Chapter 91 Honey’s Pov HINDI KO na muna sinabi kay Master ang nalaman ko ngunit hiningi ko ang phone number ng babae upang matawagan ko siya kapag nasabi ko na kay Master. Sa ngayon ay kaharap ko si Max habang nagkakape. Wala si Master, hindi siya pinayagan umupo kaya inutusan ko na lamang na maglakad lakad sa paligid at baka may kahina hinala. Sumunod naman sa utos ko si Master at hindi na nag reklamo pa. Tumitig ako kay Max habang siya naman ay humihigop ng kape. “Ang lakas naman yata ng loob mong tawagan ako at makipagkita.” Saad ko kaya tumingin siya sa ‘kin. “Tinawagan mo lang ako para magkape? Alam mo bang istorbo ka sa buhay ko.” Wika ko habang matalim na nakatingin sa kanya. “Sa totoo lang ay nag aalala ako sayo, Zamora. Nakikita kong nawawala ka sa landas dahil sa babaeng m

