Chapter 40 Chantal’s Pov ANG TAGAL umuwi ni Honey. Kanina pa ako naghihintay sa kanya dahil sabi niya ay sabay daw kami kakain. Pero kanina pa ako naghihintay sa kanya ngunit wala parin talaga. Nag send pa ako ng message sa kanya pero hindi naman siya nag reply. Nagtataka ako dahil first time na hindi nag reply ang malanding yun. Nagugutom pa naman na ako. Sabi kasi niya bibili lang siya, hindi ko naman inaasahan na two hours mahigit siyang bibili. Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko at naisipan ko nalang na kumain. Mukhang hindi naman siya darating kaya kakain nalang siguro ako ng tinapay. Kainis! Hinanda ko ang sarili ko na kumain ngayon ng kanin kahit pa nga fasting na ako dapat. Gusto ko kasing makasabay siya kumain kaya hinihintay ko siya. Siguro ay may pinuntahan pa siya a

