Chapter 54 Chantal’s Pov WALANG gana akong lumabas ng apartment ko para pumasok sa trabaho. Hindi na ako nag almusal dahil kahit nagugutom ako ay wala akong gana kumain. Sino ba naman gaganahan kumain kapag narinig na may tinatawag na baby ang lalaking nanliligaw sa ‘kin at gusto ko. Akala ko pa naman ako lang ang babaeng gusto niya pero malalaman ko lang pala na may baby siyang tinatawag. Ang sakit ng puso ko at hindi ako nakatulog agad. Iniisip ko si Honey na nangloko sa ‘kin. Mabuti nalang din siguro na hindi ko siya sinagot dahil napaka manloloko ng animal. Mas masakit pa nga yata ‘to kaysa sa nalaman ko na niloloko lang ako ni Rafael. Hindi ko na mawari kung ano ang mararamdaman ko kagabi. Kaya wala akong gana at inaantok din ako. Kasalanan lahat ‘to ni Honey. Lumabas na ako n

