na sila. "Ayos lang ako, partner. Buti na lang at may secret bodyguard ka, kung wala ay siguradong todas na tayong dalawa ngayon." "Hindi ko alam iyon, kailangan ko pang makausap si General tungkol doon." "Partner, ayos lang iyon." "Hindi iyan ayos, partner." tugon ni Clyde. Dahil pakiramdam niya ay hindi siya lalaki sa ginagawa ng Mommy niya. Dahil hapon na ay kailangan muna ni Clyde na magpaalam sa kanyang partner. Nang lumabas siya sa kuwarto ay may mga tatlong naka-uniform na mga pulis, at nakatayo ito sa may pintuan. Nang makita nila na papalabas na siya ay bumati ang mga ito sa kaniya at nag-response naman siya. Ang akala ni Clyde ay magbantay iyon sa kaniyang partner, ngunit nang lumingon siya ay saka niya napansin na nakabuntot pala ang mga ito sa kanya. "Wait! Binabantayan niyo ba ako?" tanong niya dito. "Sorry, Sir Robinson. Pero utos lang ito ni General. "Listen! I'm okay! At hindi ako ang dapat ninyong bantayan ang kasama ko, kaya bumalik kayo doon. "Hindi puwede, sir Robinson, kami ang mananagot kay General," tugon ng isang pulis. "Look!" wika niya, at nakakunot ang noo nito, sabay pakita ng kanyang chapa at tumingin naman ang tatlo. "Taga-NBI ako! Kaya kong protektahan ang aking sarili. Sige na, puntahan n'yo na si Albarracin," utos ulit niya. Hindi na nagpupumilit ang tatlo dahil baka magalit pa ang binata kaya nanatili silang nakatayo at sabay tawag kay General. "Yes, Marcello?" boses ni General Robinson sa kabilang linya. "General, hindi namin nabantayan si sir Robinson, galit po siya at pinapabantayan niya sa amin ang kanyang partner. "What?! Nasaan si Clyde?!" "Umalis na, General." "Okay, dyan muna kayo. Salamat!" "Sige, General." Hindi mapakali si General Robinson, at sobra ang kanyang pag-alala para kay Clyde. Parang gusto niyang magsisi ngayon kung bakit pumayag pa siya sa kagustuhan ng anak. Agad niya itong tinawagan dahil nag-aalala siya nito. "Yes, Mom?" "How are you, Clyde?" tanong agad niya sa anak. "I'm fine, Mom." "Saan ka na ngayon?" "On the way, going home." "Okay good! Take care, Clyde." "Okay, but can we talk later, Mom?" "Okay, son," tugon ng ina nito. Pero alam na niya kung ano ang kanilang pag-uusapan. PAGDATING niya sa bahay ay agad siyang pumasok sa kuwarto, upang magpalit ng damit at pagkatapos ay bumalik sa baba at doon siya sa sala nakatambay habang hinihintay ang kanyang mga magulang. Mga kalahating oras ay dumating ang mga ito, nang makita siya sa may sala ay agad siyang nilapitan ng mga ito. "Hi! Son," bati ng kanyang Ama at agad naman siyang tumayo para humalik sa dalawa. "Dad, Mom!" Umupo ang dalawa sa harap ng anak nila upang mag-usap-usap ang tatlo. "Ano ba ang pag-uusapan natin, Clyde? tanong agad ng Mommy. "Tungkol doon sa apat na naka-civilian na mga NBI. Ikaw ba ang nagpapadala sa kanila, Mom?" "Yes! Dahil iyon ang utos ng Daddy mo." diretsahang tugon nito. "I'm sorry, son. Pero gusto ko lang masigurado ang iyong kaligtasan. We love you so much, Clyde. Kaya ayaw namin na mapahamak ka," turan ng Daddy. "I understand, Dad. But hindi na po ako bata, I'm twenty-eight years old now." "We know that, Clyde. Pero ang kapakanan mo lang ang iniisip namin ng Daddy mo." "Mom, gusto kitang tularan, iyong tipong walang kinatatakutan. Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa na hindi kailangan na may mga nakabantay sa akin. Sana maintindihan ninyo ako. "Okay! Kung 'yan ang gusto mo, Clyde.!" tugon ng ina. "But, thart! Alam mo kung gaano kainit ang anak natin sa mata ng kaniyang mga nakalaban ngayon!" Protesta ni Tom. "Don't worry dad, I can handle of this. I'll promise both of you, walang masamang mangyari sa akin." Walang nagawa ang kanyang mga magulang, kaya pinagbigyan nila ang anak. Ngunit pagdating ng mag-asawa sa loob ng kuwarto. "Thart, ayaw kong may masamang mangyari sa panganay natin, gawan mo iyan ng paraan!" seryosong sabi ni Tom. "Ako na ang bahala, thart. huwag mong masyadong alalahanin iyan." HACIENDA DEL VALENCIA Maagang nagising si Alona Morhina, upang magtungo sa kanilang palayan. Si Alona ay nag-iisang anak ni Liziel at John. Masipag siya sa lahat ng gawain at kahit anong klase na trabaho ay kaya niyang gawin, basta hindi lang ilegal. Dahil kapos sa financial ay hindi nakapagtapos ang dalaga hanggang second-year college lang ito sa kursong HRM. "Alona, ito na ang baon ninyo ng Papa mo," sambit ng kaniyang ina. "Pakilagay lang sa lamesa, Ma," tugon niya, dahil nasa loob pa siya ng kuwarto at kasalukuyang nagbibihis. "Pupunta pala ako sa Hacienda ngayon, John. Pinapunta ako ni Donya Monique." "Bakit daw?" pag-aalalang tanong ng asawa. "Hindi ko alam, baka may ipapagawa." "Sige, pero mag-ingat ka." Habilin niya sa may-bahay. "Pa, tayo na!" yaya ni Alona Morhina, at palabas na ito ng kaniyang kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD