Chapter 68 Chantal’s Pov INIS NA inis ako habang pinagmamasdan si Vedda na nagpapapansin talaga kay Honey. Ilang beses ng iwas si Honey sa kanya pero siya talaga ang lumapalapit. Ewan ko ba kung nanadya ba siya para asarin ako o talagang gusto niyang masampal ko. Konting konti nalang talaga ay bi-bingo na siya sa ‘kin. Nakaupo lang ako habang kaharap ko si papa. May pag uusapan daw kami. Pumayag naman ako dahil sakto din naman at may sasabihin ako sa kanya. Tumikhim si papa kaya tumingin ako sa kanya. “Bakit hindi ka umuwi kahapon, nak? Ito ang unang beses na hindi ka namin kasama sa pasko.” Sabi ni papa kaya napanguso ako. Heto na naman kasi ang sagot ko. Magsisinungaling na naman ako. “May biglaang party kasi, papa. Nakainom ako konti kaya naisipan ko na lang umuwi sa apartment.

