Chapter 46 Chantal’s Pov INIS NA inis ako habang nag aayos ako ng dadalhin. Uuwi na kasi ako ng apartment ko na dapat sana ay mamaya pang hapon. Nakakabadtrip ang pinsan kong si Vedda. Sino ba naman matutuwa kung ganyan siya umasta dito sa bahay namin. Siya na nga ‘tong nakikitira siya pa ‘tong hari. Naiinis din ako sa papa ko dahil imbes na pagsabihan niya ang pamangkin niya ay hinahayaan lang niya dahil nga daw sa hindi sanay sa gawaing bahay. Nakausap ko din kanina ang bunso kong kapatid at sinabi niya na medyo nakakairita nga daw ang ugali. Minsan daw ay nadadatnan niya na nakahilata lang daw sa mahabang sofa at nanonood ng tv. Hindi man lang daw mag kusa na gumawa ng trabaho. Mana talaga sa mama niyang maldita. Dapat talaga ay kumontra si mama sa desisyon ni papa eh. Nakakapang in

