Chapter 44 Chantal’s Pov NAGPAALAM sa ‘kin si Honey na manliligaw daw siya sa ‘kin. Pumayag naman ako lalo na’t yun din ang gusto ko. Wala naman yatang mali kung magpaligaw na ako sa iba. Alam ko kasi sa sarili ko na wala ng epekto sa ‘kin si Rafael. Tuluyan na akong naka move on. Inaamin ko na inis na inis ako kay Honey pero dahil sa kakulitan niya ay nakuha niya ang atensyon ko. Nakuha niya ako sa kakulitan niya na minsan ay gusto ko na siyang ihawin dahil inis na inis na ako sa kanya. Pero hanggang sa nagtagal ay nasasanay na ako sa bibig niya at sa mga kilos niyang napakabilis gumalaw. Ito ang unang araw niya na manliligaw daw siya sa ‘kin. Wala namang problema sa ‘kin kaya pumayag ako. Pero may may maling desisyon na nagawa ang baliw na yun. Sinabi ba naman na hindi niya ako bab

