Chapter 42 Chantal’s Pov BUONG maghapon ay ang usap usapan ay ang pagkamatay ni Lowela. Tahimik lang ako at pinagdarasal na lang ang kaluluwa ng dalaga. Yun na lang ang ginagawa ko at maging si Pam ay sinasabayan ang pananahimik ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na patay na ang babaeng yun. Para akong nanlalamig at medyo nakokonsensya na hindi naman dapat. Hanggang sa matapos ang work namin ay wala akong gana. Paano ba naman kasi ako gaganahan eh kung ano-ano ang pinagsasabi ng mga kasamahan namin. Sinasabi na nga lang ni Pam na hayaan ko lang daw at wag na lang silang pansinin. Sabay kami lumabas ni Pam ng office. Patungo kami sa elevator pero wala kaming imikan dahil pareho kaming pagod dalawa. Pumasok kami sa elevator at may mga kasabayan kami sa loob. Nang m

